[3] The End of Our Beginning

52.4K 670 65
                                    

THREE

Pagkalapag na pagkalapag ko ng tray dito sa cafeteria table, ni hindi pa nga ako nakaka-first base sa Philly Cheesesteak ko, eh nag-vibrate na yung phone ko.

Asar, panira naman ng moment eh.

Incoming Call

Keith Kato (KitKat) Ayala

Tssss, ako lang ba talaga yung entertainment sa buhay ng taong 'to? Inikutan ko ng mata yung kawawa kong cellphone, pero syempre, still, I took the call, "What?"

"Prez, have lunch with me."

Half invitation Half command. Grrrrrr.

Ngumiti ako, sinubukan ko na palabasing sweet yung boses ko, "Ayaw ko."

Uh, okay. Dead silence followed. Wow, pa-girl lang? Sensitive?

O baka naman... aba't subukan lang niya akong pagpatayan ng telepono. Medyo linayo ko yung phone ko from my ear para ma-check kung binababaan nga ba ako ni Key ng tawag, and next thing I know, may humihigit na sa kamay ko from behind.

Simultaneously, nagpakawala ng pacute na giggles at pahimatay sound effects yung magagaling ko na mga kaklase na ka-table ko dito sa cafeteria.

Okay, di ako natutuwa.

"I knew you'd say that, Prez. Kaya naman," may tunog-malas na boses na naggagaling sa likod ko, "You're under arrest."

Nilingon ko siya, bwiset, hindi ba talaga siya marunong magsuot ng damit? Nakabukas yung buttons ng uniform vest niya and his necktie's undone, tsk.

Kainis, feeling ba niya hot siya niyan? Well, feeling lang niya 'yun.

Nakadikit pa din yung phone sa tenga niya while he's restraining my wrist.

Kaya naman medyo naglabas ako ng konting enerhiya at saka ako pilit na kumawala from his slight grip, then I faced my plate para ituloy yung naudlot naming pagmamahalan ng aking sandwich.

And then surprise, surprise dahil bigla niya akong hinila papatayo.

Err, okay, hinila niya ako papatayo at papalapit sa kanya, saka siya bumulong sa tenga ko, "Prez, you can either have lunch with me and eat normally, or," nararamdaman ko na tumatawa siya habang nagsasalita, "You can sit on my lap while I force-feed you, here at the cafeteria."

I froze. Medyo nawala ako sa sarili ko.

Hindi ba maintindihan ng lalaking 'to yung salitang mga bawal at secret? This guy – he's going to be the death of me. Seryoso.

Completely ignorant of me, kinuha ni Key yung bag ko from my seat at saka niya hinarapan yung mga classmates ko, "Excuse us, ladies. Emergency Student Council meeting."

Tulak-tulak niya ako, gently, papalayo sa cafeteria table nang marinig ko yung isa sa mga kaklase ko – I'm not quite sure sino sa kanila – na nagsqueal habang nasa bingit siya ng pagkawala ng malay, "Oh my gosh dapat talaga sumali na lang ako sa Student Council para bulungan din ako ni Key sa tenga! Huhu Lord, forgive me for I will sin! Raaaawr! So sexy!"

Ha ha ha. Benta, very funny. Hay nako girlie, ako, nagsisisi na sumabak-sabak pa sa SC.

Hahampasin ko sana si Key kaya lang na-realize ko na wala pala akong useful na armas, hawak niya yung bag ko, at sayang naman 'tong sandwich ko kung itatapon ko lang sa kanya. 'Wag na lang.

Halfway palabas ng cafeteria, medyo nahimasmasan ako at naisipan ko sa wakas na huminto sa paglalakad. Hinarapan ko siya, "Hoy Key, mukha bang pumapayag ako na sumama sa'yo? Don't make a scene. 'Wag dito."

My Vice President is a BullyWhere stories live. Discover now