Prologue

39K 591 47
                                    

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa taong kaharap ko ngayon.

"Hayop ka!" Sigaw ko habang nangingilid ang mga luha sa mga mata ko.Halos nanlalabo na ang mga mata ko.

Ang bigat lang kasi.Ang bigat lang sa kalooban ko na ang taong ito,ang siya pang nagdala sa kinalalagyan ko ngayon.

Ang taong ito na minamahal ko ay isa palang kampon ng demonyo.

"Let me explain please honey...Let me talk." Pakiusap niya na pilit inaabot ang kamay ko.Pero mabilis ko itong inilag at idinapo ulit sa mukha niya.Gusto ko siyang durugin.Gusto ko siyang saktan.Gusto kong iparamdam sa kanya ang pait at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Damn you Aragon?!Pagsisihan mo ito.Ginago mo ako eh...ginago mo ako..." Unti-unting nanghina ang boses ko habang hinahampas siya sa dib-dib.

Pilit niya naman akong ikinulong sa mga braso niya.Gustuhin ko man na manlaban ulit sa kanya pero iginupo na ako ng katawan ko.

Nangingig ako sa galit.Napagod ako sa ginawa ko sa kanya.Naubusan ako ng lakas.Pero narito pa rin sa puso ko ang poot.

"I-i'm...s-sorry honey..." Sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.Kaya mabilis na bumalik ang lakas ko dahil sa ginawa niya.

Ubod lakas ko siyang itinulak.

"Sorry?!...iyon lang ang masasabi mo?...S-sorry?!" Napasabunot ako sa buhok ko.

Napansin ko rin na tumulo ang luha niya.Pero hindi ako maaawa sa kanya.Sinira niya ako.Kaya nararapat lang yan sa kanya.

Akmang magsasalita pa siya sana ngunit mabilis ko siyang inunahan.

"Leave...just leave Aragon!" Pagtataboy ko sa kanya. "L-leave...and never will...ever come back again!" Sigaw ko kahit napapa-lunok ako ng laway.Nanakit pa ang lalamunan ko dahil nawawalan ng laway.

Sumilay sa mukha niya ang sakit.Pero wala na akong pakialam.Nararapat lang yan sa kanya.'Di na siya nagsalita pa.Bagsak ang mga balikat niya ng tumalikod sa akin.

Sinundan ko na lang siya ng tanaw habang pinupunasan ang mga luha.

Ang sakit.Niloko niya ako.Matagal na panahon niya akong niloko.At pagbabayaran niya ito.

Hindi ko inakala na ang bodyguard na kinuha ko,na ang bodyguard na inakala kong magtatanggol sa akin at minahal ko,ay siya pa palang nagdala sa kasuklam-suklam kong buhay.

Nagulat ako sa nalaman ko at hindi ko matanggap na - My Bodyguard Is My...What?!

*****************

Written by: SeanZie-Watty

This is a WORK OF FICTION. The INCIDENT, NAMES and PLACES are purely WORKS OF MY IMAGINATION.

Please support agin my new story.Hehe.Wala lang akong magawa.Kaya naka-isip na naman ng kung anu-ano.haha.
NOT RELATED po ito sa iba ko pang mga story.

Hindi ko inaasahan na may babasa nito.Kaya po kapag SENSITIVE ka o STRICT sa grammar at typos,ay siya. HUWAG MO NA PONG BASAHIN.
Tulad ng mga sinabi ko sa ibang stories ko,hindi po ako batikan na writer.Nagkukunwari lang na marunong.Lol.Kaya nais ko lang na sana intindihin niyo na lang ang kamalian ko.Tao lang po.Di rin ako MATALINO katulad ng ibang authors.Baliw lang ang isip ko.Kaya feeling writer.Haha.

GOD BLESS PO SA INYONG LAHAT.

*insert pabebe wave here*

August 7,2015.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon