Chapter 10

114 2 1
                                    

Chapter 10

Pag-aalala


~Thesea's POV

"Queen, King, your highness, Avery is missing." Anunsyo ng royal guard na siyang nagiging mata namin mula sa Halliway.

Hindi naman ako mapakali sa nalaman naming balita. Dalawang linggo na ang nakakaraan nang malaman naming nasa Halliway ang anak ni Jestwick na si Jayvee, at hindi ako pwedeng magkamali ng inisiip na may kinalaman sila sa nangyayaring ito. Hindi kami matatahimik, hindi magiging maayos ang lahat. Kung noon pa nga lang nangyaring pagkawala ni Sandro ay sobra na ang pag-aalala namin, ngayong kay Avery pa naging ugat ng mas matinding hidwaan noon ng Peeliana's.

Inakala ng South Kingdom lalo na ni Jestwick na patay na si Avery ngunit nang malaman nilang buhay ito ay muli silang bumalik sa kagustuhan nilang makapaghiganti.

"Pa'no nangyari 'yon?" ani Willford.

"King, mula sa nalaman namin sa kasamahan ni Avery sa kanyang tinitirhan bahay ay pagkagising na lang nito ay wala na si Avery. Nagtanong tanong siya kung saan ito nagpunta dahil maging sa bakery nitong pinagta-trabahuan ay hindi ito nagpakita." Ani ng royal guard.

Inabutan naman ako ng baso ng tubig ni Immanuel at kaagad ko naman iyong ininom.

"Kung hindi titigil ang Hamptons, gagawin ko na ang kailangan kong gawin para matigil na sila sa pagpapahirap sa ating mga Williams." Aniko.

"Queen, kung mapapahamak ka lang sa gagawin mo, 'wag mo na pong gawin." Ani Ingrid.

Napailing naman ako, "isa akong Hampton, may dugo kayong Hampton kaya kailangan nating tapusin ang kanilang sinimulan. Wala akong pakelam kung saang angkan ako nagmula, basta't masisigurado kong buo ang pamilya ko. Handa akong isugal ang lahat."

Isa isa naman silang nagsilapitan sa akin at niyakap ako.

Hindi ko bibiguin ang buong North Peeliana.

~Avery's POV

I'm awake with a blurry visions and so when it clears, agad ko namang napansin na nasa hindi ako pamilyar na lugar. Agad kong sinuri ang kapaligiran. The place is abandoned and dirty, the ceiling may fall because of its weak foundation. The place seems not so invited dahil sa kakaibang amoy nito, kulang na lang ay masuka ako sa sobrang baho. Parang patay na daga!

My hands were tightly tied behind the chair I'm sitting. My mouth was even taped and my feet were also tied up. I can't even move my body parts, my head is heavy. But then a man shape of man stood in front of me, the lights from the light post outside makes me to see him.

"Jayvee..." I said murmured under the taped.

"Good to see you, Jayne—and now the Princess, Princess Avery Williams." Ngisi pa nito, "may I introduce myself?" aniya, "I'm Prince Jayvee Hampton of South Peeliana and soon to conquer the land of North."

Gusto kong sumigaw but the only thing I can do is to shook my head from disagreeing of what he said.

"May gusto ka bang sabihin Princess?"

Lumapit naman ito sa akin at marahas niyang tinanggal ang pagkakadikit ng tape nito sa bibig ko. Sigaw na lamang ang nagawa ko sa sobrang sakit pero agad naman niyang tinakpan ang bibig ko at pinandilatan niya ako.

"Isa pang sigaw mo Princess at hindi lang ito ang mangyayari sayo."

Agad naman niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

"Pakawalan mo na ako, Jayvee. Ano bang kailangan mo sakin?! Layuan niyo ako!"

Napangisi naman itong iiling iling, "gagawin ko lamang 'yon kapag nakuha na naman ang kailangan namin. Kapag naubos na ang mga Williams."

"Hindi niyo magagawa 'yon." singhap ko pa.

"Sa ngayon pero manood ka, kami ang magwawagi." Aniya. "Pero sa ngayon..." lumapit naman siya sa akin, kanyang nilabas ang kutsilyo. Napapikit na lamang ako sa gagawin niya pero naramdaman ko na lang ang pagluwag ng tali sa kamay at paa ko.

"Anong gagawin mo sa akin, Jayvee?"

"Pinapalaya ka." Ngisi nito.

"Kung may binabalak ka, gawin mo na, 'wag na 'wag niyong gagalawin ang pamilya ko."

"Hindi ko maipapangako 'yan, Princess." Aniya, "tumakbo ka, bago pa magbago ang isip ko."

"Jayvee..."

"Takbo!!!" sa hudyat niyang iyon ay nataranta na lamang ako at hinahanap ang exit ng lugar na 'yon. Mabilis akong tumakbo at hinanap ang daan pauwi sa bahay ni Wailey. Pero ilang kalalakihan naman ang humarang sa akin. "Bitawan niyo ako!"

"Princess! Ligtas ka sa amin!" ani ng isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng isang royal guard.

"Princess, huminahon ka muna." Ani naman ng isang lalaki na hidni unipormado.

"S-Sino ba kayo? Bitawan niyo ako."

"Princess Avery, mabuti't ligtas ka." Panimula nito. Mas lalo naman akong naguluhan, "pinadala kami ng King and Queen dito para sundan at tingnan ang lahat ng kinikilos mo at malaman kung saan ka nagpupunta. Princess Avery, anong nangyari sa'yo? Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap."

"Pinadala kayo ng King and Queen?" natawa na lang din naman ako. "Lumayo nga ako sa North Peeliana pero ang isip nila nasa akin pa rin?! Lumayo ako para hindi maging problema sa dalawang Peeliana pero ngayong may tauhan pala silang pinadala para alamin lahat ng kinikilos ko, sana pala hindi na lang ako lumayo!" singhal ko pa.

"Wala kaming ibang magagawa Princess kundi sundan ang pinag-uutos ng King and Queen, at iyon ang alamin ang seguridad mo dito. Princess, sabihin mo sa amin kung anong nangyari."

Napahinga na lamang ako ng malalim at napabuntong hininga. "Uuwi na ako."

"Ihahatid ka na namin Princess." Ani ng isang guard.

Hinarap ko naman sila, "hindi na, kaya kong mag-isa." Saka ko sila tinalikuran pero wala rin, kahit anong sabihin ko ay hindi sila nakikinig. Nang makarating naman ako sa bahay ay nagulat si Wailey nang makita akong dumating. Agad niya akong sinalubong ng yakap, umiyak pa ito dahil sa nangyari.

"Magpapahinga muna ako Wailey..."

"Sige Princess..." ani Wailey.

Tumungo naman ako sa kwarto, tumulo na lamang ang mga luha ko sa halo halong emosyong namamayani sa dibdib ko. Alam kong sobra ang pag-aalala nila sa akin at ginawa ko nga itong lumayo sa kanila ay dahil alam kong mas mapapalagay ang loob nila, nagkamali pala ako.

Kailan ba matatapos ang gulong ito?

Kailan ba babalik ang buhay na kinagisnan ko noon. Alam kong hindi na mangyayari 'yon pero umaasa ako sa kapayapaan. Isa nga pala akong Williams, at ang mga angkan namin ay hindi sumusuko dahil sa huli makukuha rin namin ang tagumpay.

Magbabalik ako... hindi pa lang sa ngayon.

The Williams AvengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon