"At sinong niloloko mo manyak ka ha? May kaibigan bang pakiss kiss sa lips ha?! Sagot!" Grabe, para na talaga siyang tigre.

"Lab magsasabi ako ng totoo kung bibitawan mo taenga ko please. Ouch!" Binitawan naman niya. Hinihimas ko pa taenga ko ang sakit talaga, namumula tuloy.

"Magsasalita ka ba o eto namang kabila ang kurotin ko?! Ha?!"

"Oo na lab, ano. Si ella kasi kaibigan ko, pero ano parang ano friends with benefits dati. Oo lab ganun." Sabi ko habang umuusok na tingin niya sakin.

"So ano! May nangyari na sa inyo ganun?!" Akmang kukurutin na naman niya kabilang taenga ko.

"Oo lab dati yun. Ngayun wala na. Hindi ko na tinetext or call, promise lab." Totoo naman yun eh.

"Pasalamat ka andito tayo sa grocery kundi pagsampalin talaga kita manyak ka."

Sobrang galit na galit talaga si Winona sakin, ako pa lahat nag buhat sa mga groceries tapos siya naunang maglakad.

Paglabas namin sa kotse ay paakyat na kami ng condo pero di ko na mapigilan. Hindi kasi ako kinibuan kanina pa.

"Lab, oo aaminin ko. Naging playgirl talaga ako dati. Mailan ilan din nakakasama ko pero sa maniwala kaman o sa hindi, simula ng makilala kita tinigil ko na lahat yun." Sincere na pagkasabi ko habang buhat buhat sandamakmak na groceries.

Hindi padin ako kinibuan pero ng makasakay na kami ng elevator ay humarap na siya sakin.

"Sa susunod na maglandi ka ulit, hindi lang yan aabutin mo sakin." Sabay irap niya.

"Hindi ko naman kasi kasalanan yun, siya naman humalik." Sabi ko.

"Wala akong pakialam manyak ka! Ginusto mo naman!" Nagsisigaw na siya sa elevator.

Nang makarating sa loob ng condo ay niyakap ko na siya.

"Lab sorry talaga. Hindi ko ginusto yun. Ikaw lang gusto ko lab. I love you." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Bitawan mo na ako. Magluluto pa ako." Sabi niya. Medyo kalmado na.

"Basta lab, ikaw lang talaga. Sabihin mo muna sakin, i love you too." Lambing ko.

"Oo na! I love you too. Bwisit kang manyak ka." Okay na sana eh pero may karugtong pa.

Hay salamat at okay na kami. Nagsimula na siyang magluto, ako tumutulong lang. Sa paghiwa at pagpunas ng pawis sa lab ko.

Malapit ng matapos si Winona sa pagluluto at nagsidatingan na sila.

"What's up Gi!"

"Hello Gi!"

"Hi Winona!"

"Mga asungot oh, andito na!" Sabi ko. "Oh Gab, ano dala mo?"

"Ah eto, wine!" Sabi ni Gabrielle.

"Uy Winona na miss kita. Kumusta ka na?" Sabi ni Jane kay Winona habang nagluluto.

"Okay lang, ganun pa din." Sagot naman nito.

"Akala ko ba Gi mag oorder ka?" Si Denise.

"Nag offer nalang si Winona magluto." Sabi ko palapit kay Winona at niyakap eto.

"Wow PDA much lang ha?" Si Jane.

"Hoy! Alam mo namang kakarating ko lang galing ibang bansa kaya wag kana diyan!" Inirapan ko lang siya.

"Hey Gi, nagkachat kami ni Finn last time, andito na pala siya sa pinas noh. Nagkasabay daw kayo sa plane?" Tanong ni Gabrielle.

"Finn? As in Finnley Ortega?" Tanong naman ni Denise.

"Oo. Nagkasabay kami. She's taking masters daw sa Barcelona." Walang interest na sagot ko.

"I think she needs it for their company." Sabat naman ni Jane habang tumitikim ng pansit.

"Uy ang sarap nito Winona! Ang swerte talaga nitong mokong na 'to. Masarap magluto ang girlfriend eh!" Sabi ni Denise habang tinitikman nadin ang pansit.

"Salamat Denise. Okay lang ba ang lasa?" Tanong ng lab ko kay Denise, umaprob naman ito.

Nang matapos mag luto ni Winona ay kumain na kami. Wala silang ibang ginawa kundi ipraise ang luto nito. Sobrang sarap daw kasi lalo na yung ginataang manok.

Kwentuhan at kulitan lang din kami. Pagkatapos ng masayang tanghalian ay umuwi nadin sila. My family gathering pa kasi si Gabrielle. Si Denise naman imemeet pa ang client niya. Si Jane ayun magkikita daw sila ng boyfriend niya.

"Lab, thank you ha? Tsaka ng enjoy ka ba?" Sabi ko habang hinuhugasan ang mga plato. Siya naman naglilinis ng mesa.

"Oo, ang daldal talaga ni Jane noh?"
Kwento pa niya.

"Oo lab sobra."

Nanuod lang kami ng movie ng lab ko while cuddling the rest of the day. Sobrang namiss ko lang siya. Masaya ako at boto sa kanya ang friends ko.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now