Chapter 12

114 2 0
                                    

Chapter 12

Pagsuko


~Thesea's POV

"Queen, you don't have to do this alone." Ingrid said.

I shook my head and hugged her, "I can take care of this, Ingrid."

"I believe in you, Thesea." Willford said, "but if you need us, we'll be here for you." He hugged me tight.

Ang mga anak ko ay nag-aalala kung anong mangyayari sa akin pero nakakasigurado naman ako para sa buong North Peeliana itong gagawin ko. Hindi lang ang pamilya ko ang nag-aalala sa gagawin kong pagsuko sa South Peeliana, kundi pati ang buong North Kingdom. Sa isinagawa kong anunsyo noong nakaraang araw na ang pagbitiw namin ni Willford bilang King and Queen ng North Peeliana at sumuko sa kamay ni Jestwick.

Ang alam ng lahat ay doon mauuwi ang aking pagsuko, ang pagbabalik loob ko sa mga Hamptons. Nagkakamali ang lahat, nagkakamali ang South Kingdom dahil isa 'to sa mga daan ko para pagharian ang dalawang Peeliana's.

Sa pag-apak ng aking mga paa sa barko kung saan magdadala sa akin papunta sa South Peeliana. Muli naman akong kumaway sa aking pamilya, alam kong sobra sobra ang kanilang takot sa gagawin ko pero alam kong ito lang ang paraan.

Inilihim lamang namin ni Willford ang desisyong ito sa aming dalawa, hindi namin pinaalam sa aming mga anak iyon dahil mas makakabuti kung hindi rin nila alam 'yon. Kung noon ay kakaya kayanin lang kami ni Jestwick pero sa panahon ngayon, sila ang luluhod at magmamakaawa.

"Dito tayo Queen." Lumapit sa akin ang isang southern royal guard at ipinasok naman ako sa cabin at pinatuloy sa isang kwarto doon.

Hindi naman katagalan ang biyahe papunta sa mainland South Peeliana, mga kalahating oras lamang ay mararating na namin ang pier.

Habang pinapanood ko ang alon ng karagatan sa bilog na binata na aking katabi. Kung susuriin ang dalawang Peeliana. Pareho namang umaangat ngunit mas mahigpit ang seguridad ng South Peeliana na siyang hindi pwede papasukin na lamang ang mga taong walang lehitimong adyenda.

Ang North Peeliana na siyang bukas sa lahat, dinadayo ng iba't ibang mga tao galing sa ibang bansa. Ngunit ngayon, kinatatakot ng ilan na ang kanilang minahal na bansa noon ay magiging kasing gulo na nang nangyayari sa South Kingdom.

Ayokong mangyari 'yon at hinding hindi mangyayari.

As we came in on South Peeliana, ang ilang guards na sumalubong sa akin pagkababa ko pa lamang ng barko ay agad na akong kinakapkapan at kahit na ang bigay ni Laragh sa aking panyo ay kanila pang kinumpiska. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.

Nilagyan nila ang posas ang aking mga kamay. Utos daw iyon ni Jestwick kaya naman ay kanila lang sinusunod. Ipinasok nila ako sa limousine at tumahak agad ito papunta sa South Kingdom. Habang buma-biyahe ay napapansin ko ang bawat taong naninirahan sa paligid, mga mistulang nakadungaw sa kanilang mga bintana at ni isa sa kanila ay walang naglalakad sa labas.

Ganito na ba kahigpit ngayon sa South Peeliana? Noong umalis ako dito noon, malaya pa ito at sobrang nagkakaisa ang mga tao pero nang umusbong ang gulo sa pagitan ng Williams at Hamptons ay nauwi sa separation of lands ang nangyari.

Ilang saglit lang din naman nang marating namin ang palasyo. Royals guards escorted me as we enter the castle. For how many decades, nakabalik ulit ako dito. Napahinga na lamang ako ng malalim ng makapasok ako ng tuluyan. Tila naninibago ako sa istruktura at disenyo ng buong palasyo, nakakapanibago na pakiramdaman mo hindi ito 'yong kinalakihan mo.

Tuluyan nan gang binago ni Jestwick ang pamamahala dito.

Pagpasok namin sa grand hall, mula sa kanyang inuupuang trono ay nakaupo mula doon si Jestwick. Nalipat din ang atensyon ko nang makita ko ang katabi nito, si Jayvee.

Nang makalapit naman ako ay tinanggal ng royal guards ang aking posas.

"Welcome back, Thesea." Ngisi nito, lalapit pa ito sa akin at kanya pa akong yayakapin pero agad na akong umatras sa kanya. "Oh, anong problema Thesea? Akala ko ba okay na tayong dalawa? Akala ko ba binibigay mo na sa akin ang North Peeliana." Aniya.

"Jestwick, hindi ibigsabihin ng pagpunta ko dito ay ang pag-aalipusta ko sa akin, sa aking kaharian, kung ano mang meron akong koneksyon sa North Peeliana, iyon ay hindi mawawala sa akin."

He rolled his eyes, hindi niya inintindi ang sinabi ko.

"But yeah, welcome to your old home." This time, nakalapit na siya at niyakap na niya ako. He patted my back at saka siya'y may binulong, "tuluyan nang maghihirap ang pamilya mo, Thesea."

I pushed him away and took a deep sighed.

"May kailangan kang pirmahan, Jestwick. Na-proseso ko na ang mga papeles at sa susunod na araw ay ipapadala na dito. Sa prosesong iyon, matatahimik na ang lahat at matatapos na rin ang kaguluhan sa dalawang Peelianas."

"Whatever, Thesea, as long as you're here, I can do what I want." ngisi pa niya. "Dalhin niyo na 'yan sa kwarto niya!" utos nito.

Lumapit naman sa akin ang ilang royal guards at kanila naman akong dinala sa kwartong aking pagtutuluyan. Kanilang inutos na hindi ako pwedeng lumabas hanggat walang sinasabi si Jestwick. Walang bintana, isang matigas na kama at maruming palikuran ang aking kwarto.

Kaunting panahon na lamang ang paghihirap na 'to.

Akala ni Jestwick ay gano'n na lang kadali ang lahat, na makukuha niya sa isang iglap ang North Peeliana pero hinding hindi 'yon mangyayari. Kahit kailanman, hindi niya matatawag na kanya ang Peeliana.


~Avery's POV

"Henric, ano ba talagang rason mo at bakit nandito ka sa Halliway?" tanong ko naman sa kanya.

Hinawakan naman nito ang kaliwang pisngi ko, "huwag mo na lang isipin 'yon, Avery. Basta ang mahalaga, nandito ako para bantayan ka."

Napabuntong hininga naman ako, "Henric, kaya ko naman eh, mas kailangan ka sa Amea. Diba, 'yong Milliesent?" aniko, pero pansin ko naman ang pagtahimik niya kaya naman ng iwagayway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya ay doon lang siya natauhan. "Okay ka lang ba Henric?"

Tumango naman ito, "oo naman, bakit?" aniya.

Napakibit balikat naman ako, "wala, pansin ko lang kasing may iniisip kang iba."

Napangisi naman ito, "wala ah." Aniya. "Ikaw lang."

Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin hanggat sa lumapat ang kanyang labi sa labi ko. Tuluyan akong bumigay sa paghalik niya hanggat sa buhatin niya ako papasok sa loob ng kwarto at kanya akong binagsak doon.

"You won't regret this, Avery..." he smirked.

I just into his eyes and he removed his shirt and crawl on my body.

"You're the only one, Avery..."

My head creased, "huh?"

But he didn't answer, he kissed me 'till I need more of it and having him on mine and surrender all I have.

The Williams AvengeWhere stories live. Discover now