Chapter 5 New Friend

8.3K 229 7
                                    


"ugh, Xyra?"

Lumingon ako, "Yes? Wait, kilala mo ako?

"ah eh, oo. Hehe.." sabi niya at nangamot ng ulo.

"Okay." tipid kong sabi at saka tinalikuran na siya dahil ako na ang susunod sa pila.

"Ako nga pala si Angelo.." sabi niya.

Di ko siya pinansin.

"Pwede ko bang kunin number mo? Crush kasi kita.." mahinang sabi niya na hindi ko masyadong naintindihan..

"Ha?" tanong ko.

"Sabi ko, pwede bang makipagkilala?"

"Okay lang.." sabi ko saka inabot ang kamay ko sakanya. Mukha naman siyang mabait eh.

"Thanks Xyra!" Masiglang sabi niya.

"You're welcome. May kasama ka? Gusto mo makijoin sa table namin? 😊" alok ko.

"Oh! okay lang ba? Thanks Xy! Ang bait mo pala.." tss! Bola. Actually, friendly talaga ako.. Pili nga lang.

"Order kana, hintayin na kita."

Umorder na siya at saka kami bumalik sa table kung nasaan sila Alex at Yassi.

Pagkarating namin, pinakilala ko si Angelo sa kanila.

Tinignan naman ako ng makahulugang tingin ni Alex na parang sinasabing, 'friend agad agad? nagkita lang sa counter?'.

Sa totoo lang, di ko naman dapat tatawagin sa table namin si Angelo eh.. Kaso naisip ko na baka ma-OP ako kila Alex kaya yun.

At para makilala ko na din sana siya. Kasi baka dumating yung time na tuluyan ng mawalan ng oras si Alex sakin dahil kay Yassi.

Kung kanina ay magkatabi kami ni Alex, ngayon ay si Angelo na ang katabi ko.. Awkward nga eh, kasi nakatitig si Alex sakin..

Minsan pa kinakausap siya ni Yassi pero parang wala sa sarili.

Anong nangyayari sa lalaking to?

Pagkatapos namin kumain, nagsiyayaan ng umuwi.

"Hatid na kita." sabay na sabi ni Angelo at Alex.

Lumingon ako sa kanilang dalawa..

"Ahm, kaya ko na ang sarili ko.." sabi ko at saka bumaling kay Alex, "hatid mo na si Yassi, 'lex."

Napakamot naman ng ulo si Alex..

"Xy, ako naman lagi naghahatid sayo sa bahay niyo di ba? sabay kana samin."-Alex

"Oo nga Xy, para naman makilala pa kita."-Yassi

"Sabay ka na din samin Angelo!"-ako

"ah eh wag na. Nakakahiya eh"-Angelo

"Sus! Wag kana mahiya. Okay lang naman kay Alex. Di ba lex?" sabi ko kay Alex, tinignan lang ako ni Alex saka tumaas ang kilay..

Haha! Parang naiirita kanina pa si Alex sa presence ni Angelo.. Tss!

"Tara na!" seryosong sabi ni Alex saka hinila na si Yassi palabas ng Chowking.

Sumunod naman kami ni Angelo hanggang makarating kami sa parking lot.

Pagkasakay namin, nagsalita si Alex.

"San ka pre?" tanong niya kay Angelo.

"Ah sa Bonfal lang ako." sagot ni Angelo.

So pangalawa pala si Angelo na maihahatid, una si Yassi dahil malapit lang ang bahay nila sa Chowking.

I Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now