"Oh lab, order na tayo. Masarap dito yung pasta nila tsaka steak."

"Kung ano nalang Giselle, hindi ko kabisado to eh, ang mahal. Pwede naman tayo kumain sa carenderia o kung gusto mo sa fastfood." Sabi niya.

"Eh kasi lab lage nalang tayo dun, maiba naman. Tsaka first date natin 'to as mag girlfriend kaya sige na. Order na tayo." Sabi ko. Nag order nalang kami ng steak at pasta. Habang nag hihintay ng order ay nagkwentuhan muna kami.

"Lab, alam mo bang nakwento ko na kay Ate yung tungkol satin. Alam na niya lab." Habang hinahawakan ko kamay niya.

"Huh? Talaga? Ano sabi? Nagalit ba sayo?"

"Hindi naman lab, pinagbantaan lang ako na pag nag loko ako patay ako sa kanya." Then I chuckled.

"Talaga! Subukan mo lang manyak ka. At baka itong tinidor itusok ko sa mga mata mo!" Hinawakan niya pa yung tinidor at umaaktong itutusok. Haay 'tong babaeng 'to may pagka sadista talaga oh.

Nang dumating ang order namin ay diretso na akong kumain. Nakita ko si Winona tinitingnan padin yung steak. Hmmm alam ko na.

"Ako na maghihiwa lab. Ganito yun oh." Sabay pakita ko sakanya paano. "Oh lab kain kana."

"Kasi naman eh hindi ko alam yung mga ganito." Sabi niya.

"Masanay kana lab, from time to time kakain tayo sa mga ganito." Sabi ko.

Tapos na kami mag dinner at hinatid ko na si Winona sa kanila.

"Goodnight lab." Sabay kiss sa pisnge niya.

"Mag ingat ka manyak ha." Lumabas na siya ng pinto at pumasok sa boarding house niya.

...

Thursday na at excited akong nag drive papunta coffeeshop. Syempre naman, duty ko na ngayon dun eh. Pagdating ko andun na si Winona nag aayos ng tables and chairs.

"Hi lab! Good morning." Kiss ko din sa pisnge niya. "Pwede sa lips naman lab?"

"He! Tigilan mo nga ako, manyak ka talaga. Ayusin mo nga yung mga gamit pati CR icheck mo kung malinis." Sabi niya.

Ilang oras ang nakalipas ay gumagawa na ako ng orders ng customers, dumating nadin si Arlene yung kasama namin sa shift.

"Winz! Ikaw na maghatid nitong order oh, kanina kapa hinahanap eh." Sabi ni Arlene kay Winona na kakalabas lang galing locker area.

"Sinong customer?" Takang tanong ko.

"Yun ganda oh. Yung kambal." Turo niya. Tiningnan ko ang direksyon kung saan papunta si Winona. May dalawang babaeng naka upo. Tila sobrang saya pa ng makita siya.

Teka parang kilala ko sila eh! Wag mo sabihing.. Lumapit ako ng konti para klaro. Hindi ako nagkakamali, sila nga.

The Sandoval Twins.

Kanina ko pa tinitingnan si Winona at yung kambal, ang saya nila parang mag barkada lang. Ilang minuto din ay bumalik na si Winona.

"Kilala mo sila?" Tanong ko.

"Oo, frequent customers. Lage sila dito pero mga ilang buwan din di ko na sila nakikita ngayon lang ulit." Sabi niya na parang natutuwa pa.

"Mukhang ang saya pa nila na nakita ka."

Mabilis na natapos ang shift namin at wala ako sa mood. Kumain din kami ni Winona sa silogan at parang wala din akong gana.

"May problema ka ba Giselle? Kanina ka pa parang wala sa mood." Tanong niya habang ng dadrive ako.

"Ah wala lab. May iniisip lang. Dito na tayo oh. Good night lab!" Sabay kiss ko ulit sa pisnge niya.

Pagdating ko ng condo ay diretso kong tinawagan ang close ko na pinsan, si Gabrielle. Magkasundo kami dahil pareho kami ng gusto.

"Oh Gi, napatawag ka?"

"Gab, you wouldn't believe what I just saw. The Sandoval Twins are back!"

"What?? Really?? Kailan lang??"

"Sa coffeeshop. I don't know, and they're back in their usual slate, I think they're hitting on my girlfriend." Nakwento ko na kasi kay Gabrielle about kay Winona.

"That's not something new. They're always good at that, flirting. Stupid twins. Double eye na lang sa girlfriend mo Gi."

"For sure! Nakakainis, I don't want to get in trouble anymore, nagpromise na ako kay Ate, pero these whores are getting into my nerves. Nakita ko lang sila gusto ko ng pagsipa-sipain eh!"

"Just let me know when you need me. I'd be very glad to help." Inagaw kasi ng Sandoval Twins ang girlfriend dati ni Gabrielle. Pati ka date ko na babae dati kinabit din, walang pili.

Binaba ko na yung phone at natulog.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon