Chapter 38. Eugine meets Eugine

4.8K 151 0
                                    

Eugine's POV.

Nasaan ba ako?

Tinignan ko yung sarili ko na halos mapuno na ako ng kung ano ano sa katawan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa akin pero nanghihina talaga ang buo kong katawan. Ang daming nakatusok sa katawan ko at may oxygen pa ako sa mukha.

Hindi ko maitayo ang sarili ko dahil parang sobrang bigat.

Ano bang ginawa nila sa akin?

Kahit hinang hina na ang buo kong katawan ay pilit akong bumangon at pinag aalis yung mga nakatusok sa mga kamay at paa ko.

Pero nung sinubukan kong tumayo agad akong natumba sa sahig dahil parang tinurukan ng anistesya ang buo kong katawan.

Sinubukan ko ulit tumayo pero natumba ulit ako.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at may pumasok na babae. Pinakatitigan ko sya habang tinutulungan akong tumayo.

Bakit parang pamilyar sya?

"Ayos ka lang? Bakit mo kasi pinipilit tumayo?" Mahinahon nyang saway sa akin pero nakatitig lang ako sa mukha nya.

Biglang nagflashback sa isip ko yung litrato na nakita ko sa kabinet ni steve.

Sya! Tama! Sya nga yung babaeng yun!

"Ayos ka lang?" Tanong nya ulit ng makaupo na ako sa kama at pinainom nya ako ng tubig.

Tumango lang ako habang nakatitig parin sa kanya.

Ang ganda ganda nya. . .

"Papa sino to? Ang ganda naman nya" sabi ko habang pinakita kay papa yung litrato na nakalkal ko sa kwarto ni kuya ericho.

Nanlaki ang mata nya nung pinakita ko sa kanya yung picture frame na babaeng nakangiti habang solong nakaupo.

"A-ah....saan mo nakita yan?!"

"Sa kwarto ni kuya bakit? Sino sya papa?" Tanong ko ulit at lumapit sa kanya.

"S-sya yung ate nyo" sabi ni papa habang hindi mapakali.

"Really? May ate kami? Asan na sya?" Inosente kong tanong.

"S-she's Dead" malungkot na sabi ni papa kaya nabitawan ko yung litrato kaya nabasag.

"What theㅡ" biglang pumasok si kuya sa sala at tinulak ako bigla.

"Anong ginawa mo sa kwarto ko?? Wala kang karapatan na pakialaman ang gamit ko!" Sigaw nya sakin kaya napaiyak nalang ako.

"Ericho!" Saway ni papa

"Wag na wag mong hahawakan ang litrato ni ate!" Sigaw nya ulit.


"Hey? Gutom kana ba? Sumagot ka naman oh?" Natauhan ako ng kumaway sya sa mukha ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Sya? Sya ang tunay na kapatid ni kuya ericho?

Akala ko ba patay na sya?

Naguguluhan na ako. . .

"Marunong kaba talagang magsalita? Wala kasi si kristian dito ngayon kaya nakalapit ako sayo" sabi nya habang nakatingin sa mata ko.

"S-sino ka?" Biglang lumabas sa bibig ko,

"Buti nagsalita ka din" masaya nyang sabi habang nakangiti.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon