Chapter 6

126 3 0
                                    

Chapter 6

Babalikan kita


~Avery's POV

My week stay on Halliway was good, nasasanay na uli ako sa environment at sa mga everyday routine na madalas ay ginagawa ko noon. 'Yon nga lang, I usually do those things with my Mom Eyriel and sometimes with Damon. And now, the routine I made is the things that I didn't usually do before, from the morning routine ay magbabago na 'yon mula sa pagpasok ko sa bakery sa central—kung saan noon nagtrabaho si mama.

Maaga akong umaalis ng apartment para makapasok na sa bakery. Actually, wala akong pambayad sa apartment na tinirhan ko. Hiningian ako ng advance payments pero dahil wala naman akong dalang pera o kahit ano ay pinakiusapan ko naman ang landlord na kapag nakasahod na ako ay magbabayad kaagad ako kasama ang three months advance na hinihinga nito.

"Morning, Wailey." Bati ko sa babaeng kasamahan ko.

"Morning din sayo, Jayne."

I came back here as Jayne, noong una nagtataka sila if I was related to the Williams dahil kamukha ko daw ang isang babaeng Williams doon. Si Avery Williams nga daw—na walang iba kundi ako rin but I named myself as Jayne—the late name of mine. Pagkatapos no'n ay wala na silang tanong pero pakiramdam ko ay nagdududa pa rin sila dahil sa gray eyes ko.

"Kamusta nga pala ang stay mo dito sa Halliway?" tanong naman nito sa akin habang inaayos ang mga tasty breads sa lagayan. "Bago ka lang dito diba, kung hindi ako nagkakamali?"

Nginitian ko naman siya, "oo, bago lang ako dito."

"Kung gano'n pala, saan ka pala galing?"

"Amea." Iyon na lang din naman ang nasagot ko.

"Oh, bakit ka pumunta dito sa Halliway? Amea is a great place, nandoon na ang lahat ng kailangan mo pero bakit pinili mong tumira dito?"

I shrugged, "I just want new things in life."

She nods, "sabagay." Aniya.

Inayos namin ang bakery, nilagay na rin naman ang mga bagong baked na tinapay at aming dinisplay iyon. Ilang saglit lang din naman ay nagbukas na ang bakery. Hindi nagtagal ay unti unti nang dumarami ang mga namimili ng kanilang tinapay.

"Jayne." Lumapit naman sa akin si Wailey.

"Oh, ano 'yon?"

Pinagpatong patong ko naman ang mga tinapay na aking nabalot at itinabi 'yon at ilalagay na rin sa counter mamaya.

"May naghahanap sayo kanina, hindi ko naman sure kung kilala mo 'yon." aniya.

Napataas naman ako ng kilay, "ha? Wala naman akong kakilala dito sa Halliway. Bago lang ako dito."

"'Yon nga eh, sabi pa niya sa akin tawagin daw kita, kumpleto pa nga pangalang binigay niya eh. Jayne Bresett, kilala mo ba 'yon?"

Dahan dahan naman akong napailing sa kanya, "hindi, sino ba 'yon?"

"Hindi nagpakilala pero lalaki siya, Jayne."

"Lalaki?" kunot noo ko pa.

Pinilit ko namang alalahanin kung sino man 'yong naghahanap sa akin. Naalala ko namang sinabi ni Maisie sa akin na nasa Amea ngayon si Henric, imposible naman na ang mga kapatid ko 'yon dahil kakabalik lang nila ng North Peeliana at mas sanay na silang tawagin akong Avery. Sino naman kaya 'yon?

Hindi ko na rin naman inabala ang sarili ko sa pag-iisip kung sino man 'yong pumunta dito sa bakery para hanapin ako. Medyo nabahala lang ako, anong kailangan no'ng lalaking naghahanap sa akin?

Matapos ang buong araw ko sa bakery, bukas ay off ko kaya pahinga naman ako. Dumaan muna ako sa pier at naupo sa gilid doon, tinatanaw ko ang karagatan.

Alam kong mali ang pag-alis ko sa North Peeliana dahil parang pinapakita kong napakaduwag ko naman para hindi harapin 'yong nangyayari ngayon sa kingdom namin pero kasi, habang nandoon ako, hindi ako magiging okay. Hindi magiging maayos ang North Peeliana.

Natanggap ko na noon na isa akong Williams. Buong buo ko iyong tinanggap na, inilayo ako ng mga magulang ko para matigil ang kaguluhan doon. Ilang taon ang lumipas, wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa North Peeliana. Nababasa ko lang sila sa mga articles pero hindi ang background history sa kingdom ng Peeliana's.

Nang bumalik ako ng North Peeliana, muling bumalik ang kaguluhang iyon. Umalis ako at umaasang titigil na ang mga Hampton.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nang pagtalikod ko ay napansin ko ang isang mabilis na paggalaw ng isang tao na nagtago sa tabing building. Hindi na naman ako nagbalak na puntahan pa 'yon dahil delikado at mag gagabi na rin.

Sa paglakad ko pauwi sa bahay ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin, nag-isip ako ng paraan para masalisihan ang sumusunod na iyon sa akin at nang magawa kong makapagtago ay halos ang bigat ng bawat paghinga ko. Malay mo isa palang holdaper 'yon o kaya naman rapist. Hindi natin nasisigurado pero mabuti na 'yong iligtas ko ang sarili ko. May alam naman ako kahit papano sa self-defense na tinuro ni Henric nitong mga nakaraang buwan.

Mayamaya lamang ay lumitaw ang lalaking sumusunod sa akin. Dahil gabi na rin at hindi ko masyadong maaninag kung sino man 'yon. Kinakabahan pa rin ako sa susunod na mangyayari pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

Ito ba 'yong lalaking naghahanap sa akin kanina sa bakery?

Stalker?

Nang matapat ito sa ilalim ng poste, doon ko lang din nakilala kung sino 'yon.

"Anong ginagawa ni Jayvee dito?"

Hinintay koi tong makaalis hanggat sa nakasigurado na akong nakauwi ng ligtas. Sinarado ko ang pinto ng aking apartment, sana ay hindi ako nasundan ni Jayvee. Paano niya nalaman na nandito ako sa Halliway at anong ginagawa niya dito?

Muntik na akong mapasigaw sa sobrang kaba nang biglang may kumatok sa pintuan.

Nanatili naman akong tahimik.

"Jayne?" halos mabato ako nang marinig ko ang boses niya. "Avery?!" patuloy na pagkatok nito sa pinto.

Ito na nga ba 'yong sinasabi ko, nasundan na niya ako!

"Babalikan kita, Avery." Ngisi nito.

Pinakiramdaman ko pa ito hanggat sa umalis na ito. Hindi ako mapakali at mapanatag dahil sa nandito si Jayvee. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ni Jayvee, pinadala ba siya ni Jestwick dito?

Anong kailangan niya at hinahanap niya ako?

Please, lumayo ako para sa katahimikan ng bawat kingdom. Kung gulo ang dala ni Jayvee, ibibigay ko sa kanya 'yon kapag hindi siya tumigil.

I'll sacrifice everything, even my life.

The Williams AvengeWhere stories live. Discover now