Chapter 11 Sundate

7.2K 164 18
                                    

Xy’s POV

Pagmulat ko ng mata ko kina-umagahan.. Tulala lang akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Naalala ko lang yung mga nagdaang araw. May nagbago kasi sa mga kilos ni Alex. Napailing na lang ako at saka bumangon ng maalala kong Sunday pala ngayon..

Dumiretso na agad ako sa banyo saka naligo. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa closet ko nang maalala ko din yung dress na binigay sakin ni Alex.

Naah! Ayoko.. 😟 Pero nag-promise ako eh.. Napabuntong hininga na lang ako saka sinuot ang dress na bigay niya.

Humarap ako sa salamin para tignan ang repleksyon ko kung bagay ko ba ang dress o hindi. Buti na lang kasya sakin to. Galing mamili ah. Sabi ko sa loob loob ko.

Nag ayos ako ng buhok ko kung ano ang babagay sa suot ko. Pero nauwi lang to sa paglulugay. Naisip ko kasi na simpleng dress lang naman at sa church ako pupunta at hindi makikipag-date di ba?

Haaays!

Konting powder sa mukha. Konting lip balm. At pagkatapos ng isang oras natapos din sa pag aayos. Haha! Sorry po, ganyan talaga ako. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Naabutan ko pa sila Mom at Dad na kumakain..

Nang makalapit ako sa dining area, kitang kita ko sa mukha nila ang gulat. Siyempre di sila makapaniwala sa suot ko..

“Goodmorning Mom, Dad.” Bati ko saka humalik sa pisngi nila.

“Ano nakain mo at nakadress ka?” Tanong ni Mom na halata pa rin sa mukha niya ang pagkagulat.

“ah eto po ba? Bigay po ni Alex to. Isuot ko daw po sabi niya..” nakakalokong ngiti lang ang natanggap kong sagot sa kanila.

Pagkatapos naming kumain, sabay sabay na kaming pumunta sa church.

Nang makarating kami sa church, kinabahan ako kaya di muna ako agad bumaba ng sasakyan. Nag inhale exhale muna ako bago magpasyang bumaba kaso sinara kong muli ang pintuan nang makita ko si Alex sa labas ng hallway. Halata sa kanyang may inaabangan siya at alam kong ako yun kaya lalo akong kinabahan.

Huminga muna ako ng malalim para mag ipon ng lakas pero di pa man natatanggal yung kaba ko, biglang tumunog ang phone ko kasabay ng pagkatok ni Mom sa bintana ng sasakyan at sinenyasan ako para bumaba na. Tumango lang ako at saka tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. Mas lalo pang nadagdagan yung kaba ko ng sagutin ko yung tawag.

“Oh Bestfriend! Nasaan kana? Mag uumpisa na yung praise and worship.” Aniya sa kabilang linya.

“Andito pa ako sa sasakyan. Nahihiya ako bumaba eh.”

“Tara na ah. Wag ka nang mahiya, isipin mo na lang para kay God yan at hindi para sa mga tao sa paligid.. Okay? Tara na.” halata sa boses niyang sinusubukan niyang alisin yung kaba ko.

“sige na. susunod na ako. Pasok ka na. Magba-banyo lang ako sandali.”

“Hintayin na kita dito sa labas.. Samahan na kita pumasok sa loob para di ka na mahiya.”

“Sige wait lang.” sabi ko saka bumaba ng sasakyan. Dumiretso muna ako sa CR para tignan ulit yung buong itsura ko sa salamin bago nagpasyang pumasok sa hallway.
(Hallway- tawag sa loob ng church namin.)

Nang makalapit ako kay Alex..

“Wow.” Aniya na parang di makapaniwala sa nakikita niya.

"He he" awkward kong sagot sa kanya.

"Bagay mo naman pala mag-dress eh.. Ba't di mo sanayin?"

“Hmmm. Tara na.” hinila ko na siya papasok sa loob para matigil na pagtitig niya sakin. Sa loob loob ko, masaya ako kasi naappreciate niya yung itsura ko. Kaya napangiti na lang ako pero di ko pinakita sa kanya baka kasi kung ano pa isipin niya.

I Fell In Love with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon