Humigpit ang kapit niya sa daliri ko. Feeling ko hihimatayin ako nang kinagat-kagat niya ang daliri ko.

Yung totoo, South, inaakit mo ba 'ko?

"I had a nightmare, but...I don't know. Gusto kong ipagpatuloy yung panaginip ko kasi nandoon siya pero natatakot ako. Kaya pinipilit kong gumising."

"Sinong siya?"

"My mother." She sighed. Lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. "I missed her. But I'm so afraid that I choose to forcefully wake up myself sa tuwing mapapaginipan ko siya."

Natahimik ako. Binaba niya ang kamay ko. Saka ko lang napansin na nanginginig na ng kaunti ang kamay niya, nanlalamig din ito nang hawakan ko. "Gusto mo pa bang bumalik sa pagtulog?"

Nanigas siya sa tanong ko. Pero saglit lang 'yon. Umiling siya at bumuntong-hininga na naman. "Gusto ko, pero baka managinip na naman ako," Napayakap siya sa sarili niya."Natatakot ako."

Hindi ko talaga alam kung anong tamang gawin sa ganitong situation. Medyo nangangapa kasi ako sa personality niya, hindi ko alam kung paano ba siya ico-comfort, kung paano ko pakakalmahin ang isip niya...kung paano ko tatanggalin ang takot niya. Hindi ko rin alam kung paano ko siya pangingitiin.

Ganito ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? Nagiging concern ka na sa feelings niya?

Kahit hindi ko alam kung tama...tumayo ako, hinawakan ang likuran ng ulo niya at inilapat ito sa tiyan ko, bumaba ang kamay ko hanggang balikat niya at hinapit siya palapit sa'kin. Medyo natigilan pa siya, pero unti-unti niya ring iniyakap ang kamay niya sa baywang ko. Hinaplos ko ang buhok niya. "Huwag ka nang matakot."

Iyon lang ang kaya kong sabihin. Ang silly, pero wala, eh. Ano ba naman kaya kong gawin para sa batang 'to? Nakakabobo pala yung ganito.

Humigpit ang pagkakayakap niya. "Will you...sleep with me?"

"Sure."

Natigilan ako.

Wait.

A...anong tanong niya? Pumayag ba 'ko? Matutulog kami...ng magkatabi?

Napalunok ako. Magaling, Jade, sagot ka ng sagot. Hindi ka marunong mag-isip!

Oh, well. At least makakatabi ko siya. Winner!

Hindi na namin naubos ang iniinom namin dahil nag-aya na si Bata na pumuntang kwarto niya. Halatang antok na antok na siya dahil panay na ang paghikab nito. Ako rin naman inaantok na, pero napapalunok talaga ako kapag naiisip kong magtatabi talaga kami.

Hindi ko naman siguro siya magagahasa, 'di ba? Kailangan ko na yatang magdasal.

Pagkapasok sa loob ng madilim niyang kwarto ay nilibot ko pa rin ito ng tingin. Medyo nakikita ko naman since nakakapag-adjust na ang mata ko. Mukhang mahina lang yung aircon kasi hindi gano'n kalamig pero ayos na rin. Katamtaman lang. Hinawakan niya 'ko sa kamay at hinila papuntang kama.

Umupo siya at sinilip ang mukha ko, kahit madilim pansin ko pa rin yung bothered expression niya. "Sorry. Nakakaabala na ba ako?"

"H-hindi, okay lang." Ngumiti ako. "Promise, okay lang."

Chance ko na kaya 'to! Yay, ang perv talaga ng dating.

Humiga na siya, umusod siya kaunti pakaliwa at tinapik yung kanang part ng kama at dahil masunurin ako ay kaagad na akong humiga. Medyo may space nga lang sa pagitan namin. Nahihiya ako, eh.

Tumagilid siya ng pagkakahiga kaya nakatingin siya sa'kin. Tumagilid na rin ako, bale, magkaharapan kami. Napansin ko yung pagkunot ng noo niya. Problema?

"Ang layo mo."

Lumapit ako sa kanya, hanggang sa halos magkapalitan na kami ng hininga. Hindi naman siya nag-react so ibig sabihin okay lang sa kanya. Amoy na amoy ko ang hininga niya, amoy milk. igla akong nauhaw. Kakainom ko lang ng gatas tulad niya pero parang mas gusto kong tikman 'yong nasa labi niya. Iba na 'to.

You've gone mental, Jade.

Inalis ko muna 'yon sa isip ko at baka kung ano pang magawa kong kahalayan. Instead, niyakap ko na lang siya sa baywang niya at hinapit pa siya palapit. Mukha namang nagustuhan niya ang ginawa ko kasi sumiksik pa siya sa leeg ko. Napangiti tuloy ako, para kasi siyang bata.

"Matulog ka na."

"Hmm."

Naramdaman ko yung kamay niyang pumatong sa baywang ko, pati na ang paghinga niya. Hinapit niya ako palapit. "Ma'am."

"Hm?" Lagi na lang akong tinatawag na Ma'am.

Matagal bago siya sumagot. "Wala."

Feeling ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung pa'no siya magsisimula. Feel ko lang. Mas okay siguro kung ako nang magtatanong? "South—"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong nakapatay na 'ko?"

Ito na ba 'yon? Ito na ba ang tamang oras para magtanong? Pero baka kasi maging mailap na naman siya. Baka mag-isip siya ng kung ano. Ayoko naman ng gano'n, lalo na't unti-unti na siyang nag-o-open up sa'kin.

Hindi ko siya sinagot. Instead, iniharap ko ang mukha niya sa'kin at hinalikan siya sa noo. Nginitian ko siya kahit madilim. "Matulog muna tayo, ha?"

"Okay." Sumiksik ulit siya sa leeg ko.

"Sleep well, South." Sabi ko sa tonong inaantok. Gusto ko nang matulog. Nakapikit na ang mata ko at bumibigat na rin ang talukap nito.

"Ikaw rin...Jade."

_____

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now