Chapter 10 Very Concern

8.1K 166 3
                                    

Hi readers!

I'm back! kakatapos lang ng midterm exams namin.. Sensya na kung natagalang mag UD.. Btw, thanks sa supports.

eto na pala continuation.. 😊 enjoy reading!
---

Xy's POV

Di ko alam kung tama bang isama si Alex sa lakad namin ni Angelo ngayon.. Pero wala na talaga akong choice dahil hindi ako makakalabas pag di ko kasama si Alex.. So, here I am. Kasama ko sila sa piestahan kung saan nakapwesto ang mga rides..

Sinundo ako ni Angelo sa bahay.. Bago dumating si Angelo nakarating na sa bahay si Alex.. Mukha ngang siya pa ang excited eh.. Tss!

Naputol ang pagka-tulala ko nang magsalita ang dalawa kong kasama.. 😒

"San mo gustong sumakay?" sabay nilang tanong sakin..

"Ah eh, kain muna tayo.." yaya ko sa kanila.

"Kakain ka nanaman?! Kaka-kain mo lang kanina sa bahay niyo bago dumating si Angelo ah.." sabat ni Alex.

"Hmm gutom ulit ako eh.."

Angelo just giggled and said, "tara, san mo gusto kumain? Gutom din ako eh."

"Gutom daw" bulong ni Alex pero narinig ko..

"Busog ka pa naman di ba Alex? So maiwan ka nalang muna dito kung gusto mo.." sabi ko para asarin siya at ng matahimik sa mga kaek-ekan niya..

"To naman, di mabiro.. Kakain din ako no!" aniya at saka may binulong ulit na di ko masyadong naintindihan.. Hays! Nagsisisi na ako Lord na andito si Alex.. huhu 😭

"Tara sa Ftm.." ani Angelo.. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon at saka tinignan si Alex sabay irap.
(Ftm- is a simple restaurant..)

"Sungit" bulong niya na narinig ko..

Pagkarating naming Ftm.. Umorder kami ng kanya kanya naming pagkain.. Ang order ni Angelo ay pancit bihon, ang inorder ko naman ay palabok, samantalang si Alex di makapili pili.. 😒😒 Sa huli, gumaya din lang siya ng order sakin. Tss!

"So, pagkatapos natin kumain Xyra.. San mo gustong pumunta?" pagsisimula ni Angelo ng conversation..

"Roller coaster!" parang batang sigaw ni Alex.. Inirapan ko lang siya saka bumaling kay Angelo.

"Hmm, kaw na bahala.. Kaw naman nagyaya eh." sabi ko sabay ngiti. Tumango lang siya. Pagkatapos ng usapan ay sakto namang pagdating ng order namin.. Kumain lang kami ng tahimik hanggang matapos kami.. Si Angelo lahat ang nagbayad.

Pagkarating ulit namin sa may piestahan, unang napili ni Angelo ay sa Vikings.. Napalunok ako ng makita ko kung ano ang sasakyan namin at kung gaano kataas.. O'ems!

"Ah eh, sure kayong diyan tayo sasakay? Boring diyan. He he he" sabi ko dahil kinakabahan akong sumakay sa napili nila..

"Natatakot ka ba?" tanong ni Angelo sakin..

"ugh! di naman sa ganun" sabi ko saka yumuko..

Tumawa si Alex ng malakas.. "Ang sabihin mo takot ka talaga! Deny-deny pa kasi, halata naman!" aniya saka tumawa ulit.. Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka siya tumigil sa pagtawa.. Ayan, makuha ka sa tingin!

"Andito lang naman ako.. Di kita pababayaan" ani Angelo.

Tumango lang ako saka tumungo sa vikings..

"Tabi tabi na tayong tatlo, para mawala yung takot ni Xyra." si Alex..

Unang sumakay si Alex, pangalawa ako at huli si Angelo.. Bale pinagitnaan nila ako. Pero kahit nasa tabi ko silang dalawa, hindi pa rin maalis sa isip ko ang takot na nararamdaman ko ngayon..

I Fell In Love with my BestfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora