Chapter 33 - Marriage Contract

9.5K 241 13
                                    

Mico's POV

Iginaya ko siya at inalalayan sa pag-upo dito sa isang malaking bato habang kaharap sa falls na ito.

Ibinalik ko siya sa lugar na ito na kung saan dito kami unang nag-date bilang official na couple.Dito sa Batangas.

Hindi ko pa kasi sinabi sa kanya kahapon ang mga bagay na tinatanong niya.Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya sa lugar na kagaya nito.'Yong lugar na may masayang alaala sa amin.

Dinig ko ang pagpakawala niya ng hangin sa kanyang bibig. "Ang ganda talaga dito Mico." masaya niyang saad sa akin habang pinapadapo sa likod ng palad niya ang isang kulay purple na paru-paro.

"Kasingganda mo hon." tumabi ako sa kanya at inakbayan ko siya.Nang may dumaang paru-paro na puti,mabilis ko itong hinuli pero nasa maingat na paraan.Agad na iniladlad ko ang malambot niyang palad at saka nilagay doon ang nakakatuwang nilalang-ang paru-paro.

"Mico,sabihin mo na sa akin." saad niya habang nilalaro ang nasabing nilalang.

Bumuntong-hininga na lang ako at sinimulan ang pagkwento sa kanya.

Flashback

"Are you insane Luis? Aren't you?!" inis na napasuklay si attorney Mendez sa kanyang buhok. "alam mo ba 'yang papasukin mo Mr.Aragon?" dugtong pa niya habang pasalampak na umupo.

"Tito please...gawin mo.Ako na ang bahala sa consequences.Haharapin kong mag-isa 'yon.I'll promise you." itinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa sa kanya.

"Paano ako makakasiguro Luis?Violet Fernandez,trusted me so much.At hindi ko papayagan na masira 'yon." saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I have my words attorney.I will do everything para mapaibig ko siya sa akin.And after that,hindi na siya magagalit sa akin if ever she find out the truth." pangungumbinsi ko.

Buo na kasi ang pasya kong ito-ang maging asawa ang isang Violet Fernandez ng hindi niya alam.At itong si Attorney Diego Mendez ay ang attorney na matagal ng pinagkakatiwalaan ng pamilya nila.Uncle din siya kasi ng kaibigan kong si Klien Crawford.Kaya madali ko siyang malalapitan.

Noong una,nagulat ako sa natuklasan ko na siya pala ang family lawyer ng mga Fernandez.Kaya lalo akong naghangad na mapasaakin si Violet.Damn!I am madly,deeply inlove to that woman.

Napukaw ang paglipad ng isipan ko ng marinig ko ang pagbuga niya ng hangin.Parang ang bigat sa kalooban niya pero alam kong nakukumbinsi ko na siya.

"Okay,just promise me Luis na hindi mo hahayaang masaktan ang kliyente ko.Anak na ang turing ko kay Violet.At ayokong maranasan niya ulit ang masakit niyang nakaraan." napabuntong-hininga siya.

"I swear Tito." I said with full of assurance.

"Well,hindi na ako makakatanggi.Please iho, ingatan mo si Violet.'Wag mo siyang pabayaan.At 'wag kang mag-aalangang lumapit sa akin kung may kailangan ka." kahit parang nahirapan siya pero lumiwanag naman ang mukha niya.

"Sure.I will Attorney Mendez." nginitian ko siya.

"How many times do I need to remind you Luis?Tito Diego.Just call me Tito.Masyado kang formal iho." he tapped his chin at ngumiti ng bahagya.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon