chapter 05:Cold Shoulders

1.1K 35 1
                                    


JIMIN POV

"Bumaba na tayo"
Walang lingon na nagpauna na sa paglabas si Jungkook na hindi man lang ako hinintay.

Well,,bisita lang naman ako dito,hindi VIP.

At halata namang napipilitan lang na patulugin ako dito sa maganda niyang room.

"What? Tatayo ka na lang ba diyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng magandang bedroom?"
Untag pa niya sabay dukwang ng ulo niya sa pinto.

Grabe siya.

"Excuse me? Para sabihin ko sayo mas maganda ang bedroom ko kesa dito sa kwarto mo.Alam mo,hindi mo naman kailangan na magpanggap na welcome ako dito sa room mo e,sana tumanggi ka sa Mommy mo ng hindi ka gaganyan ganyan..Sorry ah,naabala ka pa"

Nagpauna na akong bumaba at nilagpasan siya.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para masabi ang mga yun sa kanya.

Dahil siguro,,masakit na dito sa dibdib ko.

Pero mahal ko pa din siya.

At kahit anong iwas ko siguro,hindi na mababago ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Jimin-ssi,,come and sit..Kumain na kayo ni Kookie"
Aya pa ng Mommy niya ng makita kami ni Jungkook.

Kookie...bagay sa kanya.

"Opo,salamat po Ninang"
Nakangiting sagot at naupo sa tabi ni Papa.

Naupo naman si Jungkook sa tabi ng Mommy niya na paharap naman sakin.

Galit ba sakin ang kapalaran?

Na kung ano pa yung pilit mong nilalayuan,,pilit ka pa ding nilalapit dito.

Tahimik ko na lamang hinarap ang pagkain sa harap ko at minsan ay nakikingiti sa pagkukwentuhan ng mga nakakatanda.
Nakikisali din sa kwentuhan nila si Jungkook.

"Tito,asa'n po ang asawa ninyo?"
Pagkuway tanong pa niya.

Napatingin ako sa Papa ko na natigilan dahil sa tanong nito.

Mag i-emo na naman niyan si Papa naalala na naman niya si Mama na minsan ay hindi ko nakita tanging sa mga pictures at kwento ko lang siya nakilala.

"Matagal ng wala ang asawa ko,pagkapanganak kay Jimin"

Sabi na e,,malungkot na naman siya.

"Sorry po Tito,,hindi ko alam..Sorry po talaga"paumanhin pa ni Jungkook.

"Ayos lang Hijo..Saka okay naman na kami nitong anak ko kahit dalawa lang kami..Diba anak?"

"Opo naman Papa.."

Hinawakan ko ang mga kamay niya at bahagyang pinisil ang mga ito.

He smiled but I know,,malungkot pa din siya.

"Salamat anak ha? Sa pagtitiyaga mong alalayan ako sa lahat ng oras"

Ano ba yan?

Ayokong magdrama sa harapan ng ibang tao.

Niyakap ko na lang siya.

"Papa diba sabi ko ayokong nalulungkot ka? Yan,tuloy malungkot na din ako"

Kumalas siya ng pagyakap sakin at hinawakan ako sa magkabila kong balikat.

"Maswerte akong may anak akong gaya mo"
Nakangiti niyang sabi.

"Mas maswerte po akong ikaw ang Papa ko.I love you po Papa"

Muli niya akong niyakap.

Grabe ang hirap kayang magpigil ng luha..

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now