Chapter 14 Movie Marathon

3.5K 102 68
                                    

Xy's POV

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog ang phone ko..

Binuksan ko ito para makita kung sino ang nagtext. Si Alex..

Alex: Still awake?

I just rolled my eyes. Bumangon ako at nagdecide bumaba dahil nagutom ako bigla..

Dala ang phone kong bumaba, dumiretso ako sa fridge para tignan kung anong pwedeng kainin..

At nakita ko yung isang box. Eto ata yung bigay ni Alex? Hmmmm, matikman nga..

Hmmmmmmmmm.. Shalap..

Isang Sylvanas cake ang binigay niya.. Aaaah.. Alam niya talaga paborito kong cake.. Haaays. Nakailang slice ako ng cake bago ako nagdecide itext siya.

To Alex: Thankyou sa cake. Sarap 😊

Wala pang isang minuto nagtext siya.

Alex: Sabi na nga ba magugustuhan mo. Hehe 😊 Anyways, dito ako sa labas ng bahay niyo kanina pa.. Pwede ba kitang makita saglit bago ako umuwi?

Sa gulat ko, tumakbo agad ako sa bintana ng salas para makita kung totoo nga.

Tsk tsk. Anong oras na ah. Ba't naisipan nitong pumunta dito para lang makita ako?

Lumabas ako para buksan ang gate para sa kanya.

"Huy! Ano ginagawa mo dito? Anong oras na ah." pabulong kong bungad sa kanya.. Nakasandal siya sa kotse niya.

"Good evening Xy." bati niya saka lumapit sakin at yumakap ng mabilis pero mahigpit. Medyo nagulat ako pero di nagpahalata. Di niya pinansin yung tanong ko.. "Naistorbo ba kita?" tanong niya.

"Di naman, pero anong oras na o.. Ba't ka andito kanina pa?" tanong ko.

"Wala lang, namiss lang kita. Ewan ko ba. Gusto kita makita ih" aniyang kakamot kamot sa batok niya..

"Hahaha, gusto mo pumasok muna?" yaya ko sa kanya.

"Pwede pa ba? Baka magising sila Tito." aniya.

"Pwede yan.. Kilala ka naman nila." sagot ko saka hinila siya papasok..

It's already 11:40 in the evenin' at eto siya. Naglalambing sa bestfriend niya. *Charot*

Pinunta ko siya sa kwarto dahil napagdesisyonan kong magmovie marathon habang di pa inaantok.

"Diyan ka lang ha? Mamili ka ng papanoorin natin. Kuha lang ako snacks." sabi ko saka iniwan muna siya.

Kumuha ako ng Cake para sa kanya at nagluto saglit ng popcorn.

After 10minutes ay umakyat na ako dala ang pagkain namin..

"Sorry natagalan. Hmm ano papanoorin natin?" tanong ko.

"Horror movie or love story?" tanong niya pabalik habang pinapakita ang hawak niyang DVDs.

"Ayoko ng horror movie. Gabi na. Baka bangungutin ako." sagot ko.

Nagkibit balikat siya saka binalik ang hawak na horror movie. Saka ni-play yung Love story na napili niya.

My Ex and Whys

Di na lang ako umimik at umupo na. Nang makaupo siya sa tabi ko sa couch ay inabot ko ang cake sa kanya saka sinimulang kumain ng popcorn.

"Nagustuhan mo ba tong cake?" tanong niya lumingon sakin.

"Yup. Thankyou 😊" sagot ko saka tumingin sa pinapanood.

"Kamusta pala lakad mo kanina?" tanong niyang muli..

Nilingon ko ulit siya. "Ayos lang. Pumunta kaming Ocean Park." sagot ko saka sumubo ng popcorn at tumingin sa pinapanood. "Whyy?" tanong ko.

"Wala lang. Nag enjoy ka? Di ba di ka pa nakakapunta dun?" aniya.

Tumango ako saka sumagot "Oo, nag enjoy naman. Masayang kasama si Angelo, para siyang bata." kwento kong may pagmamalaki then giggled like kinikilig. Hihi totoo naman ih..

"Hmm I see.." aniya saka tumahimik na. Nilingon ko ulit siya, nanonood na siya ng movie ulit. Tinignan ko ang mata niya. Parang malungkot..

"Is there something you want to share?" tanong ko at inalis ang paningin sa kanya. Ayoko kasing makipagtitigan.

Lumingon muna siya sakin at binalik ang tingin sa movie bago sumagot. "Wala.🙂" tipid niyang sagot at ngumiti ng konti.

Tumango na lang ako. Saka pinagpatuloy ang panonood.. Maya maya ay sumandal siya sa balikat ko.. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..

Whyy Xander? Whyy are you doing this to me? tanong ko sa isip ko.

"Namiss kita Xyra.. Ilang araw or week na ata tayong di nagkakasama.." aniya.

"Hmm, a-actually yes. Ilang araw or week na. Na-namiss din kita. Pero na-naiintindihan ko naman kung bakit." sabi ko ng may ngiti sa labi. Nautal pa akong konti.

Pinagpatuloy namin ang panonood. Hanggang magsalita ulit siya. Di ko naman inaasahang tanong ang itatanong niya out of the blue.

"Xy, pano kung nagkagusto ako sayo kung sakali..... May pag asa ba ako?"

Tumawa ako kunwari para di halatang nagulat bago sumagot. "Ano ka ba Xander? Magkaibigan tayo di ba? Pano ka magkakagusto sakin? Tsaka nililigawan mo si Yassi di ba? What's with the question?"

"Oo nga. Pero kung sakali nga. May pag asa ba?" aniya saka tumingin sakin.. Kaninang nakasandal siya sa balikat ko, kaya magkalapit na yung mukha namin ni lumingon siya.

Umiwas ako ng tingin at kumain ng popcorn saka nagsalita. "Siguro.. Kung di tayo magkaibigan? Dunno.." di ko alam ang sasabihin o isasagot.

"Hmm.." tipid niyang sagot saka nanood na ulit.

"Anyway. Kamusta kayo ni Yassi?" tanong ko para ibahin ang ihip ng hangin.. Uminit kasi bigla.

"Ayos naman. Isusurprise ko siya sa opening ng SAB's week." sagot niya.

Yan tama yan. Wag ako guluhin mo..

"O popcorn." alok ko nung popcorn. Kumuha naman siya..

Tahimik na kaming nagpatuloy sa panonood. Di ko alam na nakatulog na si Xander sa balikat ko ng tuluyan.. Ako naman nagdesisyong tapusin ang pinapanood. Pero di ko na din kinaya kaya nakatulog na ako sa ganung posisyon.. Nakaupo habang nakasandal si Xander sa balikat ko..

Gumalaw si Xander pero di na ako nag abala pang dumilat. Sunod na pangyayari ay di ko na alam dahil nakatulog na nga ako ng tuluyan...

To be Continued...

--

A/N:

Iloveyou Guys! 😊 Sorry for short update..

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 13, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

I Fell In Love with my BestfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat