Chapter 41. Doctor Stranger

4.9K 159 1
                                    

Terrence POV.

Hindi ako mapakali. . Kanina pa ako pabalik balik sa nilalakaran ko.

"Pwede ba terrence tumigil kana sa kakalakad?" nakataas kilay na sabi ni leslie kaya tinignan ko lang sya at nagpalakad lakad ulit.

"Aisshh" inis nyang sabi sabay sara nung laptop nya.

Nacucurious talaga ako ano yung ginagawa nya sa laptop. Ilang araw na syang nakatutok sa laptop.

"Mukha na syang laptop!"

Napakagat ako sa ibabang labi dahil napalakas ko ata yung nasa isip ko.

"Anong sabi mo? Ako ba sinasabihan mong mukhang laptop?!" Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Gago ka ah! Galawin mo lang ang lahat wag lang ang buhok ko!" Inis kong sabi sa kanya sabay ayos ulit sa buhok ko.

Tinulak ko sya kaya muntik na syang matumba.

"Ang rude mo talaga terrence kailan kaba magbabago?"

Inirapan ko lang sya at humiga nalang ako sa sahig.

Pumikit nalang ako at inalala ulit yung narinig ko kanina.


Habang naglalakad ako papunta sana sa gym para magpraktis ng arch nahagip ng mata ko si steve na nagmamadaling pumunta sa clinic. Kaya sinundan ko at iniwan muna yung bow and arrow ko. May nakita akong kotse na pumasok sa may gate at huminto yun. Agad akong nagtago dahil alam kong malakas ang pakiramdam nitong steve baka mahalata nyang sinundan ko sya.

"Nice to meet you Ms. Morales"

Miss? As in Babae?

Sumilip agad ako dahil nacucurious ako sa bagong school doctor na yan.

Sheet! Bakit ang ganda nya?

Pero bakit pamilyar yung mukha nya?

"Kamusta na sya?" tanong nung Ms. Morales

"He's unconcious until now"

"I see. . By the way masyadong formal ang Miss just call me Dra. Claire"

"Salamat dahil nakita mo si eugine"

"It's ok. . You owe me this"

Tuluyan na akong lumabas sa tinataguan ko.

Hindi kaya nag aalala si steve kay eugine dahil naaalala nya itong Doctora?

Napailing ako. .

Hindi nga siguro bakla si steve.

I cleared my throat kaya napatingin sila sa akin. Nung nakita ako nung doctora nginitian nya ako pero hindi ko sya ginantihan.

Mas gusto ko parin si kristian ang maging school doctor.

"Hi? Studyante kaba dito?" Tanong nya kaya napa irap ako.

"State the obvious" tipid kong sagot ng hindi ngumingiti.

Nakita kong napangiwi si Ms. Claire

"I'm sorry. . Masyado ka kasing gwapo para maging studyante dito"

'Nambola pa tss!'

"Terrence please say sorry to Ms. Claire for being rude to her"

"It's ok steve" sagot nung claire habang ngingiti ngiti.

School of Psycho (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon