Chapter 9

109 2 1
                                    

Chapter 9

Identity


~Avery's POV

"Salamat talaga, Wailey." Aniko.

"Wala 'yon, mag-iingat ka na lang sa susunod." Aniya. "Teka, sinusundan ka pa rin ba niya?"

Napabuntong hininga naman saka ako tumango, "sa tingin ko oo, nakita ko siya noon sa dati kong apartment at mukhang alam niyang wala na ako doon."

Tinapik naman ni Wailey ang balikat ko, "okay lang 'yan." Ngiti pa nito sa akin. "Saka ano ba kasing kailangan niya sayo?"

Napakibit balikat naman ako, "hindi ko alam, hindi ko naman kilala 'yong lalaking 'yon eh." Sabi ko na lamang sa kanya.

Napatango na lang din naman siya sa sinabi ko, "oh, sige na, punta na tayo sa bakery."

Sabay naman kami tumungo palabas ng kanyang bahay pero sabay naming ikinabigla na pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa amin si Jayvee. Nakangisi ito at mukhang inaabangan talaga ang paglabas naming dalawa ni Wailey.

"Teka, ikaw 'yong lalaki ah!" turo pa ni Wailey kay Jayvee. Binaling niya ang tingin nito sa akin na halata ring gulat.

"Sa wakas, Avery—Oh, Jayne ka nga pala dito." Aniya at bigla nitong kinuha ang kamay ko pero agad naman akong pumiglas sa ginawa niya. "Sasama ka lang sa South Peeliana, Avery—ayaw mo ba 'yon? Para sa kapayapaan ng dalawang Peeliana." Aniya.

Hinigit ko naman si Wailey, "Tara na, mukhang baliw talaga ang isang 'to."

Nang medyo nakalayo na kami, may sinigaw si Jayvee na nagpanindig ng balahibo ko.

"Sa susunod na magkikita tayo, hindi mo na magagawang makatakas pa." aniya.

Hindi ko na lamang inisip 'yon at binalewala na lamang pero itong kasama kong si Wailey ay hindi matahimik at naguguluhan sa nangyayari. Tinawag ako ni Jayvee na Avery na mas lalong nagpagulo sa utak ni Wailey. Hanggat sa makarating kami sa bakery ay hindi natigil si Wailey sa kakatanong sa akin.

"Jayne, 'yong totoo? Sino ka ba talaga?" tanong naman nito.

Napabuntong hininga na lamang, "mahabang kwento Wailey." Pilit na ngiti na lamang ang lumabas sa aking labi.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang braso ko, "'yong totoo? Ikaw ba si Avery Williams?"

Wala na rin naman akong nagawa, pilit lang din akong kukulitin ni Wailey sa tanong niya dahil simula pa man din ng makita niya ako, hindi na siya natigil sa kakaisip no'n. Huminga ako ng malalim saka siya tinanguan, nanlaki na lamang ang kanyang mga mata sa pagkakabigla at napanganga sa katotohanang nalaman.

Yuyuko pa sana ito sa harapan ko nang pigilan ko siya.

"You don't have to do that, Wailey." Sabi ko sa kanya.

Tila nakuha pang makipagtitigan ni Wailey sa akin, "P-Princess Avery!" she mutters.

"Magtrabaho na tayo, Wailey." Inabot ko naman sa kanya 'yong basahan at lumapit naman ako sa estante para ayusin ang mga tinapay na aming paninda. Hindi pa rin maalis ang tingin sa akin ni Wailey pero hinayaan ko na lang din siya.

Naging busy naman ang bakery namin at hanggang sa dumating ang tanghalian.

"Princess, lunch mo." inabot naman nito sa akin ang isang Styrofoam.

The Williams AvengeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt