Chapter 40 - Dissolution

Start from the beginning
                                    

Kaya kahit kabado na ako ng sobra, pakiramdam ko nabawasan ito.

"I love yo-"

"Sa palagay niyo ba mabubuwag niyo ako?" naputol ang itutugon ko sana kay Mico.Gulat kaming napalingon kay.

"Diosdado!" tiim bagang at galit na sambit ni Mico sa pangalan ng demonyo na ito.Nakangisi pa ito habang nakaharap sa amin.

Nanginig na naman ang katawan ko. Lalo na ng bigla niyang itutok sa amin ang hawak niyang baril.

"Mamamatay muna-"

Bang!

"Micoooo!"

Napasigaw ako.Malakas.Sobrang lakas.

Akala ko,si Mico na ang natamaan pero kitang kita ng dalawa kong mata na mabilis niya itong naunahan sa pagpaputok at natamaan ang kamay na may hawak na baril. Wala pa nga yatang isang kisapmata,nagawa na niyang barilin ang nasabing lalaki .Dahilan ng pagkahulog sa sahig ng hawak nitong baril.

Pero napaigtad na lang ako ng matumba si Diosdado sa sahig na duguan na at ngayon ay nakahandusay na,na wala ng buhay.

"Sarhento!" sabay kaming napalingon sa nasabing pulis na nasa likuran lang pala kanina ni Diosdado.Siya ang bumaril sa nasabing lalaki.At sa ulo ito tinamaan kaya mabilis na bumulagta sa sahig.

"Diosdado..." binitawan ako ni Mico at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ng bangkay.

Ako naman ay nanginginig lang na nakatayo at hindi lubos maisip na masaksihan ko ang ganito.Oo,nasaksihan ko rin ang pangyayaring ito noon nung patayin ang mga magulang ko pero mas matindi ito dahil marami ang nabuwis ang buhay.

Napatakip ako sa bibig ko at pilit na pinipigilan ang emosyon.Gusto kong umiyak.Pero walang luha na lumalabas.Pati bibig ko,nanginginig na rin.

Pansin kong tumahimik na ang paligid.Wala ng putukan.

Dinig ko na ang maraming ugong ng mga sasakyan,tunog ng ambulance at police car.Tapos na ang lahat.Tapos na ang operation na ito.Tapos na,pero marami namang buhay ang nawala.

Nakita ko ang pagkapa ni Mico sa mukha ng kanyang stepfather na wala ng buhay.Tumingin siya sa nasabing sarhento kanina pagkatapos ibinaling niya sa akin ang kanyang paningin.Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.Pero hindi ko nakita ang pagsisi at panghihinayang dahil wala na ang kanyang kinilalang ama.Hindi ko rin siya masisi dahil ito na lang din ang natira niyang pamilya.Ang itinuring niyang pamilya.

Gusto ko siyang lapitan,gusto ko siyang yakapin at pagaanin ang loob.Pero hindi ko magawa dahil nabato-balani na ako sa kinatatayuan ko.

"It's over.We're safe." isang kamay ang tumapik sa balikat ko kaya napaigtad ako.

"Attorney Crawford.Thank you." wala sa sarili na saad ko.Blangko pa rin kasi ang isipan ko.

Nilingon ko ang tiyuhin niyang abogado-si attorney Mendez.Nanginginig at tulala din ang nasabing may edad ng abogado.

"Salamat din sa tiwala mo sa akin Violet.Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ka naki-cooperate sa akin." anito na pinisil pa ang braso ko.Marahan lang akong ngumiti sa kanya.

Tama.Tinulungan niya kami.Hindi totoong kaaway siya.Bagkus ginawa niya ang makipagsabwatan kono sa grupo ni Diosdado.

Flashback

Tahimik at taimtim akong nagdarasal sa isipan ko habang sakay ng mga hayop na ito sa kanilang van.Unti-unti na kasi akong nawawalan ng pag-asa.Wala akong ibang nasa isip kundi si Mico.Paano na siya?Paano ang gagawin niya kapag nalaman niyang nasa kamay na ako ng mga taong gustong pumatay sa akin?

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Where stories live. Discover now