Chapter 25-Unknown Number

8.7K 238 25
                                    

Viola's POV

"Escudero?" ulit ko.

"Yes hon.Why? " kunot-noong tanong niya.

"So you mean Mico hindi ka lang basta-bastang mayaman?" tanong ko.Ang Escudero kasi ay kilalang mayamang angkan sa bansa.Although hindi man sila ang pinakamayaman pero hindi pa rin sasapat ang pera na mayroon ako.

"I'm sorry Violet kung hindi ko kaagad nasabi sa 'yo." hinging paumanhin niya.Napahalukipkip pa ito.

"Then bakit kailangan mo pang pumasok sa buhay ko bilang bodyguard?" inis kong tanong sa kanya.Naalala ko na naman iyon. "Hindi sapat na dahilan ang sinabi mong gusto mo lang na pumasok sa buhay ko dahil gusto mong baguhin ang paniniwala ko.May iba pa.Tama ako 'di ba?" napasuklay na ako sa buhok ko.Biglang umahon ang galit ko.Tama nga.Paano niya nalaman ang buhay ko? "Ibig bang sabihin,noon pa lang ay ini-imbistigahan mo na ang buhay ko?Noon pa ay kilala mo na ako?Then why Mico?Bakit gan'on na lang ang pagka-interes mo sa buhay ko?!" gigil kong dugtong.Hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang dapat kong iisipin.Hindi ko naman pwedeng sabihin na pera lang ang habol niya sa akin dahil higit na mapera ang angkan niya.

"V-violet?...h-hon..." nauutal at halatang kinakabahan niyang saad.

"don't touch me Mico!" gigil ulit na sabi ko habang napapasuklay sa aking sariling buhok ng akma niyang hahawakan ang kamay ko. "What?!" asik ko ulit sa kanya.

"Because I love you Violet.Mahal kita kaya ginawa ko ang mga bagay na iyon." mabilis niyang sagot.

"Mahal?M-mahal...mo ako?" itinuro ko pa ang sarili ko. "M-mahal mo ako gayung nakita lang kita noong nag-apply ka bilang bodyguard sa akin?What the hell Mico?Ginagago mo ba ako?" kung mahal niya ako,ano 'yon,noon pa lang ay nakilala na niya ako?Pero bakit hindi ko maalala ang mukha niya.Bakit wala ako ni katiting na alaala na nakita ko na siya.

"Violet,listen.Let me explain please." pagmamakaawa niya.

"Spill!" utos ko.

"Marami ka pang bagay na dapat mala-"

Hindi na niya naipapatuloy ang sasabihin dahil nag-ring ang phone ko.Nasa bulsa ko pala ito ng pants.

Tiningnan ko muna ng masama si Mico bago dinukot ang mobile phone sa aking bulsa.

Nang akma kong sasagutin ito ay wala na ang tumatawag.Missed call na ito.At unknown number.Maya't maya pa ng kaunti ay may nag-text.Napakunot ang noo ko.

Binasa ko ang message.At muntikan ko ng mabitiwan ang hawak kong phone ng dahil sa nabasa ko.

"Why Violet?" nag-aalalang lumapit kaagad si Mico sa akin at inagaw ang phone na nasa kamay ko pa rin.Nanginginig na naman ang kalamnan ko.

"Damn!Bullshit!" halos ihagis niya ang aking phone ng mabasa ang nakalagay na message doon.Niyakap pa niya ako.

Ang kaninang galit ko kay Mico ay nawala na.Nabaling na sa isang message na iyon na may unknown number.

'This might be your happiest day.But who knows,tomorrow is your goodbye day?Sulitin mo na ang gabing ito miss Fernandez.Dahil bukas o samakalawa,mawawala na ang pinakahuling Fernandez.Hahaha!'

'Yan ang nakalagay sa text message.

"M-mico..." garalgal na banggit ko sa pangalan niya.Napapadiin na rin ang mga daliri ko sa likod niya habang yakap-yakap niya ako.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon