Chapter 54. Peril

4.8K 144 18
                                    

Eugine's POV.

     Napahawak ako sa tyan ko sa kakatawa ng makita si steve na sinuot yung salamin na may ilong na malaki at balbas.

"Pffft . . Tama na steve hahaha" sabi ko ng natatawa dahil ang seryoso nya tapos bigla syang magsasalita na parang baliw hahaha.

Di ko aakalain na may tinatago palang ugaling ganito si steve.

"Ok enough. . I just want to see you smile" sabi nya bigla sabay tanggal nung suot nya kaya bigla akong natahimik.

Shitness. . Lagi nalang akong pinapakilig nito.

Napaiwas ako ng tingin at kunyareng sinubukan yung ibang cap na malapit sa akin. Pagkatapos kasi namin kumain sinabi nyang maglibot muna daw kami at gusto ko rin bumili ng damit dahil ayoko ng suotin yung mga damit ni ericho.

"Come here" nagulat ako ng bigla nya nanaman akong hilain sa mga damit ng panlalaki. 

Namimili lang sya habang ako nakatingin lang sa kanya.

Habang tumatagal mas lalo kong nakikilala si steve, ewan ko lang kung ako lang ang nakapansin sa pagbabago nya.

Hindi na sya masyadong masungit saken pero hindi nga mawawala yung pagkaladkad nya
. Lagi na din nya akong kinakausap.  .

At mas lalo lang akong nahuhulog. . .

Nagulat ako ng pumitik sya mismo sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Y-yes?"

Bigla kong sabi kaya kumunot ang noo nya.

"What? I'm not asking a question" masungit nyang sabi habang sinusubukan yung jacket na leather.

Nagkibit balikat nalang ako at namili narin ng mga damit ko.

Napalunok ako ng mapatingin ako sa kabilang side kung saan yung damit ng mga babae. Nakakamiss din palang magsuot ng damit pambabae pero sa sitwasyon ko ngayon mukhang hindi pa pwede.

♢♢♢

"Sigurado kaba steve? Kukunin mo ito lahat?"

Gulat kong tanong ng makita ang dami nyang pinili para sa akin na damit. Lahat ng sinusukat ko kinukuha nya tas itatabi hanggang sa hindi ko namalayan na kaya nya pala tinatabi kasi kukunin na nya agad. Napailing nalang ako dahil iba talaga pag mayaman.

Hindi nya ako pinansin at nagbayad lang sya agad dun sa sales lady.

Kukunin ko na sana yung paper bag ng tapikin nya yung kamay ko kaya inis ko syang tinignan.

"Don't . . Ipapadeliver ko nalang  yan sa school ayokong mag bitbit" masungit nyang sabi kaya napasimangot ako at inilayo ang sarili sa mga pinamili nya.

Nauna syang naglakad kaya sumunod nalang din ako. Habang naglalakad kami napapatingin sa kanya yung mga tao sa mall.

Ikaw ba naman makakita ng lalaking maputi, matangkad at gwapo di ka mapapalingon?

Ako hanggang balikat nya lang kaya nagmukha akong kapatid nya.

Yung mga babae naman pasikretong kumukuha ng picture na kala mo e may artista!

Napangiwi ako dahil masyado ng expose ang steve ko . .

Wait? Did I say steve ko?

Napatawa ako ng mahina sa naisip, talagang inangkin ko na sya hmp.

Ako naman ngayon ang humila sa kanya, hindi kasi ako masyadong expose dahil naka cap ako at nerd shades. Buti nalang hindi sya pumalag kundi kakaladkarin ko talaga sya ng sapilitan. Napansin kong may nakamasid sa akin kaya agad kong tinignan pero umalis lang sya sa pwesto nya.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon