Chapter 4 Favor

8.1K 173 12
                                    

Xy's POV

May nililigawan na ako. 😊 pakilala ko siya sayo pag di na siya busy..

Yan ang huling text na nareceive ko sa kanya kagabi.. Di na ako nakapagreview kakaisip ko kung sino ang nililigawan ni Alex ngayon..

Haay. Dalawa lang exam ko ngayon. Tapos na yung 9am kong exam. Mamayang 12 na yung isa..

Buti na lang di ko nakalimutan yung mga nareview ko ng dahil sa sinabi ni Alex kagabi..

Nandito ako ngayon sa library para magreview ng ilan pang notes sa iba ko pang subject habang wala pang time para kumain..

Maya maya, nagulat na lang ako sa pagsulpot ng matalik kong kaibigan.

O'ems.. Nanlaki pa ang mata ko ng makita siya.. Di ko alam kung ano sasabihin ko kaya nagsalita siya..

"Xy, ba't di kana nagreply kagabi??" tanong niya.

"ah eh, nakatulog na kasi ako.." Palusot ko.

"eh? Ba't kaninang paggising mo di ka nagtext?" tanong niya ulit..

"kasi nawalan na ako ng load?" palusot kong muli.. Sana di ako mahalata..

"Haaay naku Xy.. Ngapala, magkikita kami mamaya. Samahan mo ako ha?" sabi niya, at nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at nag "please?"

Tinignan ko siya mata sa mata..

"Sorry Alex.. Next time na lang.. May exam pa ako eh.." I said.

He sighed and asked, "ilan at anong oras ba exam mo?"

Parang naaamoy ko na na di ako tatantanan nito ah. Haaay.

"12 o'clock next exam ko.. last na un ngayon araw at magrereview pa-----" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya.

"Xy! 3 pa naman kami magkikita kaya pwede ka sumama sakin!" excited na sabi niya sakin. Sinita kami ng librarian dahil sa kaingayan niya.. haaay nakuu.

Samahan ko na lang kaya?

Kung pwede lang sana eh.. Kaso iniisip ko lang, magiging chaperon lang ako sa kanila pag sumama pa ako.. Tss!

"Alex, magrereview pa ako.. Nexttime na lang." palusot ko..

"Please naman Xy.. Papakilala ko lang naman siya sayo eh, tsaka may hihingin sana akong favor.."

Wait! Favor? Ayoko..

"Busy ako ngayon Alex.. Next time." Sabi ko at niligpit na ang gamit ko dahil 11:30 na. kailangan ko ng kumain para di ako magutom pag nag eexam.

"Xy naman eh.. Please? Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako.. Bestfriends naman tayo di ba?" he said and winked at me.

"Iss! Kakain na ako. Pag iisipan ko!" sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.

Pero di pa man ako masyadong nakakalayo, may pahabol siyang sinabi.

"Di mo ko love! Di tayo bati!" napalingon ako sa sinabi niya at napataas ang kilay.

"Alex, bata lang?! Ang laki ng pabor na hihingin mo sakin. Tas sabi ko pag iisipan ko pa kung sasama ako.. Di na love agad? Ano ka, bata??" Sarcastic kong sabi.

Lumapit siya sakin..

"Sige na kasi, pagbigyan mo na ako.. Di mo pa nga naririnig yung pabor na hihingin ko eh, nagrereklamo kana.." sabi niya at nagpout pa.

"Alex, pag iisipan ko nga di ba?" sabi ko at tumalikod na para pumuntang canteen.

"Haays. Sabay na tayo kumain?" tanong niya.

I Fell In Love with my BestfriendOn viuen les histories. Descobreix ara