[4] The Runaway Prince

49.5K 614 59
                                    

FOUR

I'm scared.

Mali yata yung desisyon ko na magpahimatay sa mga braso nitong si sexy. Promise, ang weird, weird niya.

Without warning, nag-preno yung sasakyan kaya medyo napatalbog tuloy ako sa kinauupuan ko.

Pero at least naman, kanina, when the guy tucked me in the passenger seat while I was pretending to be Sleeping Beauty, hindi niya nakalimutang i-secure yung seatbelt ko.

Sinagot niya finally yung kanina pa tawag ng tawag sa cellphone niya, and oh boy, the guy was clearly pissed.

"Four hours, Vallejo. You made me wait like an idiot for four long hours. Don't you dare show your annoying face on my doorstep or I'm seriously going to kill you, you stupid chocolate malt drink."

Wow, nice accent, feeling ko lumaki 'tong si sexy from a far, far away land. There was something musical about the way he spoke, it tickles my ears.

Nakarinig ako ng kung anong bugsh, binato yata nitong si sexy yung phone niya somewhere in the car. Oh my... scary, right?

Kawawa naman yung si Vallejo at natawag pa siyang chocolate malt drink. Pfffft.

Oh, w-wait. Wait. Parang may nabubuong formula yung awesome brain ko dito.

Magaling mambwiset ng tao + Vallejo + chocolate malt drink = ?

Equals Milo! Milo Vallejo!

Oh, my god! Thank you, Lord, I can finally see the light!

"Milo Vallejo!" Uh-oh, nasabi ko ng malakas.

Napaharap sa akin si sexy habang isinusuklay niya yung kamay niya sa buhok niya, he was wearing a frustrated face.

"Oh look, Sleeping Beauty is finally awake," napangiti siya, "Sayang, iki-kiss na pamandin sana kita. I thought we were already in that exciting part where the Prince should kiss you awake."

Wow. Nahihibang ba yung isang 'to? Paano niya nasasabi sa akin 'to when we're practically strangers? Sagwa.

I ignored him, may ibang mas mahahalagang bagay kaysa sa kissing career ko, tulad na lang ni Milo.

"Uhm, I need your help," napalunok ako, nakakahiya na eh, ang dami kong misadventures na naidulot sa kanya for today, but I have no choice, "Pwedeng makitawag? Last favor na 'to, promise."

"Sure Princess," tinitignan niya ako with a look in his face that's so mischievous, it's almost freaky, "But not for free."

My heart sank. Bwiset, ano ba 'yan, mukhang pera naman yung isang 'to.

"Magkano?" I asked, kahit alam ko naman na wala akong pambayad. Ouch, it sucks to be poor.

"I don't accept cash," he smiled. Ngumiti siya na para bang may alam siyang secret na hindi ko alam, "What can you offer me then? Perhaps... your body?"

WHAT. Sinasabi ko na nga ba eh, sinasabi ko na nga ba. This guy is freaking creepy! Masyado siyang matulungin sa kapwa, it's too good to be true.

Tumitindi na talaga yung suspetsa ko dito kay sexy.

Hindi lang dahil sa binibitbit niya ako, errr, fine, he carried me around the airport in his arms like a Disney Princess (I swear wala akong choice! Siya yung dikit ng dikit ng katawan ko sa, uhm, chest niya eh. So delicious – SUSPICIOUS. I mean, so suspicious!)

Kung 'di dahil hinihingi niyang kabayaran yung katawan ko, see? What a pimp!

At kanina nagawa niyang utuin yung mapanghusgang Immigration Officer na habol ng habol sa akin, he even debated with him in fluent Japanese. He just flashed his I.D. tapos mysteriously, nilubayan na kami ni Immigration Officer-san.

My Vice President is a BullyWhere stories live. Discover now