Chapter 2 Visit

10.5K 193 15
                                    



Kinabukasan, akala ko makakasama ko ulit si Alex. Pero mali pala ako..



Hinayaan ko na lang muna baka naman kasi isa or dalawang araw lang yun di magpaparamdam pero nagkamali ako.. 4days na lang lumipas pero wala pa rin akong balita tungkol sa kanya..



Andito ako ngayon sa patio..



Loner..



AGAIN..



Bukas na ang prelims pero hindi pa din siya nagpaparamdam sakin. Nakatingin lang ako sa phone ko at nagbabaka-sakaling magtetext siya sakin pero ni blanko man lang wala akong nareceive mula sa kanya.



Haaay.. Nagreview na lang ako para sa prelims.



Habang nagbabasa ako ng notes ko, may tatlong babaeng naupo sa likuran ko. Wala akong balak makinig sa usapan nila pero parang may nagtulak sakin para pakinggan sila, lalo na nung narinig ko ang pangalan ni Alex..



"Girls! Totoo ba yun? Yung representative daw ng BSBA-FM at si Alexhander ng dance troupe ay sasayaw para sa talent portion?". I gasped when I heard that news..



"oo girls! Si sir Reyes kasi ang nagdesisyon na partneran daw ni Alexhander si Ms. FM. Ang swerte naman nung girl." Sabi ng isa nilang kasama.



"uy maganda din kaya yung representative ng FM, bagay nga sila eh." Other one said, giggling.



"sabagay, tama ka.. Review na tayo.. bukas na prelims eh.." sabi ng isa para tapusin ang usapan.



Di ko maiwasang mapaisip sa mga narinig ko.. Kaya siguro busy si Alex masyado dahil nakadagdag sa kanya ang pagpprepare para sa talent ng Ms.FM namin.



Tama sila.. Maganda si Ms. FM at pogi si Alex. Bagay nga sila.. Di ko maiwasang mainggit..



Kaibigan ko ang representative namin.. Siya si Kateleen Valdez.. Mabait siya, maganda, friendly, sexy, matalino, religious, kulang lang sa height.



Haaay..Teka! Bestfriend ako, pero ba't wala atang nababanggit sakin si Alex tungkol dun? Hmp! Nakakatampo naman!



Tumayo ako at nag ayos na ng gamit.. Kailangan kong makita si Alex ngayon.. Marami siyang dapat ipaliwanag sakin kung bakit siya nawala ng ilang araw at kung bakit di siya nagtext man lang sakin..



------
Pumunta ako sa dance studio dahil alam kong dun ko siya makikita.. At di nga ako nagkamali kasi nakita ko siyang sumasayaw kasama si...



Kateleen.



Hihintayin ko na lang si Alex dito sa labas..



Habang naghihintay ako, di ko maiwasang manood ng sayaw nila. Kita kasi sa labas ng studio ang stage dahil glass window naman yun..



Nakakainggit. Parehas silang magaling sumayaw. Ang saya pa nilang nagsasayaw with matching titig pa.



Hay! Kainis naman.. Di dapat ako mainggit. Bestfriend ko si Alex at kaibigan ko din si Kateleen.. Di dapat ako nagkakaganito.



Pero pano kung magkagusto si Alex kay Kateleen? Pano kung ligawan niya si Kateleen? Pano kung di na niya ako mapansin dahil kay Kateleen?



Arrrggh! Erase! Erase! Ang advance naman ng utak ko.. Di ko dapat sila pag isipan ng negative.. Tsaka kaibigan lang naman ako.. Haaays.



Nagbasa na lang ako ng watty's kesa makita silang sumayaw.. Naiinggit lang kasi ako eh.



Pagkatapos ng 10years! Haaay! Sa wakas.. Natapos din sila.. Nilapitan ko na agad si Alex na kausap ang isa sa kasama niya sa dance troupe.



"Alex!" Tawag ko sa kanya nang matapos silang mag usap.



"Xy! Andito ka pala.." sabi niyang nakangiti sakin.. "Ba't di ka nagsabing pupunta ka?" pagpapatuloy niya..



"Surprise?" sabi ko sabay taas ng kilay. "Andito ako kasi may atraso ka sakin!" sabi ko sa kanya sabay irap.



"Hala! Ba't galit ang bestfriend ko? Lika nga dito.." sabi niya sabay akbay sakin at ginulo ang buhok ko. "Ba't ka nanaman nagagalit Xy? Ano ba nagawa ko?" Sabi niya ng hindi pa din inaalis ang pag akbay sakin.



"Ba't kasi di ka man lang nagtetext sakin? Alam mo bang nag aalala ako sayo? Siyempre prelims na bukas tapos wala ka. Kala ko ba sabay tayo magrereview?" sabi ko sabay pout.



"Sorry Xy, biglaan kasi akong tinext ni sir Reyes para sa practice namin ni Kateleen eh."



"iss! Isa pa yan! Di ka nagsabi sakin na papartneran mo pala siya para sa talent niya.. Nakakatampo ka.." sabi ko ng hindi pa din inaalis ang pagsimangot ko sa labi ko.



Hinarap niya ako sa kanya at sinabing, "wag kana magalit Xy, wala kasi akong load eh. Tsaka nagkaproblema ako sa bahay kaya wala na akong time para maupdate ka." He said in a sweet tone.



"Hmp! Ano naman ang naging problema mo?"



"Basta Xy. Saka ko na sasabihin.." sabi niya at ginulo ulit ang buhok ko. "Lika na. Meryenda tayo sa labas. Gutom na ako eh." Yaya niya sakin. I just nodded as a reply and smile.



------
Sa canteen. Kumuha muna kami ng makakain namin bago naupo sa table.



Habang inaayos niya ang kakainin niya, di ko na naiwasang tanungin ulit siya tungkol sa naging problema niya kasi nacucurious ako.



"Alex. Hmm, ano ba yung naging problema mo?" tanong ko sa kanya.



"Xy, saka na.. Wag mo na masyadong isipin yun. Kain na tayo." Sabi niya ng hindi lumilingon sakin.



Napabuntong hininga na lang ako at sinabing, "Ba't mo pa ako naging bestfriend ngarod kung di mo din lang ishe-share sakin ang problema mo?"



"Xy.." bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy sa sasabihin niya. "okay, eto na.." Sabi niya at bumuntong hininga ulit..



"Inatake si lola sa puso kaya di ako nakapagtext sayo ng ilang araw.." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya..



"Ngayon lang ulit ako nakapasok at sakto namang nagtext si sir reyes at pinapunta ako sa studio. Kaya sorry kung di ako nakapagtext ng ilang araw. Sorry kung di ako nakapagpakita sayo. Sorry din kung di ulit kita nasamahan." Sabi niya at napabuntong hininga ulit..



Di ko alam kung anong sasabihin ko dahil nagulat ako sa mga sinabi niya.



Nang makarecover ako, saka lang ako nagsalita..



"Ano?! Si lola naatake sa puso? Kamusta na siya ngayon? Okay na ba siya?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Naging malapit na din kasi sakin ang lola niya kaya sobra akong nag alala nung malaman kong inatake siya ng sakit niya sa puso.



"Relax Xy.. Okay na si lola.. Kain na tayo? Gutom na kasi ako eh." Sabi niya at saka ngumiti.



Ngumiti na lang din ako bilang sagot sa kanya.



Habang kumakain kami. Naisip kong dalawin sana si lola kaya tinanong ko si Alex kung ayos lang ba? Umoo naman siya kaya naexcite ako bigla.



Pagkatapos naming kumain, dumaan muna kami sa may fruitstand bago pumunta sa bahay nila. Bumili ako ng fruits para kay lola.



Nang makarating kami sa bahay nila. Bigla akong kinabahan. Di ko alam kung bakit pero hinayaan ko na lang muna.



Nang makapasok kami sa bahay nila tinanong ni Alex ang isa sa mga kasambahay nila kung nasaan ang lola niya.



"Sir, andun po sa may poolside si lola." Sabi ng kasambahay nila. Kaya nagtungo kami sa likod kung nasaan ang poolside nila..



Nang makarating kami kung nasaan si lola, nagkiss sa kanya si Alex.



"'la, andito po si Xy. Namiss niya daw po kayo kaya siya dumalaw." Nakangiting sabi niya sa lola niya.



Bumaling naman sakin ang lola niya ng nakangiti. "O Xy apo. Maupo kayo. Buti napadalaw ka."



"Hello po lola. Kamusta na po kayo? Eto po palang prutas. Para sa inyo po." Magalang na sabi ko kay lola.



"Salamat Xy. Napakabait mong bata. Bagay na bagay kayo ng apo ko." Sabi ni lola.



Nabigla ako sa sinabi ni lola at feeling ko ay namula ako.



Alex just chuckled. "'la, kaw talaga.. Kung ano ano sinasabi mo kay Xy. Tara na nga at magpahinga kana." Aniya sabay baling sakin. "Xy, maiwan muna kita dito ha? Hatid ko lang si lola sa kwarto niya."



I just nodded and smile.



Before they left, nilapitan muna ako ni lola at niyakap. "Salamat ulit Xy apo. Godbless you. Ingat ka sa pag uwi ha?"



"Opo lola.. Thank you po." I said and hugged her back.



When they already left. Di ako mapakali. Para bang kinakabahan ako..



Maya maya, may nagsalita sa bandang likuran ko. Akala ko si Alex.



"O, may bisita pala." Sambit nito. Na kung hindi ako nagkakamali ay ang papa ni Alex.



Nagulat ako ng makita ko sila.



To be continued..

----
Author's note:
Hi readers. Sorry kung ngayon lang po nag update.. Busy kasi ako. Hope you enjoy reading my story. ( ˘ ³˘)❤
Thanks a lot!

I Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now