Chapter 40 - Dissolution

11.1K 258 16
                                    

Viola's POV

Isang makapag-pipigil hininga ang unti-unti naming pagbukas ng pintuan.

"Aahh!" napasigaw ako ng may dalawang putok akong narinig.Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbaril ng isang pulis sa tauhan ni Diosdado na handa na sanang bumaril sa amin pagka-bukas ng pintuan.

Mabuti dahil may dalawang pulis na nakaabang na sa amin sa labas ng pintuan.Ito maari ang kasama sa plano ng operation na ginawa ni Klein kasama ang mga awtoridad.

"Dito hon." saad ni Mico habang hawak-hawak ang kamay ko samantalang ang isa niyang kamay ay may hawak na baril.

Nilingon ko si Attorney Mendez at Klein na nakasunod sa amin habang tumatakbo.

"Luis,sa likod tayo dumaan!" sigaw ni Klein sa kanya.

"Huwag! Sigurado akong maraming nakaabang na kalaban doon dude.Diyan ang daanan nila para mapabilis ang pagtakas." pasigaw na sagot sa kanya ni Mico.Hindi ko alam kung paano nya alam ang lugar na ito o ang pasikot-sikot dito. Kaya siguro siya nabihag dahil sumugod siyang mag-isa sa lugar na ito. "Dito tayo!" dugtong pa niya at saka ako marahan na hinila kaagad sa kanang direksyon.

"Huwag kang matakot hon.Makakatakas tayo." pagpapanatag niya sa akin habang tumatakbo.Tumango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti.Kailangan kong magpakatatag dahil pagkatapos nito ay magiging masaya na kaming lahat.Sana lang magiging matagumpay kami laban sa sindikatong ito.

Kasabay ng aming mabilis na pagtakbo dinig ko ang putukan dito,putukan doon.Nakakabingi,nakakatakot at nakakapanginig ng tuhod ang ingay ng mga baril na animo'y may isang malakas na ulan na bumubuhos.Umaalingaw-ngaw ang tunog ng mga bala.

Bawat humaharang sa amin ay mabilis na nauunahang barilin ni Mico.At ang mga ibang humahabol sa amin ay agad namang nababaril ng mga back-up naming pulis o kung di kaya ay si Klein.

Wala akong nagawa kundi ang magtakip ng tainga dahil sa ingay ng putok at ang magpikit ng mata kapag may binabaril at nagtatalsikang dugo.Ang iba nadadaanan na lang namin na nakahandusay na at duguan.Malaki pala ang grupong ito.Higit pa sa inakala ko.Hindi basta-basta ang sindikatong ito na pinamumunuan ni Diosdado.

Sino ba ang mag-aakala na ang simpleng bungalow house na ito ay may malaking hide out pala.

Mabilis ang mga kilos ni Mico.Para akong nasa pelikula na sa tuwing tatangkain ng kalaban na makakasulubong namin ang barilin kami ay agad nauunahan niya.Higit pala sa akala ko ang actual na nakikita si Mico kung paano gumamit ng baril.Parang ang gaan-gaan lang sa kanya na hawakan ito at kalabitin.

Pakiramdam ko rin ay parang nahihilo na ako sa ingay.Ang lahat ay biglang unti-unting bumagal ang mga galaw na para bang slow motion.Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa digmaan.Na akala mo,nasa bar ka lang at may malakas na tugtog.

Nakakapangilabot at nakakapanindig balahibo.Nakakahingal at nakakapang-hina ng tuhod.

Habang paakyat kami sa hagdan ay sinasambit ko ang pagdarasal sa aking isipan.

"Kaunti na lang hon." ramdam ko ang pagpisil ni Mico sa palad ko habang mabilis ang mga hakbang namin paakyat ng hagdan.Kaya lalo akong nagkaroon ng pag-asa na makakatakas kami dito.

Bang!

Isang putok na siyang ikinatili ko na naman.Parang sasabog na ang eardrums ko sa mga putukan.

Napasinghap ako ng hangin ng marating na namin ang taas.Ibig sabihin mabilis na kaming makalabas sa bahay na ito.

"Almost Violet.I love you." mabilis niya akong ninakawan ng halik sa mga labi.Kahit sa ganitong sitwasyon,nagawa pa ni Mico ang magpahayag sa akin.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon