Chapter 6 Quality Time

8.4K 281 5
                                    

Xy's POV

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock sa side table ko.

It's already 7 o'clock in the morning.

Bumangon na ako at saka nag inat inat. Mayang 9 pa ang exam ko kaya 7 ako gumising.

Bago ako tumayo, nicheck ko muna ang phone ko at tinignan kung may text messages.

Di naman ako nagkamali.. Nagtext si Alex, Angelo, unknown number at iba pang gm mula sa mga classmates at churchmate ko.

Una kong binasa ang text ni Alex, siyempre 😊

Alex: Goodnight Xy, nabobother ako.. Di ko alam kung bakit.. at kung saan ako nabobother. Haays! 😥

Godbless bukas!

Napaisip ako sa text niya.. Nabobother siya?? bakit naman??
Nireplyan ko ang SMS niya sakin.

Me: Goodmorning Alex! Just got your message. San ka nabobother??

wanna share it?

Sinend ko na saka ko binasa ang text ni Angelo.

Angelo: Xyra! Godbless sa atin bukas 😉

Me: Godbless!

Tipid ko magreply no? haha! Ganyan kasi ako eh. Lalo na pag tamad.

Sunod ko namang binasa yung Unknown number.

+63975*******: Hi Xyra! Yassi here! Kinuha ko number mo kay Alex. 😊

Godbless sa Exam.

Me: hmm hello Yassi! 😊 Godbless din.

Pagkatapos nun, tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo..

Pagkatapos ko maligo at nag ayos ng sarili, bumaba na ako para kumain.

Pagdating ko sa dining table, andun na si dad at nagbabasa ng newspaper.

"Goodmorning Dad!" Bati ko saka nagmano sa kanya at umupo na.

Kumain na ako ng breakfast at di ko na hinintay sila ate dahil tulog pa sila.. As usual.

Pagkatapos ko kumain, "Dad, aalis na po ako.." tumingin ako sa wrist watch ko, it's already 8:20.. "ayoko po malate, baka traffic pa po sa daan eh." pagpapatuloy ko.

Nagmano na ulit ako saka kinuha ang bag ko.

Bago ako tuluyang makalabas, "Dad, pakisabi na lang po kay ate, magkita na lang kami sa school. Text niya na lang ako." tumango lang siya bilang reply.

Nang makasakay ako sa kotse namin, at palabas na sana ng gate, biglang may humintong sasakyan sa harap ng gate namin.

Bumusina eto.

Nung una, naiinis ako..

Pero nung binaba niya yung bintana ng kotse niya, nagulat ako..

Si Alex!

Di ko napansin na sasakyan niya pala eto.

Bumaba ako ng kotse saka sinenyasan ang driver namin para hintayin ako saglit at pinuntahan si Alex.

"Goodmorning Xy!" bungad niya sakin..

"Goodmorning! Anong ginagawa mo dito??" tanong ko..

"Di ba obvious? Malamang sinusundo ka!" sarcastic na sagot niya.

Bago pa man ako makapagsalita pabalik..

"Morning Xyra!" nagulat ako.

Pati ba naman si Angelo andito?? Teka ano to?!

I Fell In Love with my BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora