Chapter 14. Charlie

7.1K 216 5
                                    



"B-bakit? Anong nangyare? Wag nyo sabihing natalo ang isang tulad nya?!"

Gigil na sabi ni steve sabay sabunot sa buhok. Nandito na kami ngayon sa cafeteria ng dorm, tulog pa yung ibang studyante kaya kami nalang yung gising.

"Kalma lang steve! Anong magagawa natin! W-wala na si brizon hindi na sya mabubuhay pa kaya kalimutan na natin yun!" Biglang singit ni Terrence kaya hinila sya sa kwelyo ni steve at akmang susuntukin pero pumagitna na si kristian.

"Tsk! Past is past pwede ba ang iingay nyo! Magsibalik nalang tayo sa dorm natin! Yung SSC na bahala dun!" Inis na sabi ni kristian at dumaan pa talaga sa gitna nila steve at terrence.

"Mabuti pa magpahinga na tayo"

singit ko dahil masyadong mainit ang tensyon. Wala na silang nagawa kundi bumalik na sa dorm room. Tsk! Ano paba? Kasabay ko lang naman si steve na hanggang ngayon problema pa si brizon.

"Bakit mo paba inaasikaso yung taong wala na?" Tanong ko pagkahiga, alam ko naririnig nya ako.

"Pwede ba tumahimik ka nalang?! Ang intrimida mo masyado!" Napangiwi ako dahil ang taray nya ngayon ah.

"Sorry naman. . masyado ka kasing na stress dyan di mo ba naisip na pumasok kayo dun at buhay ang kapalit? Tapos ngayon iiyak ka pa ata dyan? State the obvious na natalo yun kaya wala na sya! Kaya pwede ba matulog kana!" Pagtataray ko din,

"Wala kang alam eugine! Di mo alam ang salitang kaibigan!" Sabi nya kaya tinignan ko na sya sa baba ng nakataas ang kilay.

"Pwede ba! Hindi ako manhid para hindi ko alam yun! May gusto ka ata kay brizon e! Kaya kalimutan mo na yun baka hanggang hukay nya magdrama kapa-"

napayuko agad ako dahil tinapunan ba naman ako ng dagger nya, langhiya susugatan pa ata yung isa kong mata.

"Kung gusto mo pang mabuhay tumahimik ka pwede? Nakakairita kana minsan!" Gigil nyang sabi kaya inirapan ko nalang. Pagkahiga ko ng maayos naisip ko si devien, hindi ko sya nakitang nakalabas. . hindi kaya natalo sya? O kaya pinatay?. Teka may naalala ako. Kinuha ko sa bulsa yung sulat na kulay red at tinignan ulit yung nakalagay, paano ko ba to maiintindihan? Parang code ata to pero para saan naman? Sino kaya nagbigay nito?. Napailing nalang ako dahil andami kong iniisip, napatingin naman ako sa nahulog galing sa bulsa ko. Kinapa ko yung akin, nandito parin naman. Nilapit ko sa mukha yung dog tag para makita yung name. Nanlaki mata ko ng pangalan ni Brizon ang nakalagay, sumilip ulit ako sa baba kung gising pa yung isa pero mukhang lumabas ata buti naman. P-pano napunta sakin to? Bakit wala akong maalala? Napasapo nalang ako sa noo dahil hindi ko na talaga alam anong nangyayare sakin. Ang alam ko lang naglalaro daw kami sa labyrinth at . . at hindi ko na matandaan.

---×××××--

*Yawn* napahikab ako sa sobrang bored ng klase plus hindi pa ako nakatulog dahil andami kong iniisip na nakakasakit sa ulo. Ano ba naman yung nagtuturo parang robot! Hindi din nakangiti parang ang sungit na seryoso, gwapo pa naman yung teacher.

"Mr. Park please stand up"

automatic naman akong napatayo.

"Please ayokong makita kang humihikab sa klase, kung ayaw mong makinig lumabas ka" sabay turo nya nung pintuan. Nagkibit balikat ako at nag yes sir tapos humakbang na ako sa pinto palabas. Saktong paglabas ko nakita ko si charlie na nakatulala habang may yakap yakap na libro. Hindi ko sya tinawag dahil sinundan ko sya ng hindi gumagawa ng ingay.

Napano ba yun? Wag nyong sabihing bumalik nanaman yung charlie na tinakot ako? Nagulat ako ng lumingon sya saken kaya hindi ako makagalaw sa uri ng pagtitig nya. Napaatras ako ng lumapit sya sakin at sinakal ako.

"C-Charlie! Acckk h-hindi ako makahinga!"

Malalagutan ata ako ng hininga sobrang higpit nyang manakal. Sinipa ko sya sa hita kaya napaluhod sya at naghahabol naman ako ng hininga. Sinamaan ko sya ng tingin,

"Ano bang nangyayari sayo charlie?!" Inis kong sigaw.

"Hayaan mo na sya ganyan talaga yan" napalingon ako sa kamay na humawak sa balikat ko sabay tingin sa lalaking sobrang ngumisi.

"Muntikan na nya akong patayin dave" mahina kong sabi habang tinutulungan nyang makatayo si charlie. Aba! Hindi nila ako pinansin? Sinundan ko nalang sila.

"Wag ka munang lumapit kay charlie baka hindi lang yan ang gawin nya sayo" pagkasabi nun ni dave huminto nalang ako at napasimangot. Ano bang meron kay charlie? Nag iba nanaman sya tsk! Wala akong magawa kaya pumunta nalang ako ng garden para magpahangin. Saktong nakita ko si Chan na nagbabasa ng libro. Pagkalapit ko tinignan nya lang ako saglit sabay tingin ulit sa binabasa nya. Umupo nalang ako katabi nya pero langhiya umusog.

"Ayaw mo ba akong katabi?" Tanong ko pero langhiya nagsuot ng headset.

"Bahala ka dyan basta tatabi ako sayo" pagpaparinig ko.

"Tsk"

pagkasabi nya nun tumayo na sya at umalis. Ano bang kasalanan ko bakit nilalayuan nila ako? Napakamot nalang ako ng ulo dahil ang gugulo nila.

"Hindi mo talaga alam kung ano ang school nato no?"

Napakurap ako sa gulat ng may biglang lumitaw este tumalon sa puno.

"S-sino ka? Do I know you?"

Sabi ko sabay turo sa kanya.

"Nuh-uh syempre hindi mo ako kilala. . state the obvious bro"

napaatras ako ng tinap nya yung ulo ko.

"Haha ang liit mo naman para maging la-la-ki?"

Nanlaki mata ko ng ngumisi sya at parang. .

parang alam nya ang s-skreto ko. .

hindi kaya sya yung. . .

"Hahaha just kidding. . ikaw pala yung new member nila? Paano ka nakapasok?" Kumunot lang noo ko.

"Hahaha nagulat ba kita? Hmm obvious naman kasi sa mukha mo and ofcourse I know them kasi kapatid ko yung isa sa kanila"

napa sigh nalang ako.

"Ok! Ou nagulat ako hindi ko expect na may tao dyan sa puno at sino ba yung kapatid mo dun?" Tumawa nanaman sya.

"Hahaha delikado yung kapatid ko ngayon dahil umandar nanaman yung sakit nya, bata palang kami nagsimula yun dahil nabiktima kami ng massacre. . at alam mo naman siguro kung sino?"

Napaisip ako. . sino nga ba??

"At may hawak syang libro ang nagsulat nun ang daddy namin kaya lagi nyang hawak. . daddy's boy kasi sya dati pero nung namassacre kami I mean yung family namin ubos lahat, include na dun si Mom at mga kapatid ko"

ah! Parang alam ko na kung sino

"Si charlie??. .

Teka! Bakit mo ba sinasabi saken yan? Ano bang pakilam ko kay charlie?" -ako

"Diba tinatanong mo kung anong nangyayari sa kanya?" - unknown

"P-paano mo naman yun nalaman? Telekenisis kaba?" - ako

Tumango sya at lumapit nanaman saken at bumulong.

"Mamili ka. . . patayin ka nya o patayin mo sya?"

Natulak ko sya dahil hindi maganda ang narinig ko.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon