Chapter 27-The Crime

9.7K 236 26
                                    

Viola's POV

Pababalik-balik akong naglalakad hawak ang mobile phone ko.Nandito kami ni Mico sa sala pero naka-upo lang siya at busy sa kanyang laptop.Alam ko naman na kung hindi tungkol sa kaso ko ang ginagawa niya diyan I'm sure tungkol sa negosyo nila.

Kaya ko lang naman hawak ang phone ko dahil gusto kong tawagan ang tiyuhin ko.Gusto kong tawagan si Uncle Ernie at sumabatan kung siya nga ba ang may gawa?Pero ang sabi daw ni Mico,'wag kong gawin 'yan dahil mahihirapan silang tiltikan ang galaw n'on.At sa ngayon,may tao ng nagmamanman sa bawat galaw ng tiyuhin ko kasama na pati mga pinsan ko at ang buong pamilya nila.

Lihim pa rin akong nagdarasal na sana inosente sila.Dahil hindi ko siguro matatanggap kung sila ang may pakana ng lahat.

Naging mabuti si daddy sa kanila.Binibigyan sila ng kagustuhan nila noong nabubuhay pa si daddy.Minahal sila ni daddy dahil ang sabi ng ama ko ay kapatid siya ni mommy kaya pamilya na rin ang turing ni daddy sa mga iyon.

Patuloy ako sa ginagawa kong pabalik-balik na paglalakad.Naiisip ko rin na paano kaya kung pupunta ako sa kanila?Kina uncle Ernie.Kaya hawak ko pa rin ang phone ko dahil gusto kong tawagan o i-text si Uncle na dadalaw ako sa kanila.Pero siguro mas maigi kung gulatin ko na lang sila.

Urgh!

'Di ko alam kung ano ang gagawin ko.Gusto ko ng maayos na ang magulo kong buhay para si Mico naman ang haharapin ko.Alam kong marami pa akong tutuklasin sa kanya.

“Violet,can you please sit down?Nahihilo ako sa iyo eh.” sita niya sa akin.

“Eh kung doon ka na kaya sa kwarto mo Mico.Para 'di ka mahihilo sa kakatingin sa akin.” mataray kong sagot sa kanya.Kainis kasi eh.Kung makasita wagas.Palibhasa siya ay panay laptop lang.

“Tsk!” kumibot ang dulo ng labi niya. “Alam mong hindi kita pwedeng iwanan dito hon.” isinara niya ang laptop niya at tumayo papunta sa akin. “Maupo ka kasi muna.” hinapit niya ako sa baywang at hinila paupo sa tabi niya.Hindi naman kami kasi malayang makagalaw dito sa bahay as a lovers dahil marami kaming kasama dito.

“Doon ka na nga sa kwarto mo.Hindi ko naman sinabing bantayan mo pa ako dito.” nakalabi kong sabi sa kanya.Napabuntong hininga ako dahil hindi ako pwedeng maglambing  sa kanya dito.Pero pasimple siyang sumiksik sa katawan ko at bumulong.

“Hindi kita pwedeng iwan dito hon.Gabi na.Kahit pa nasa loob ka pa ng pamamahay mo pero delikado pa rin.At isa pa,...” idinikit pa niya lalo ang mga labi niya sa punong tainga ko. “....gusto kong masolo ka at makasama ka ng matagal bago matulog hon.” pagkatapos ng mga sinabi niya ay ngumiti siya ng nakakaloko.

“Tse!” inirapan ko siya.Pero 'di ko mapigilan ang kiligin.

Tinitigan niya lang ako at bumulong ulit.

“I love you. ”

“Mico,pwede ba tayong pumunta bukas kina uncle Ernie? ” saad ko.Humirit na ako habang may kalandian pa siya.

“At bakit?” tumaas ang kilay niya. “Ano ang plano mo Violet?Sabi ko naman sa 'yo na 'wag kang gumawa ng mo—”

“Hindi naman ako gagawa ng mga bagay-bagay na labag sa mga sinabi mo eh.Kakamustahin ko lang sila.” I pouted. “Pero kung ayaw mo akong samahan,fine...” tumayo ako. “....then ako na lang.” tinalikuran ko na siya.

“Wait Violet.Oo na.Sige na nga.” bigla niya akong hinabol. “Tsk!Tigas ng ulo.” pabulong pa niyang dugtong.

Kaya ngumiti na lang ako ng palihim.Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

“Mahal lang talaga kasi kita.” kumakamot pa siya sa batok habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Hindi ko na siya pinansin pa.Nagpatuloy lang ako sa paglakad na kasunod siya paakyat ng hagdan.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon