Chapter 52. Melancholy

4.9K 162 15
                                    

Eugine's POV.

"So? How about you sis?"

Nakaramdam ako ng kilabot sa tono ng boses nya. Parang pinaparamdam nya na buhay sya at gusto nyang mag higante sa ginawa ko.

"W-wala akong maintindihan sa sinasabi mo" pagsisinungaling ko.

Nakita kong may kinuha syang parang tube na may lamang kulay green na liquid.

"A-ano yan?!"

Nanginginig kong sabi habang nakatingin sa hawak nya. Itinaas nya pa lalo at inilapit sa mukha ko.

"This? Hmm.. sabihin nalang nating antidote?"

Aagawin ko na sana sa kanya pero agad nyang inilayo.

"Opsss. . Masyado kang active sis. . Hahaha"

May nakita akong tumatakbo na studyante palapit sa amin kaya agad na lumayo si claire at inayos ang damit nya na parang wala lang.

"D-doc . . Isa isa ng namamatay yung mga studyanteng apektakdo ng lason, kailangan na nilang makainom ng antidote" hinihingal na sabi nung studyante kaya inis ko syang nilingon.

"Ok. . Babalik din ako kaagad" yun lang sinabi nya kaya tumango naman itong lalaki at tumakbo ulit paalis.
Lumapit ako sa kanya at hinila ko ang kwelyo nya.

"Bakit mo ginagawa ito? kung may balak kang pahirapan ako dapat ako lang hindi yung nandadamay kapa ng iba!"

Sigaw ko sa kanya na mas lalong kinainis ko dahil tawa lang ang naging reaksyon nya.

"Wow sis! Kinakarir mo na ang pagiging lalaki ha?"

Sarkastik nyang sabi sabay tapik sa kamay ko paalis sa kwelyo nya.

"Akin na yang antidote!"

Agaw ko at pilit kinukuha sa kanya pero tinatakot nya pa akong ihuhulog nya.

"Alam mong dalawa lang ang antidote na ito, sa akin at nasa kanya ang isa"

Napakunot naman ako ng noo dahil nagdududa ako.

Bigla kong naalala yung kwarto ni devien na puro expirement lang ang laman pero sa tuwing tinatanong ko sya hindi nya ako pinapansin.

"Mukhang napaisip ka kung sino? Hahahaha ang bobo mo talaga sis"

"What do you mean? May alam kaba kung sino ang gumawa ng paglason?"

Kaya pala alam nyang nilason yung mga studyante kasi isa siguro sya sa gumawa nito.

Lumapit sya sakin at biglang sinabunot ang buhok ko. Nanlilisik ang mga mata nya sa galit at kulang nalang kalbuhin nya ako sa lakas ng sabunot nya.

"Bakit ha?! Ou aaminin kong may kinalaman ako sa paglason! Alam mo kung bakit? Hahaha para maagaw ko si steve sayo! Lagi kitang binabantayan noon pa! Lagi ka nalang nakadikit kay steve! At ou! Kasama ko si devien! Si devien ang tinuring mong kaibigan ang dahilan ng kaguluhan dito! Hahaha how ironic right? Yung taong pinagkatiwalaan mo sya din ang sasaksak sayo patalikod!"

Napatulala ako dahil sa sinabi nya. .

Si devien? Totoo bang nagawa nya ito?

Natauhan ako sa sampal nyang sobrang lakas kaya naramdaman kong namanhid ang pisngi ko at dumugo din ang labi ko.

"Claire? Eugine?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita si steve na nanlalaki ang mata na nakatingin sa amin. Agad na lumayo si claire sa akin at nagkunyareng tinitignan yung sugat ko sa labi pero tinapik ko ang kamay nya. Tumakbo palapit si steve sa amin at tinulak si claire palayo sa akin.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon