[6] The Calm Before the Storm

44K 589 35
                                    

SIX

(Back to the present)

Pumayag lang naman ako only because his life seemed too lonely, ang drama kasi ng buhay niya eh. The guy clearly needs some saving.

You see, his parents are divorced. Iniwan silang magkakapatid ni Mystery Mom kay Scary Dad kaya sila-sila na lang yung magkakasama sa Ayala household = Key + Jealous Brothers + Scary Dad.

Wow, what a combination. How awkward is that? Everyday Semana Santa siguro ang drama nila eh no. Yikes.

So there, I came into the picture para iligtas siya mula sa kanyang sad, boring life. Ayoko rin kasi ng mga kadramahang ganyan eh. At saka, eh di kasalanan ko pa kapag naging emo at forever alone 'yang si Key kapag ni-reject ko siya nung mga panahong 'yun. 'Di ba, kawawa naman.

Pero bilang tagapagtanggol nga ng naaapi yung role ko sa buhay ni Key, I really have to save him this time. This lovey-dovey charades of ours has to end.

Bago pa niya maranasan yung malagim na kapangyarihang taglay ni Scary Dad. Bago pa mahuli ang lahat.

xxx

After class, I instructed all class presidents to submit their inputs and suggestions para sa upcoming Annual Acquaintance Party. Everyone obliged maliban sa magaling na pangulo ng klase ko. Great.

Kanina pa missing in action yung bwiset na organism na 'yun ah, he even skipped classes. Asar naman eh, uwing-uwi na panaman ako. At gutom nako.

"Hoy Key," binato ko siya ng crumpled paper sa ulo to get his attention, "Dalhin mo nga dito si Darren."

Nag-volunteer si Key na tulungan ako ngayon kaya nandito rin siya sa SC room. Umasa-asa pa ako that he'd help me for real pero ang mahal na prinsipe ay natutulog lang sa harap ko. Ugh. Wala nanamang naiaambag sa sanlibutan.

Sinipa ko yung table kaya naman napa-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayuko dito at saka niya ako tinignan with his sleepy eyes.

"Get. Me. Darren." Pag-uutos ko like a boss. Oh! Wait, I almost forgot. I am the boss.

Patuloy lang niya akong tinitignan intently, his face expressionless. And then after a few moments, nung mukhang nabilang na niya yung pores sa mukha ko, pinag-belatan lang niya ako at saka siya bumalik sa pagkakayuko. Aba't!

Galit-galitan pa din ba dahil nakikipaghiwalay ako sa kanya? Psh, what a drama queen.

"Akala ko ba tutulungan mo ako?!" Pasigaw kong sumbat sa kanya, bwiset eh.

"Prez," he raised his head and his face broke into a crooked grin, "Tinutulungan na kita. Aminin mo, my delightful presence gives you so much joy and comfort."

"Get out," inirapan ko siya, "Wala ka namang magandang naidudulot dito eh, dina-damage lang ng pagmumukha mo yung 20/20 vision ko."

"Palusot," Tatawa-tawa niyang sabi, "I'm probably just sparkling so bright that your eyes are starting to hurt."

Sparkling? Grabe, akala ba niya siya si Edward Cullen bathing under the sun? Naku, ipa-appointment ko nga sa uncle ko na psychiatrist yung insane creature na 'to, I'm worried. Baka mahawa pa ako eh. Tsk.

"Utang na loob naman Keith Kato, kung hindi mo naman pala ako tutulungan, umalis ka na lang, okay?"

"Sige na, sige na, Prez, I'll go find Darren. Tsk, what a bad-tempered woman," Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at naglakad palabas ng pinto. He held the doorknob at bago niya inikot ito, nilingon niya muna ako, "I swear if you didn't have me, you'll end up being an old maid."

My Vice President is a BullyWhere stories live. Discover now