Chapter 19-The Co-Owner

9.3K 280 40
                                    

Author : Naiinlab talaga ako kay Mico.Gwapo eh.Haha.Kaya wag na kayong kumontra.
**********************

Viola's POV

"Mico..." Kumatok ako sa kwarto niya dahil hindi pa siya lumabas.Kailangan na namin kasing maka-alis ng maaga papuntang opisina.Marami akong ime-make-up na gawain.Dalawang araw akong nawala kaya sigurado akong hinahanap na ako ni Wendy.At sigurado din ako na marami akong meetings at pi-pirmahang mga papeles.Hindi kasi alam nina Wendy kong paano ako ku-kontakin.Wala din kasing alam ang mga tao dito sa bahay lalo na si Nana Caridad.Pero nai-kwento ko na sa kanya ang nangyari pero hindi lahat lalo na ang tungkol sa amin ni Mico.

Naka-balik na nga pala kami dito sa Manila.At pinaki-usapan ko si Mico na sana,wala siyang munang pagsasabihan sa status namin.

"Mico?" Kumatok ako ng isa pa pero walang may sumasagot talaga.

Pinihit ko ang doorknob.Mabuti na lang dahil hindi ito naka-lock.Dahan-dahan akong pumasok.

"Mico,nasaan ka ba?" Bulong ko sa sarili.Sinipat ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto na pinapa-gamit ko sa kanya.

Napasamyo ako at amoy-na amoy ko ang mamahaling pabango na ginagamit niya.

Mamahalin?

Oo nga pala,nalimutan ko,mayaman pala si Mico.At isa pa iyon sa mga bagay na kailangan kong tuklasin.Ano nga ba ang mayroon sa pagkatao niya?

Gusto ko siyang tanungin.Pero hindi ko kayang itanong dahil natatakot ako sa maaring maging sagot niya.Kaya ganito na lang,kailangan ko siyang mapa-ibig ng sobra sa akin.Kahit pa sabihin kong tama na ang paghihinala ko sa pinapakitang pagmamahal ni Mico sa akin pero sumasagi talaga sa isip ko ang pagdu-duda kahit pa na ang puso ko ay nagdidikta na sa isip ko na paniwalaan ko siya.

"Mico?" Tawag ko ulit sa pangalan niya.At pagkuwa'y,narinig ko na lang na mayroong ingay sa loob ng banyo.

Ah baka nagbibihis pa.

Nakuha ang atensiyon ko sa laptop na nasa kama niya.Nakabukas ito.Kaya dahan-dahan ko itong nilapitan.Kinakabahan pa nga ako.

F & A Security Agency. Ito ang nakaladlad sa screen ng laptop niya Kaya na-curious ako.Sinimula kong basahin ang mga naka-sulat dito.

Wala naman ibang nakasulat dito kundi ang mga company na kumu-kuha ng serbisyo nila.

In-scroll ko pababa para mabasa ko ang lahat.

The History of F & A Security Agency.

Bigla akong nagka-interes.Kaya nagpatuloy lang ako sa pagbasa.

Why it's called F & A Security Agency?
Who is the owner or founder?
What is the F stand for?
What is the A stand for?

Ito ang mga katanungan.Kaya lalo akong nagnasang mabasa lahat.

F- gotten from the surname of the woman who captivated my heart when our eyes met at the first moment.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon