chapter 87:Forgiving

381 6 2
                                    


JHOPE'S POV

"Saan tayo pupunta,mark?"

Ang aga kasi niya akong inayang lumabas.Siyempre hindi na ako nag-usisa,sumama na lang ako.

"Sa hospital"

"Pupuntahan natin si Jas?"

Umiling siya at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

"Mamaya pero daanan muna natin si Jaebum"

"Bakit? Nasa hospital din siya?"

"Yes..hospital arrest.Alam ko na nagkamali siya pero kaibigan ko pa din naman siya,so gusto kong masiguro na okay na siya"

Tumango na lamang ako at tahimik na sumunod sa kanya papasok sa hospital.

Huh? Same hospital sila ni Jas? Alam kaya ni Taehyung ito?

"Alam ba ni Taehyung na nasa iisang hospital sina Jas at Jaebum,baby ko?"

"Ewan ko.Kung alam siguro niya,baka nagwala na ulit si Taehyung at sugurin ulit si Jaebum"

Oo nga naman.First time kong makita na magalit si Taehyung,and I advice,hindi mo gugustuhin na salubungin ang galit niya dahil panigurado,masasaktan ka.

"Sir,pwede po ba kaming pumasok? Kaibigan po kami ni Im Jaebum"
tanong ni mark sa mga pulis na nagbabantay sa labas ng ward ni Jaebum.

"Sige pero bilisan niyo lang,mahigpit kasing pinababantayan nila ang suspect"

"Opo,thanks po"

Pinapasok naman nila kami,at nadatnan namin na nakaupo ito habang ang isang kamay ay nakaposas pa sa gilid ng kama.

Wala talaga siyang katakas.

Hindi nga pala biro ang pinsalang natamo niya kina Taehyung at Namjoon,swerte na siyang nabuhay pa siya sa bugbog ng dalawa.

"Bakit kayo nandito? Hindi ba,hindi mo na ako kaibigan,Mark?"

"Hindi totoo yan JB"
His friend sighed sabay tingin sa akin.

"Ah,talaga? So,anong ginagawa niyo dito? Para tingnan ang kalagayan ko,at pagtawanan? Kaawaan?"

Lumapit si Mark sa kanya at bumitaw sa akin.

"JB,hindi ka namin kinaawaan o ano.Nagpunta kami---ako dito bilang isang kaibigan.Ano man ang ginawa mong kasalanan,kaibigan ka pa din namin.Je,di pa huli ang lahat.Magbago ka,at magsimula ulit"

Kita ko ang pagpatak ng luha ni Jaebum.

"Sige nga pa'no ko maayos tong gulong to? Pano ako magsisimula?"

"Magsimula ka sa pagpapatawad sa sarili mo.Pagbayaran ang mga kasalanan mo ng buong puso,forgive is to forget..Kalimutan ang masasakit na nangyaring ito,sinisiguro ko sayo makakapagsimula ka"
Sabad ko.Napatingin ulit siya sakin.

"Bakit ikaw? Kaya mo ba akong patawarin sa ginawa ko kay Jin at kay Jas? Tingin mo ba may kapatawaran pa ang ginawa ko?"

"Oo..Kaibigan ko ang mga nasaktan mo,pero sino ba ako para hindi magpatawad? Lahat ng tao,nagkakamali at kahit siguro mga kriminal,may karapatang tumanggap ng pagpapatawad lalo na kung nagsisisi sila,Jaebum"

Nag-iwas siya ng tingin.

"JB,,alam ko binulag ka lang ng sobra mong pagmamahal kay Jin.Pero kasi,nasaktan mo siya noon,ikaw yung nagkamali eh.So,sana mas inisip mong itama ang mga mali mo noon,ang hayaan siyang maging masaya sa piling ng taong mahal niya"

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now