Chapter 7

128 3 0
                                    

Chapter 7

Freelandon

~Henric's POV

It's been a week since I left North Peeliana, I missed my girl so much. Gusto ko pa sang magtagal doon pero kailangan na rin ako sa Amea kung saan mas kailangan ako pero handa naman akong ipagpalit 'yon para sa taong mahal ko. Para kay Avery.

Sinanay ko ang sarili kong tawagin siyang Avery kahit na kapag nakikita ko, ang pangalan niyang Jayne kaagad ang pumapasok sa isip ko. Nakasayanan ko rin naman 'yon pero hinding hindi ko makakalimutan 'yong mga pangyayari noon. Kung paano ko siya nakilala at hanggang sa present time.

Nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Avery doon sa Halliway. Nalaman ko rin 'yon bago ako bumalik sa Amea, gustuhin ko man siyang sundan pero kailangan ko munang umuwi. Pinangako ko naman sa King and Queen na dadalawin ko doon si Avery kapag nagka-oras na ako. Hindi ko hahayaang manlamig na lang kung anong meron kami, ayokong mawala siya sa akin.

"Henric, kamusta na daw si Ja—Avery." Ani Queen Eyriel—my biological mom. Nag-aalala rin siya sa nararanasang gulo ng dalawang Peeliana's. Natatakot siya sa kalagayan ni Avery.

Napailing naman ako, "maayos na daw si Avery sa Halliway pero nalaman nilang nandoon din si Jayvee at sinusundan si Avery." Tugon ko naman dito.

"Ano bang kailangan nila kay Avery?"

Napakibit balikat na lamang ako, "pupuntahan ko si Avery." Pagkatayo ko sa aking kinauupuan ay agad naman akong hinawakan ni Queen sa aking braso. Napakunot naman ang aking noo nang mapansin ang kanyang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko.

"'Wag muna sa ngayon, Henric." Aniya, bumalik naman ako sa pagkakaupo ko. "Kakabalik mo lang din dito sa Amea, at may mga tao tayong kailangan harapin. Papayagan ka naming puntahan mo si Avery sa Halliway kapag umalis na rin ang mga bisita."

"Sino ba sila?" tanong ko.

"Royals from Freelandon."

"I never heard that country before." I said.

"Also am I, but they were new and still a growing country kaya nga sila nandito to have us in their country as well, alliances and negotiation kumbaga." Queen explained.

"Pwede naman sigurong kayo na lang ang makipagkita sa kanila?"

"Henric," aniya. "Alam kong nag-aalala ka kay Avery kahit ako rin naman pero nasa Amea ka ngayon, it's your duty 'cause you're the Prince of Amea and soon heir to the throne."

"I get it." I nod, "mamayang gabi na ang welcome party diba?" I asked, Queen nods to me. "I should get prepared."

She smiled, "thank you, son." She hugged me.

Pumanhik naman kaagad ako sa kwarto ko, nakahanda na rin naman ang isusuot kong tuxedo mamaya sa welcome party for the royals of Freelandon. Pumasok rin sa isipan kong tumakas, just like what Avery did on North Peeliana pero ayoko namang biguin ang Queen dahil sa gagawin kong 'yon. I know Avery can defend herself, pupuntahan ko rin naman siya kaagad pagkatapos nitong gagawin ko.

Mabilis namang lumipas ang oras. Suot ko ang black tuxedo, gelled hair and all finished. Hindi ko na rin naman dapat pang mag-abala dahil sa Grand hall naman gaganapin ang party na 'yon.

May kumatok naman sa pinto, agad naman akong lumapit at pinagbuksan ng pinto. Bumungad naman sa akin ang ilang maids.

"Prince, hinahanap na po kayo ng Queen." Anito.

"Susunod na ako." Sagot ko at saka naman ito umalis.

Bumaba na rin naman ako ng hagdan, lumiko ako papunta sa hallway ng Grand hall nang biglang napansin ko ang isang babae na natapilok. Mabilis ko naman iyong dinaluhan.

The Williams AvengeWhere stories live. Discover now