[1] You'll Never Guess Her Secret

277K 1.6K 298
                                    

ONE

"Take it off," I commanded.

Tinignan lang niya ako at saka siya umiling, napataas tuloy ako ng kilay.

"Hubarin mo sabi eh!" Panggigigil ko, meron bang mahirap intindihin sa pinag-uutos ko? Ugh.

"A-ano?" Napayakap siya sa sarili niya as he scanned the Student Council room, "Pring naman, 'wag dito."

Okay, that's it. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo from my majestic seat at saka ako nag-lakad papalapit sa kanya. Napansin ko na humigpit yung yakap niya sa sarili niya, saka pa siya napalunok na para ba talaga siyang kinakabahan.

At bago pa siya maka-hakbang ulit palayo, inabot at hinila ko na yung tenga niya, and I snatched the stupid earring from it.

Ang lakas lang ng loob ng manyak na 'to at talagang bumandera siya ngayon ng naka-hikaw! Ngayong meeting pa, of all possible days! Makakatikim sa akin yung isang 'to.

"Aray! Dahan-dahan naman, mababawasan ako ng pogi points n'yan eh!" Tinignan niya ako hysterically like I'm some sort of a criminal at saka niya hinimas-himas yung reddish niyang tenga, "Ihhh Pring, paano na lang yung tunay na pag-ibig natin nito?"

Napatingin ako sa pagmumukha ni Milo na punong-puno ng pag-aalala, kagat-kagat pa niya yung mga daliri nito as he started to pace back and forth dito sa SC Room.

Hindi ko alam how I should respond, so I just stared at him.

"Ah, teka!" Pumalakpak siya eagerly, "Come to think of it, Pring, para pala tayong Romeo and Juliet niyan... star-crossed lovers! Ihhh, nakakakilig naman!"

Puno ng excitement yung boses niya kaya napatawa tuloy ako. Fudge! Totoo nga yata na stupidity is contagious! Dapat yata hindi ako masyadong naglalalapit sa Milo na 'to eh.

"Hoy Milo, anong nakakakilig 'dun eh namatay lang sila sa ending?" I rolled my eyes at him, "At saka ano ba yung hindi mo maintindihan sa salitang bawal, ha?"

Napa-ngiti siya wickedly, "Kasi nga, 'yan yung masarap... yung bawal. Try na kasi natin Pring, masarap!! Peksman," ginawa pa niya yung cross my heart gesture sa chest niya. Dami talagang alam ng perv na 'to, patalsikin ko na yata sa Student Council eh.

"Ah, ganito na lang, Pring," naglakad siya papalapit sa conference table at saka niya inupuan ito, "ilihim na lang natin yung affair natin."

Ay bwiset.

Binalikan ko ang aking majestic seat and I rolled a sheet of paper, at saka ko ito binato sa ulo niya na walang ibang laman kundi images ng mga babaeng naka-bikini, "Tigil-tigilan mo na nga ako Milo!" I glared at him, "Eh bakit ka pala humabol as a Student Council Officer? Need I remind you that any romantic involvement between Student Council members is prohibited?"

"Syempre naman Pring, I joined the SC para makasama mo ng mas matagal ang pinaka-crispylicious, pinaka-juicylicious, at pinaka-delicious na heartthrob dito sa campus," kinindatan ako ng loko at saka pa niya ginawa yung Mr. Pogi pose, "...me."

Crispylicious? Juicylicious? Uhh... Chickenjoy? Pfffft, nag-pigil akong matawa, abnormal na Milo.

"Tch," nagpatuloy lang siya, "Asar talaga yung previous Student Council Officers na 'yan, bakit ba kasi nila inimbento yung Alamat ng Boom Boom Pow?! Ayan tuloy napatupad yung bwiset na batas na 'yan! Ihhhh Pring!!" He cried in despair at saka niya pinadyak-padyak yung mga paa niya, "Masasayang yung kabataan ko nito eh!" Nagpout siya, badtrip.

Hetong si Milo kasi, successor ng The V Effect, isang high-end, international clothing line. That explains why may konting bahid siya ng kabadingan.

My Vice President is a BullyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora