Chapter 17

117 3 0
                                    

Chapter 17

Visit


As I leave North Peeliana with the private plane I used dahil mas mabilis akong makakarating if I am traveling in air way. Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa utak ni Henric kung bakit umalis na lang ng walang paalam. Ano bang ayaw niyang ipaalam sa akin doon? May tinatago ba siya sa akin kaya ayaw niya akong ipasama doon? Kung ano man 'yon, gusto kong malaman. Hindi ako titigil hanggat hindi kami nagkaka-ayos.

Alam kong hindi kami nagkakaintindihan minsan pero hindi naman ibigsabihin no'n, dapat may ending na sa aming dalawa. Nagsimula kaming dalawa bilang mga estranghero, na nahuli ko siyang nang-snatch. At first hindi naman talaga maganda ang samahan naming dalawa ni Henric, but in just one snap, I feel like I was a big part of his life. Ginawa niya 'yong sinabi ko no'n. Be the turn out prince, he did it and turns out that he's the real prince as well.

Marami kaming pinagdaanan ni Henric, in terms of ourselves and family. Sobrang dami, kung pwede nga lang i-summarize ay gagawin ko pero those things are meant to be the reason kung anong meron kami ngayon kaya hahayaan ko na lang.

My travel doesn't last for about few hours, the private plane landed safely. The limousine came to fetch me at dali dali naman kaming pumunta sa kingdom. Oh, I miss this place so much. Nadaanan din namin ang Amea University, maraming estudyante pa rin at mukhang nagbago na nang tuluyan ang sistema sa paaralang iyon. Sa pagkaalam ko rin ay every commoners can enter the school if they passed the scholarship exam. Every one.

Nang makarating kami sa castle, sinalubong naman ako mga royal guards at dinala kung nasaan ang King and Queen. Nang matunton namin ang grand hall ay nadatnan ko doon ang Kind and Queen, mabilis namang tumakbo palapit sa akin ang Queen. Inakap ko naman siya ng sobrang higpit.

"Ma..." sa ilang buwan na hindi kami nagkita, sobrang nakakamiss din pala 'to.

"Anak, Jayne... Avery pala, pasensya na." aniya at hinalikan ako sa pisngi. "Miss na miss na kita, nagbabalak nga kami ni Hundrei na dumalaw sa North Peeliana upang kamustahin din ang royals doon pero hindi ko inaasahan ang pagdating mo dito."

Napakunot noo naman ako, "hindi po ba sinabi ni Henric na pupunta ako dito?"

Umiling naman ang Queen, nang makalapit naman kami kay King ay siya ring inakap ko.

"Nasaan nga po pala si Henric? Dapat po ay sabay kaming darating dito pero nalaman kong nauna na siya."

"Hmm, kasama ngayon ni Henric si Milliesent, hindi ko alam kung nasaan sila ngayon pero babalik din sila mamaya." Ani King Hundrei.

"Sige po, King." Ngiti ko pa.

"Avery, hanggang kailan ka ba dito? Pwede ka munang tumuloy dito." Ani Queen.

"Maraming salamat po, hindi rin naman po ako magtatagal ng isang linggo dito. Mga dalawa o tatlong araw lang po."

Tumango naman si Queen sa akin, "kung gayon, dalhin muna kita sa iyong kwarto."

Naiwan muna ang king sa grand hall habang dinala naman ako ni mama sa aking magiging kwarto dito sa panandaliang stay ko. Kinuwento sa akin ni mama ang tungkol sa pamilya nila Milliesent. Ang royals ng New Freelandon. Nagkaroon daw kasi ng treaty ang dalawa kaya bumisita ang mga taga royals dito at syempre isa pa daw doon ay ang pagpunta rin ni Henric sa Freelandon upang magkaroon ng mas malawak na ugnayan.

The Williams AvengeWhere stories live. Discover now