Chapter 48. Hoaxer

4.8K 145 14
                                    

Leslie POV.

     Agad kong sinipa ang pinto at nung pagpasok namin sumalubong ang sobrang gulong gamit. madaming basag na bubog na nanggagaling sa bintana.

"Mukhang nakatakas na sya" sabi ni french nung lumapit sya sa glass window.

Nilibot namin ang tingin para hanapin si terrence. Halos bumaha na dito sa loob na may halo nading dugo.

"Terrence! Terrence" agad akong tumakbo palapit kina french ng makita naming walang malay si terrence at ang dami ding dugo.

"May saksak sya! Dalhin natin sya sa clinic" sigaw ni french pero pinigilan ko.

"Sa hospital nalang natin sya dalhin dahil hindi naman sya maaasikaso doon"

Tinignan nya muna ko tsaka sya tumango. .

Dave's POV.

"Why? Wala na bang ibang solution? Bakit kailangan mo pang patayin ang kaisa isa mong kapatid?" - Sion

Hindi na ako sumagot at nanatiling tahimik nalang , problema ko ito kaya ako ang dapat mag asikaso nito.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong lumabas sila leslie habang bitbit si terrence na walang malay at may dugo din sya sa bibig.

Shit! Sabi na e mangyayari ito. .

"Mas mabuti sigurong puntahan mo na sila" sabi ko at tinuro sila leslie na isinasakay na si terrence sa van.

"Shit! I forgot" bulong nya at tumingin sa akin, tumango lang ako kaya naglakad na sya paalis.

May kailangan din pala akong puntahan. .

Eugine's POV.

"Steve may lason din ang mga tubig" sabi nung claire pagkalabas nya sa isang kwarto.

"Argghh!! Who did this!"

Hindi mapakaling sigaw ni steve habang napasabunot sa sarili. Lalapit na sana ako pero inunahan ako nung claire na yun!

Ang landi nya talaga!

Napatingin sya sakin dahil napansin nya sigurong ang sama ng tingin ko sa kanya. Inirapan ko sya dahil nakakairita na yung smirk nya.

Piratin ko bibig nya e!

"Someone's jelous here" sabi nya habang sa akin nakatingin kaya napatingin din si steve sa akin.

"N-no I'm not! I'm not a gay"

Tanggi ko at sinway yung kamay ko na nagsasabing NO .

Bwisit kang babae ka!

Wala namang imik si steve na tumingin sa akin dahil poker face lang sya at agad iniwas ang tingin. 

Pinansingkitan ko sya ng mata ng mag smirk lang sya sakin pagkatalikod ni steve.

'LOSER'

she mouthed kaya lalong kumulo ang dugo ko.

Parang sinasabi nya na walang pakialam si steve sa akin at ang swerte nya dahil nahalikan nya si steve?! Pwee!

Kumukulo yung dugo ko ng hindi ko alam. .

Napakuyom ako ng kamao sa sobrang inis.

Tumayo na ako at nagmartsa palabas.

"Where are you goin?"

Dinig kong sabi ni steve pero hindi ko na sya pinansin. Kailangan kong magpahangin dahil mas lumala ako.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon