Chapter 32. Killed Off

5.2K 140 6
                                    

Eugines's POV

     Nakailang buntong hininga na ako dito sa higaan habang nakatihaya.

Ang boring. .

Ang tahimik. .

Umikot ako padapa at sinilip sa baba kung bumalik naba si steve pero wala pa sya doon.

Arghhh!! Anong nangyayare saken? Sinapian ba ako ng engkanto?

Bakit ko ba sya hinahanap?

Napatingin ako sa malaking wall clock na nakadikit sa harapan ko. Mag aalas-tres na ng madaling araw pero hindi pa bumabalik si steve.

Bwisit nga e!

Lalabas na sana ako kanina dito sa dorm, pero nilock ni steve yung pinto mula sa labas.

Bwisit! Bwisit na bwisit!

Kaya ngayon mukha akong ewan na paikot-ikot sa higaan habang hinihintay si steve para makalabas naman ako letse!.

Bumaba ako sa higaan at napagdesisyon kong halughugin nalang yung gamit ni steve, para naman makaganti ako sa pagkulong nya saken dito.

Pinagbubukas ko yung drawer nya, impyernes ang ayos ng mga gamit. Nung sa pangatlong drawer na ako hindi ko mabuksan kaya pilit kong hinila pero ayaw talaga kaya sinipa ko nalang yun sa inis.

"Damn!" I curse then bigla nalang yun umungkit ng konti kaya nag indian sit ako at ayun buti naman at bumukas na.

Halos malaglag yung panga ko sa nakita sa loob. Ang daming pictures, i mean mga picture siguro nila to. Kumuha ako ng isa at nakita kong maliliit pa sila dito. Napatawa ako ng malakas sabay hampas pa sa sahig. Sinong di matatawa? Mukha silang mga inosenteng nilalang.

Ang c-cute nila dito, hindi naman lahat sila. Mga lima lang yung bata dito sa picture. Sa unahan nakapeace sign si terrence, tapos yung kasunod na nya nakapoker face. Si steve, Kaizer, leslie at charlie.

Nalungkot ako bigla ng maalala ko ang pagkamatay ni charlie. Hindi na nga pala yun pinag uusapan pero nakakapagtaka parin dahil parang wala lang sa kanila na mawalan ng kaibigan. Si Brizon kaya? Nasa maayos kaya sya ng libing? Ang alam ko kasi iniwan lang nila yung katawan nya tapos parang taboo na sa kanila. Umiling nalang ako at nagkalkal ulit ng ibang picture. Mga high school na ata sila nito, naging walo na sila dito at nagbibinata na ang mga itsura. Kumuha ulit ako ng ilan at nakita kong si steve lang at may isang babae, tapos yung katabi nung babae si kristian. Mukhang 1st year college na sila dito dahil nakapang doctor na damit si kristian at mukhang ang laki pa ng ngiti nya dito. Nakaakbay sya sa babae na mukhang masaya din habang nakaakbay naman yung babae kay steve na nakabusangot.

S-sino kaya yung babaeng to? Akala ko ba all boys school lang to?

Binalik ko ulit yung picture at naghanap na ako ng makakasagot sa tanong ko. Nagslow motion ako habang pinakatitig yung isang litrato na mukhang class picture. Nakatayo sa likod si steve habang may mga katabi syang mga studyante din. Tapos may mga nakaupo naman na babae tapos sa gitna may professor, siguro nga class picture to. Tinabi ko muna yung picture at nagkalkal ulit ng iba. Ngayon naman si steve, kuya ericho at brizon yung nakuha ko. Masayang masaya sila dito sa litrato habang nakaakbay sa isa't isa.

Ano ba talagang nangyare sa skwelahan nato?

Bakit parang may nagbago ayon sa nakita kong mga litrato?

Kinuha ko ulit yung class picture na tinabi ko at pinakatitig ng maayos. May mga babae naman at yun din ang uniform nila na uniform namin ngayon, skirt nga lang na maikli yung sa babae tas blue naman sa lalaki.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon