/20/ Confessions

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sasabihin ko sa inyo pero I'm counting na hindi nyo sasabihin kahit na kanino." Sabi ko. Yeah, I trust them, because they're my friends.. And... makakabuti na rin siguro kung mailalabas ko ang lahat ng 'to, I can't take it all alone.

"Promise." Tinaas pa nila yung kanang kamay at parang mga batang nangako na magbebehave.

"May problema." I sighed, "Hindi ko alam kung paano sisimulan." Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula at kung ano ang ikoconfess ko.

"Umm... Edi tatanungin ka na lang namin. Ok lang ba yon?" suggestion ni Penelope.

Mukang mas mabuti yon, tumango ako bilang pagpayag sa kanya. Pero nagkagulo naman sila kung sino ang mauuna.

"Ako muna!"

"No, ako nagsuggest ako muna!"

"Ako naunang magtanong kanina Penpen!"

"Edi ako na lang!"

"Ako sabi eh!"

"Para patas, magbunutan na lang tayo!" idea ni Aya.

"Wow, may utak ka rin pala Aya." Pang-aasar ni Baldo.

"Tse!" kumuha ng papel si Aya, hinati sa apat at sinulat ang mga pangalan nila, tinupi ang papel at iniba iba ang ayos ng papel "Bumunot ka Morie."

Kumuha ako at binuksan iyon, "Baldo."

"Ok, so ako ang una. Ahm, kanina, bakit ka tumakbo?" tanong niya.

Huminga ulit ako ng malalim, inilabas ko yung phone ko.

"Natatandaan nyo ba yung tumatawag sa'kin kahapon?" tumango sila, "Nung mauna na kayong umuwi, tumawag ulit yung number..."

"At sinagot mo?" excited na dugtong ni Aya.

"Sssssshhh!!!!!!" saway nila.

"Sorry, tehee~"

Tumango ako, "Sabi nya alam nya raw kung sino yung may gawa ng blog tungkol sa'kin, pinababalik nya ko sa White Knights noong araw na yon para raw malaman ko."

"Bumalik ka?" kinakabahang tanong ni Yue.

"No, umuwi ako."

"Bakit? Diba gusto mong malaman kung sino yung may gawa nun?" tanong ni Aya

"Kinabahan kasi ako. Hindi kasi maganda yung kutob ko. At kanina, noong bumalik ulit tayo sa school, nasa classroom kayo Aya, sila Baldo nag cr, nasa lobby ako mag-isa..."

"Tungaks ka! Bakit mo iniwan si Morie?!" binatukan ni Aya si Baldo.

"Aray, masakit ha!"

"Sssshhhh!!!!" saway nila Yue.

"Binuksan ko yung cellphone ko para matawagan kayo, pero bago ko kayo matawagan... Tumawag ulit yung unknown number." Natahimik sila lalo, "Kaya ko tumakbo kasi..." narinig ko yung paglunok nila ng mga laway nila... "Noong sinagot ko yung tawag...Walang sumasagot... Pero....  Narinig ko sa kabilang linya yung mga boses nyo, Aya, Penelope, nasa homeroom kayo."

Namutla silang apat. Tahimik.

"Kyaaaaaaaaah!!!" napayakap si Aya kay Penelope, kinilabutan. "Ayoko na! Horror na talaga to! Ayoko naaaaaa!"

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon