Chapter 39- Untitled

8.9K 227 5
                                    

Viola's POV

Nandidilim at nagpupuyos ang damdamin ko sa galit ngayon.Parang isang bomba ang sumabog sa harapan ko ng sabihin ni Diosdado na siya ang may pakana ng lahat.

Kanina,habang nagsasalita siya,hindi ko maintindihan ang sarili kung ano nga ba dapat ang maramdaman ko habang kinekwento niya kay Mico ang totoong pangyayari sa pagkawala ng magulang niya.

Pinapakita ko lang sa kanya na okay lang ako.Na matatag ako.Pero gusto ko ng umiyak,humagulhol ng malakas at sumigaw.Pero wala pa rin kaming magagawa kahit gawin ko pa ang mga bagay na iyon.

Sigurado akong makakatakas kami.Makakaligtas kami dito at pagbabayaran ng demonyong ito ang ginawa sa amin at sa pamilya ko.

Napatingin ako bigla sa kinaroroonan ni Attorney Klein.Ng magtama ang aming mga mata,agad niya itong iniwas.Gan'on din ang ginawa ko.

"Ang sabi ko,sinadya kong ipapatay ang mga magulang mo." anito habang nakakairitang nakangisi.

Biglang naputol ang pag-iisip ko.

"B-bakit?Bakit?!" sigaw ko sa kanya.Tinakbo ko siya at mabilis na pinaghahampas. "Ha.yop ka.talaga!" saad ko pa sa pamamagitan ng panghahampas sa kanya.

Nanginginig ako sa galit.Naalala ko bigla ang mga magulang ko.Kawawa sila.Kaawa-awa sila dahil ang taong tumaraidor sa kanila ay ang malapit na kaibigan nila at itinuturing pang kapatid.

"Sumagot ka!" muli kong sigaw.

"Kuhanin niyo nga ang babaeng ito!" galit na utos niya sa mga kanyang mga tauhan.

"Violet." galit ang boses na tawag ni Mico sa akin.Nagpupumilit siya na makawala sa kanyang pagkakatali.

Nang ibinalik na ako ng mga tauhan ni Diosdado sa pwesto ko kanina,niyakap ko si Mico.Lihim akong nanalangin na sana huwag siyang makaka-kalag sa kanyang pagkakatali dahil sigurado akong kahit mapapahamak kami ay susugod siya sa away.

"Mico,okay lang ako." saad ko.

"Ipagpatuloy ko na ba?" napalingon kami muli kay Diosdado ng magsalita ito.

Siguro,mananahimik na lang ako at pigilan ang damdamin kong gusto ng sumabog dahil sa galit sa kanya.I need to calm down para mabilis kami makatakas dito.

"Pinapatay ko ang mga magulang mo,dahil sagabal sila sa buhay ko Violet.At 'yong ama mo,masyadong pakialamero." anito habang umi-iling-iling. "Wala siyang karapatan na pagbawalan ako sa gusto kong mangyari at sa negosyo ko.Alam mo..." umayos siya ng upo at bumuntong-hininga na para bang inaalala ang nakaraan.

Tahimik lang kami ni Mico habang nakikinig sa kanya.Sobrang sakit na malaman ito pero kailangan kong magpakatatag.

"Noong inalok ko siya sa ganitong negosyo,hindi niya tinanggap.Bagkus,sinermunan pa ako at binantaan na kapag 'di ko ititigil ito,siya na mismo ang magsusuplong sa mga awtoridad.Gusto ko lang naman na suportahan niya ako.Gusto kong kahit isang beses lang,bigyan niya ako ng kapital.O sabihin na nating pahiramin ako.Pero sadyang madamot ang daddy mo Violet.Tinaraidor niya ako." galit ang boses niya sa kanyang huling sinabi. "Kaya..." nagpatuloy siya. "Noong nalaman kong balak niya akong isumbong sa kapulisan,inunahan ko na siya." ngumisi siya bigla. "At ang swerte mo dahil iniligtas ka ng isang Mico Luis Aragon nang gabing 'yon. " tumawa siya ng malakas habang na kay Mico ang paningin.

"Alam mo?!" tiim bagang na tanong ni Mico sa kanya.

"Mismo Luis." mabilis na sagot nito. "Pero hinayaan ko na lang kayo.Dahil may isa pa akong natuklasan.Gusto kong mangyari ang lahat bago ito gawin sa inyo ngayon." tumawa siya ng may pagka demonyo ang tono. "Dapat nga magpasalamat pa kayo sa akin.Ng dahil sa ginawa ko,nagka-inlaban kayo,'di ba?O mali pala ako.Si Mico lang pala ang na-inlove sa iyo ng palihim Violet."

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon