chapter 12: first kiss

1.5K 44 23
                                    


JIMIN's pov

Gosh!! Andaming ganap today.

Nakakapagod ang maghapong klase..dumagdag pa ang paglantad ng totoong pagkatao ni Taehyung.

Malay ko bang tagapagmana pala siya ng Bighit university at sobrang talino niya kaya pala super confident siyang malalampasan niya si Jungkook sa pagiging number one.

Ang ipinagtataka ko lang kung bakit nagpapanggap siyang hindi matalino at sa class-E pa ang section niya?

Tapos malalaman ko pang kinakapatid pala ni Taehyung si Jungkook dahil inaanak ito ng Mommy niya.

Na magbabarkada ang tatay namin...

Grabeng stress ko ngayong araw na to talaga.

"Magre-review pa ba kayo mga anak? Diba bukas na ang exam ninyo?"
tanong ng Mommy ni Jungkook.

"Opo Mommy"
Sagot ni Jungkook na tumingin pa sakin.

"Okay,,sige na mukhang pagod kayong pareho ihahatid ko na lang ang mga pagkain niyo sa room ninyo hm?"

Sabay na lang kaming tumango ni Jungkook.

At umakyat na kami sa taas.

Papasok na sana ako sa room ko nang biglang hilahin ako ni Jungkook papasok sa room niya.

Sa pagod ko,,hinayaan ko na lamang siya.

Isinara niya ang pinto at narinig ko ang pag click ng doorknob.

Ni-locked?

Ano na naman ang trip ng isang to?

"Hayy,,wag ngayon Jungkook.Pagod ako,mamaya na yang trip mo"
walang gana kong sagot.

"Bakit napagod ka? Ano bang ginawa ninyo ni Taehyung dun sa library?"

Ano daw?!

Ano bang sinasabi ng isang to?

Nagreview lang naman kami ni Taehyung ah.

Hindi ko inasahan ang pagtulak niya sakin dahilan para mahiga ako sa kama niya.

He hovered on top of me..

A-anong ginagawa niya?

Sinalubong ko ang mga tingin niya.

Seryoso siya,yun ang nababasa ko sa mga mata niya.

"What are you d-doing Jeon?"
Shit! Hindi naman halata na ninenerbiyos ako diba?

"Why? Naiilang ka? Kay Taehyung ba hinde? Huh?"

Hindi ko siya maintindihan.

"Ano bang problema mo?! Bakit napasok si Taehyung dito ha?"
Tinangka kong itulak siya palayo sakin kaso mas malakas siya sakin.

"Pinagtatanggol mo ba siya?"

"Hinde ko siya pinagtatanggol.Aishh,,bakit mo ba to ginagawa sakin Jungkook? Di pa ba sapat na ni-reject mo na'ko? Dapat ba maghirap ako ng todo at patuloy na masaktan ng dahil sayo?"

Saglit na natigilan siya.

"Tama na Jungkook..Tanggap ko ng ni-reject mo'ko.At sinisimulan ko na ngang kalimutan ka at ibaling ang atensyon ko sa iba..Please ayoko ng masaktan"
Pinipigilan kong wag maiyak sa harapan niya.

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now