Chapter 40 - Dissolution

Start bij het begin
                                    

Unti-unting tumulo ang luha ko.Masakit sa damdamin ang mga naiisip ko na maaaring mangyari.

"Mga pare,ang ganda pala nito.At ang sexy pa." anang isang mabigoting tao na may hawak na baril na nakapwesto sa kanan ko dito sa loob ng van.Pinasadahan niya ng malisyosong tingin ang kabuuan ko.

"Oo nga ano?" nakangising sagot naman ng nasa kaliwa ko. "Paano kaya kung paliligayahin muna natin siya bago ibigay kay boss D.?" tumawa ito ng mala- demonyo.

Kinabahan ako,sobra.Mas gustuhin ko pa ang mamamatay na lamang kaysa pagsawaan ng mga hayop na ito ang katawan ko.

"Mga manyak!" sigaw ko.Ngunit sabay lang silang nagtawanan.Nakakairitang tawanan.

"Ano 'yon?" tanong ng driver ng may bumundol na bagay sa sasakyan na ito.Agad namang inihinto ito. "Kayong dalawa,tingnan niyo." utos ng driver.

Pinaikot ko ang aking paningin sa kabuuang lugar.Matalahib ito at bibihira lang ang may dumaraan.

"Tangina!Bakit wala pa ang dalawa?" dahil sa inis,tatlo na sila ang bumaba ng sasakyan kaya naiwan akong mag-isa sa loob nito.

Dinig ko ang sunod-sunod na putok na siyang ikinagulat ko.Bigla namang bumukas ang pintuan ng sasakyan at may mga lalaking sumakay.Pero hindi na ang mga dating lalaki.Bagong mukha.Mga apat sila.

Hanggang sa may pumasok pang isa at naupo sa kanang bahagi ko.

"Miss V." anito kaagad.Hindi ko siya namukhaan dahil sa suot nitong leather jacket at sumbrero.Pero kilala ko ang boses niya.

"Attorney Crawford!Hayo-"

"Makinig ka muna Violet!" agaw niya sa sasabihin ko. "Magpapaliwanag ako." dugtong pa niya.Hindi ko alam.Pero ang kaninang galit ko sa kanya ay parang nawala na lang bigla.

"Sabihin mo na." walang ganang saad ko.

"Hindi totoong nakipagsabwatan ako kay Diosdado." simula niya kaya agad nabuhay ang interes ko.

Pinaandar na ng nagdrive ang van na ito.Nakita ko ng dumungaw ako sa bintana ng kotse ang mga nakahandusay na kalalakihan.'Yong mga mukhang manyak.

"Violet,mga pulis 'tong kasamahan ko.Gusto ko lang makatulong sa inyo ni Mico.Kaya kunwaring nakikipagsabwat ako sa stepfather niya.Ito din ang dahilan kung bakit kailangan kong ilayo muna kayo ni Mico dahil pinaplano na nila ang sabay kayong dukutin." agad akong napalingon sa kanya.Kaya pala noong gabing iyon ay binantaan niya ako.Ngayon alam ko na.Naiintindihan ko na. " Noon pa,duda na ako sa amain ni Mico.Actually,isa siya sa mga iniimbistigahan ng mga awtoridad.Hindi ko lang pinapaalam kay Mico dahil alam kong minahal na niya ang amain niya.Kahit ang agency nila ay itinago ito sa kanya.Naghihintay lang ng tamang panahon para siya mismo ang makakakilala sa kanyang stepfather." mahabang kwento nito.

"P-paano mo naman napaniwala si Diosdado na magiging kasabwat ka nila?" tanong ko.Pansin ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa mga labi niya.

"Sinabi ko lang naman na mahal kita at balak kong agawin kay Mico."

"Ano?!" nanlaki ang mga mata ko.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu