"Hindi nga." may iba kasi akong gusto.

"What the heck?!" napakamot ako ng ulo.

"Bakit ba?" nacha-challenge lang naman ako kay Japan.

"Inaakit akit mo tapos hindi mo alam kung gusto mo sya o hindi? ano 'yon? trip lang para matalo sya?"

"Hindi naman sa ganon pero pwede na rin." sabi ko at kinindatan sya.

"Loko 'to, hindi tayo talo!" natawa ako. Hindi ako naniniwala, nararamdaman ng gaydar ko na may kakaiba sa kanya. Katulad ng sinabi ni Ate Kristal, kahit gaano ka pa ka-straight, babaluktot at babaluktot ka pa rin.

"Pero sa totoo lang ay nacha-challenge ako kung paano sya makakausap ng maayos."

"Anong maayos ang pinagsasabi mo dyan?" takang tanong nya.

"I mean, you know she's cold. Sa team natin sila Torey at Jayden lang ang kinakausap nya pero ang cold nya pa rin sa dalawa. Parang kasing na-challenge ako na tunawin ang pagiging cold nya."

"Like Ate Kill and Ate Avey?" halos lahat ng basketball fans ay alam ang kwento ng lovelife ng dalawa. Ikaw ba naman isurpresa ng taong mahal mo sa loob ng court na sobrang daming manonood tapos live pa? sinong hindi macu-curious at alamin ang nangyari sa kanila.

"Exactly! pero mas malala pa ata si Japan kay Ate Kill kaya yung pang-aakit ko sa kanya ay hindi tumatalab."

"Hindi talaga tatalab 'yon, ang panget mo kaya." ngitian ko sya.

"Truth hurts pero hindi ako nasaktan so hindi totoo." napanganga sya sa sinabi ko. Natawa naman ako sa itsura nya. Ang panget eh.

"Napakaimpossible mo!" kinindatan ko sya.

"I know right?" natatawang sabi ko.



Kill's POV

"Utang na loob kayong dalawa ay tumigil tigil kayo sa landian ninyo!" sigaw ni Ashley samin ni Avey pero hindi ko sya pinansin. Niyakap ko ng mahigpit si Avey habang nakasubsob sa leeg nya. Pagod ako.

"Inggit ka lang eh." sabi ni Dom.

"Hindi ako inggit, naiirita lang ako!" sigaw na naman ni Ashley.

"Ash red day mo ba ngayon?" tanong ni Avey na pinaglalaruan ang buhok ko. Napangiti ako at hinalikan ang leeg nya. Hinampas nya naman ako kaya natawa ako ng mahina.

"Hindi!" natawa ang ilan kay Ashley.

"Eh bakit may tagos ka?" napatingin ako sa pwetan ni Ashley kung natagusan nga ba sya katulad ng sinabi ni Maki.

"Gago wala nga ako ngayon!" padabog na umupo sa upuan si Ashley. Bumitaw ako sa pagkayakap kay Avey pero sumandal ako sa balikat nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan. Napangiti ako.

"Wag kang magpadala sa babaeng 'yon." sabi ko sa kanya. Kaya lang naman sya nagkakaganyan dahil sa nakalaban namin kanina na taga-Japan. Hindi nakaka-score si Ashley dahil sa hapon na nagbabantay sa kanya. Nashut down nya si Ashley at inis na inis si Ashley sa hapon na 'yon.

"Nakakainis eh!" maktol nya. Nailing na lang ako.

"Nga pala, kailan pala kasal ninyong dalawa?" napatingin kaming dalawa ni Avey kay Erin. Out of nowhere yung tanong nya.

"Oo nga, 'di ba nag-propose ka rin na magpakasal kay Avey nung nag-propose ka rin na maging girlfriend sya?" dagdag ni Sam. Akala ko hindi nila iyon napansin.

"Hindi pa namin iyan pinag-uusapan." sabi ni Avey. Napakunot ang noo nilang lahat.

"Kailan ninyo balak pag-usapan?" tanong ni Dom.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon