"Bye honey"- Hanna to Leya and Lucy.

"Bye mga apo at mga anak!" Mom to me and Hanna and the twins.

"Bye mga anak!" Me to my children.

I sighed after I ended the group call.

Masaya naman ako na naalala ako ng pamilya ko sa kaarawan ko. Pero si Rage kaya? Does he remember it's my birthday?

O alam kaya nyang birthday ko?


Apat na buwan na ang nakalilipas pero hanggang ngayon hindi parin kami nag-uusap.

Apat na buwan akong naghintay. hindi ko naman akalain na, tutuparin nya yung sinabi kong "take your time" sa huling message ko sakanya.

Nagkikita naman sila ng mga anak ko. Hindi nga lang ako ang naghahatid kundi si Hanna.

Mabuti nalang at hindi nagrereklamo ang kapatid ko sa pagiging "in between" nya sa aming dalawa

Siguro naiisip din nyang para ito sa mga bata.

Nagtataka na din ang mga bata sa naging set-up namin.

Pero wala naman akong magawa. Kasalanan ko 'to.

I miss him...

Totoo nga yata yung kasabihan na "saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito sayo..."

Now I played guilty. Tangna, ang sakit! Pero katulad nga ng palagi kong sinasabi sa sarili ko... "kasalanan mo Harelline, panindigan mo. Magdusa ka!"

Ngayon alam ko na yung pakiramdam. Yung sakit na nararamdaman ni Rage noon sa tuwing binabalewala ko sya.

"I made a mistake. I really didn't love you at all, Rage. Forget it already!"

Nasabi ko ba talaga ang bagay na yon sakanya?

Kahit na sino sigurong taong nagmamahal masasaktan kapag narinig ang mga bagay na 'yon.

Naisip ko si Brick. Yung sinabi nya tungkol sa pakikipagpustahan ni Rage sa mga kaibigan nito na paibigin si Hanna pero mistaken identity pala ang naganap. I was the one who fell in love with Rage.

Sakit. Yun yung naramdaman ko nung mga panahon na 'yon. O sakit nga ba talaga? O yung pride ko yung nasaktan?

Kasi pakiramdam ko napakababa ko para pagpustahan lang.

But then, even if Rage was a jerk. Binawi nya naman ang lahat. He made me feel special. He fell in love with me after all.

Kung tutuisin, malaki ang pasasalamat ko kay Rage. Kasi kung hindi naman dahil sa kanya. Hindi darating sakin ang mga anak ko. Wala sanang Leya, Lucy o Loki nag-e-exist kung wala si Rage Vergara. 

Ang tanga tanga ko. Huli na ng ma-realize ko na napakalaki ng pasasalamat ko para kay Rage. Mali man ang naging umpisa. Mali man ang paraan ng simula namin. Maganda naman ang kinalabasan.

Parang isang bagyo. Typhoon maybe a disaster... pero it's a sign that after a storm, darating ang araw. Magliliwanag din ang mundo. Magiging maayos din ang lahat. Ang bagyo ay simbolo lang na ang buhay, hindi kailanman magiging perpekto. Kailangang makaranas muna ng sakit, hirap o kalungkutan. Hanggang sa mararanasan na nating maging masaya. Doon natin ma-a-appreciate kung gaano kasarap maging masaya..

Parang yung pagmamahal ko kay Rage. Naging masakit para sakin ang umpisa. Dahil sa sakit na naranasan ko, hindi ko na naappreciate ang mga bagay na ginawa nya sakin. ang pagmamahal na binibigay nya sakin kasi naka-focus ako sa sakit. Naka-focus ako sa nakaraan...

Saka ko lang napahalagahan ang mga bagay ba ginawa nya sakin ng mawala na sya.

Ang tama ko nalang gawin ngayon ay maghintay... babalik pa kaya sya? Umaasa akong sana... sana hindi pa sya sumuko.

~*~


AUTHOR'S NOTE:

Salamat sa 5K+ na nadagdag sa reads after a month of not updating.

Guys sorry talaga! Hindi ko naman sinasadyang hindi mag-update. Sadyang nahihirapan lang talaga akong mag-focus  'tapos nasa far-flang/remote area pa ako. 😭

Sorry kung postpone na naman ang updates. Gustong gusto ko naman talagang matapos na ito last September. Pero hindi ko kinaya😢 😞

Gomenasai~
Miyaneh~
Sorry~
Pasensya na~

P.S. Two chapters remaining! [Chapter 47 || Epilogue] [Exlude the bonus chapters]

Yearning For Love(VS#1) Where stories live. Discover now