Chapter 15-Inlove With You

9.4K 249 45
                                    

Viola's POV

Naalimpungatan ako at agad na napabangon sa higaan ko ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko.

"Ouch!" Mahinang daing ko ng maramdaman ko ang pagsakit ng katawan ko.

Iginala ko ang paningin sa paligid.Wala na palang bagyo at mayroon ng sikat ng araw.Tahimik na ang kapaligiran.Nakatulugan ko pala ang paghihilot ni Mico sa paa ko.

Paa ko?

Ginalaw ko ito.Pero hindi ko na naramdaman na kumirot ito kagaya kagabi.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang silid na kinaroroonan ko.Maliit lang ito.Kung tutuusin,parang malaki pa yata ang c.r. ko sa sarili kong kwarto.

Sementado lang ang silid na ito at walang ka-deko-dekorasyon.Talagang plain lang at tanging bulaklakin na kurtina lang sa mga bintana ang nagpa-dagdag ng dekorasyon sa kwartong ito.Mayroon ding drawer na may pangalan na 'orocan' na kulay green.

Napansin ko rin na nakahiga ako sa parang papag na yari sa kawayan at nilagyan lang ng manipis na kutson.Kaya pala siguro nanakit ang katawan ko dahil maliban sa takbuhan namin ni Mico,nahiga pa ako sa ganitong klase ng kama.

Pero nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ang suot ko.

"Oh my gosh." Mahina kong usal sa sarili.Gusto ko pang pagtawanan ang sarili ko dahil sa suot ko.Hindi ko inisip kahit kailan na maka-suot ako ng daster.And take note,floral pa ito na malalaki.

Agad na tumayo ako.Sinilip ko ang underwear ko kung pati ba ito ay pinalitan din.At lalong nanlaki ang mata ko dahil hindi ito ang panty na suot ko kahapon.Though halata namang bago ito at hindi pa nagamit pero hindi ang mamahaling brand na gamit ko.

Kinapa ko rin ang dibdib ko,and confirmed, wala akong bra.

"Waaahhh!Mico!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw dahil sa sitwasyon ko.Sino ang nagbihis sa akin kagabi.

"Violet.Ano ang nangyari?" Narinig kong tanong niya.

Pero napatigil ako ng sasabihin dahil bigla siyang bumangon.Nandito lang din pala siya sa loob ng kwarto natulog.At sa sahig siya nakahiga.May banig na nakalatag at may isang unan at manipis na kumot.

Kagabi,nanaginip ako na binubuhat ako ni Mico at inihiga sa kama.Pagkatapos niya akong ipahiga sa kama may binulong siya.

"Goodnight Violet. Sleep well.I'm here for you.Hindi kita hahayaan na mapaano." Anito.At pagkatapos ay masuyo niya akong hinalikan sa mga labi.

Napangiti ako ng marinig ko sa kanya iyon sa panaginip ko.Parang isang napaka-gandang musika na kaygandang pakinggan.At ang mga halik niya,parang totoo. Parang hindi iyon panaginip.

"Goodnight too Mico." Nakangiting sagot ko pa sa panaginip ko.

"Violet." Pukaw niya sa naglalakbay kong diwa.Nasa harapan ko na pala sita at naka-short lang ng manipis tapos naka-white T-shirt lang.Gano'n pa man,'di nakaka-bawas sa kagwapuhan niya ang ayos nito.Bagkus,naging ka-akit-akit pa ito sa mga mata ko.Lalo na ang mabalahibo niyang legs.

Heto na naman ako!

Kahit mabalahibo ito,pero di naman masagwa tingnan.Malinis pa nga ito dahil hindi kakapalan.

"Violet!"

Napaigtad ako ng idantay niya ang kamay niya sa balikat ko.Parang may kung anong kuryente ang bumalatay sa katawan ko.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon