Chapter 7 Surprise

7.8K 183 14
                                    

Xy's POV

-Same Day

Naalimpungatan ako sa katok sa pinto ng kwarto ko.

"Ugh! Pasok!" sabi ko mula sa bagong gising na boses.

"Ms. Xyra, kain na daw po kayo sabi ng dad at mom niyo." sabi ng maid namin.

"Sige po 'ya. Susunod na po ako." bumangon ako saka tinignan ang oras.. 8:30pm already.. Mahaba habang pahinga na pala ang nagawa ko.

Bumaba na ako papunta dining table namin para kumain.. At andun na si Mom at Dad pati na rin si ate..

"Goodevening po dad, Mom" bati ko sa kanila at saka nagmano.

"Hi Xy! Musta tulog mo? Hehe 😊 Mukhang sobrang napagod ka sa lakad natin ah.."--ate

"Ugh! okay lang naman. Haha! Nag enjoy naman tayo." sagot ko saka sinimulan ng kumain..

Nang matapos kaming kumain, nagkwentuhan muna kami bago nagpasyang umakyat sa kanya kanyang kwarto.

Si ate, sumunod sakin.

"Bae, may ibibigay ako sayo.." sabi niya saka tumakbo papunta kwarto niya para kunin ang kung anumang ibibigay niya sakin..

"Para sayo. Sukat mo na." sabi niya at saka ako tinulak papasok ng kwarto. Sumunod ulit siya sakin habang ako naman, dumiretso sa banyo para isukat yung binigay niya.

"Sana magustuhan mo." sigaw niya mula sa labas ng banyo. Halata sa boses niya ang excitement.

Nang matapos kong isukat.. Tinignan ko muna yung repleksyon ko sa salamin bago ako nagpasyang lumabas.

"Ugh!"

"Wow! Bagay sayo Xy!" sabi ni ate saka pumalakpak. "Ang ganda ganda mo talaga."

"Hahaha! Bola. Di ba masyadong maiksi?" tanong ko sa kanya.

Dress kasi ang binigay niya sakin. Royal blue ang kulay.. At medyo above the knee ang haba.

"Ano ka ba? Sakto lang kaya.. Anong maiksi ka diyan?"

"Eh, di naman kasi ako sanay sa ganito eh." pagmamaktol ko.

"Bae, masanay kana.. Dalaga kana. Puro na lang ba Shirt/blouse ang isusuot mo? Grow up bae. Wag mo kong gayahin. Dati, ganyan din ako. Pero mas nagmukha akong babae nung nagddress na ako. Kaya dapat ikaw din. Kahit sa church lang kung ayaw mo sa school." sermon niya sakin.

"Haay. Ona. Hubarin ko na ha? Nangangati na ako eh." sabi ko at saka bumalik sa banyo nang makapagpalit na ulit..

"Suot mo sa sunday yan ha?" sigaw niya mula sa labas.

"Ugh! Ayoko nga! Saka na!" sabi ko at lumabas na ng banyo. "Tulog na tayo."

Nagpout siya. "Di mo ba nagustuhan yung bigay ko??"

"Bae, nagustuhan ko. Salamat." tipid na sabi ko at saka nahiga sa kama.

"Kung nagustuhan mo, ba't ayaw mong isuot?" sabi niya ng di pa rin inaalis ang pagka-pout ng lips niya.

"Hays! Ona. Susuot ko na po.." sabi ko para matapos na ang usapan.

Nabigla ako ng bigla siya tumalon sa bed ko at saka ako niyakap.

"Talaga?! Susuot mo na?" tanong niya na parang di pa din makapaniwala.

Naupo ako mula sa pagkakahiga and just nodded as a reply and smile. She hugged me again with an excitement.

"lovekita bae! 😊 pahinga kana." sabi niya saka tumayo at lumabas ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag at hihiga na sana pero di pa man ako natatapos sa pagbuntong hininga ko, bumalik siya at sinabing "Goodnight Bae. Mwa!" sabay flying kiss.

I Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now