Chapter 8

123 3 0
                                    

Chapter 8

Sandro


~Thesea's POV

I kept on waking up hanggat sa hindi na ako nakatulog. Nakatingin lamang ako sa kisame ng aming kwarto. Hindi madali para sa akin ang maging mahinanon at kumalma sa mga bagay na ganito. Gayong hindi ko alam kung ano na bang kalagayan ni Avery sa Halliway at kung anong banta ang gagawin ni Jestwick sa North Kingdom.

Nagpasya na lamang akong bumangon nang sumikat na ang araw, naligo naman at nagtungo sa terrace at tinanaw ko ang buong North Peeliana pero pagtingin ko sa ibaba ay napansin ko ang kakaibang kilos ng mga royal guards at ilang maids. Tumungo sila sa parte ng kingdom kung saan may maze garden doon.

Labis kong ikipanagtaka iyon kaya mabilis akong tumungo doon.

Agad akong sinalubong ng mga royal guards, pansin ko sa kanilang mukha ang takot at kaba.

"Ano bang nangyayari? Bakit parang natataranta ang lahat?"

"Queen!" lumapit ang isang maid, nanginginig ito sa takot. "Queen..." hindi na nito natuloy ang kanyang gustong iparating ng bumuhos na ang kanyang luha. Dinamayan naman siya ng ilang maids doon.

"Sabihin niyo, anong nangyayari dito?"

"Ang mga royal guards po, Queen..." panimula nito.

"Queen, anong meron?" lumapit sa akin ang anak ko—si Wilhelm. "Bakit nagkakagulo dito?"

"Queen at Prince Wilhelm, sumama na lang po kayo." ani ng guard.

Tumango kami sa kanya at sumunod sa kanya papasok sa loob ng maze. Habang palapit kami ng palapit doon ay kinakabahan naman ako hanggat sa marating naman namin ang kumpulan ng mga guards at maids. They gave us way para makita kung anong meron doon.

Napatayo na lamang ako, gulat sa nasaksihan at tila hindi makapagsalita. Sumusobra na talaga si Jestwick. Walang ibang sisisihin, siya lamang at ang South Peeliana.

"Sinasabi ko nga ba, hanggat hindi nila tayo napapabagsak, hinding hindi sila titigil!" umigting ang panga ni Wilhelm at kumuyom ang kanyang mga kamao sa galit na nararamdaman.

Kahit ako, hindi ko alam kung anong ilalabas kong emosyon pero sa oras na may mangyari sa buong pamilya ko, lalo na kay Avery. Hindi ako magdadalawang isip na magtaas ng kaguluhan sa dalawang kingdom ng Peeliana.

Sinimulan na nilang alisin ang mga guards na nagpatong patong na mga wala nang buhay. Lahat sila ay may tama ng baril, iba't iba ang kanilang tama pero sa pinagsama sama sila sa isang lugar. Lintik lang ang walang ganti, Jestwick. Mararamdaman mo rin kung paano gumanti ang mga Williams.

Nang umabot kay King Willford ang nangyari ay lubos na galit at panghihinayang sa mga inosenteng buhay na nawala.

Napagusapan naming kami na ang bahala sa mga pamilya ng mga nadamay. Napag-alaman din naming may mga iilang espiya ang South Kingdom dito sa North Kingdom kaya agad na itinaas ni Willford ang mahigpit na seguridad sa buong North Peeliana. Kung noon ay maaaring makapasok ang kung sino man, ngayon ay hindi na.

Matagal na sana naming ginawa 'to pero dahil mahal namin ang North Peeliana at ang mga taong naninirahan dito. Binigyan namin sila ng kalayaan kapalit sa aming kaligtasan. Pero hindi 'yon ang rason para bumagsak ang bansang aming itinaas noon. Hindi kami makakapayag.

The Williams AvengeWhere stories live. Discover now