chapter 01:Love letter

2.2K 53 22
                                    


"Park Jimin,sigurado ka bang iaabot mo yan kay Jeon Jungkook?"tanong ni Jhope kay Jimin habang kumakain sila ng lunch sa canteen.

Bahagya siyang tumango.

"Its now or never Hopie-hyung"
Sagot niya.

"Ang tanong lang naman diyan ay kung papansinin ka niya? Look Jiminie,baka mapabilang ka lang sa mga ni-reject ng Jeon Jungkook na yan"sabad naman ng pinakamatanda sa kanilang magkakaibigan,si Kim Seokjin or Jin.

Napaisip siya.

Handa nga ba siya kung sakaling hindi siya pansinin ni Jungkook?

"Bakit kasi sa iba ka pa nakatingin? Nandito naman ako"
Sabad naman ni Taehyung.

Bumuntong hininga siya.

"Guys,pwede ba suportahan niyo na lang ako? Dapat i-cheer niyo ako wag yang ganyan na pinapahina niyo lalo ang loob ko"aniya

Bahagya siyang tinapik sa balikat ni Jin.

Habang inakbayan naman siya ni Jhope.

"Hindi naman sa pinapahina namin ang loob mo,pero kasi yun ang totoo Jimin..Look,sobrang magkaibang-magkaiba kayong dalawa.Matalino siya,mayaman at gwapo pa.Oo ikaw cute ka,pero jusko naman lahat ng meron siya ,wala ka.Halimbawa na lang,,section A siya,e ikaw? Section E,last section..Siyempre papatol yun sa ka-level niya"
Mahabang paliwanag pa nito.

Napaisip na naman siya.

Masakit man ang dating ng pananalita ni Jhope,alam niyang tama naman ito,at yun talaga ang totoo.

He sighed.

"Yeah right..Sino nga ba naman ako kumpara sa kanya? Ano 'to? Mr.Popular meets Mr.Nobody?"

Naramdaman niya ang paghawak ni Taehyung sa kanyang kamay.

"You're not just nobody Jimin,,for me you're perfect"saad pa nito.

Mabilis niyang binawi ang kamay dito.

"Bestfriend talaga kita,,lagi mong pinagagaan ang loob ko"
Nakangiti pa niyang sabi.

"Yeah,,,bestfriend..excuse me,CR lang ako"paalam ni Taehyung saka mabilis na um-exit.

Isang malakas na hampas ang natanggap ni Jimin kay Jin.

"Ouch!! What was that for?"

"Di ko alam kung manhid ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang?"
Tanong ni Jin

Takang tumingin siya dito.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ang manhid mo naman Jimin,hindi mo ba maramdaman na hindi lang basta bestfriend ang turing sayo ni Taetae?"

Bago pa siya makasagot,narinig nila ang bulungan ng mga estudyanteng kasabayan nilang kumakain sa canteen.

May mga tumitili pa nga,na sobrang sakit sa tenga.

"Jungkook oppa!! Saranghaeyo"
Anang isa.

"Jungkook oppa,,Marry me please?!"
Sabad naman ng isa pa.

Hindi tuloy maiwasan ni Jimin na mapakunot noo at sumimangot.

Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad sina Jungkook pati ang mga kaibigan nitong sina Namjoon at Suga saka naupo sila sa isang bakanteng mesa.

Jikook Presents: Its Started With A KissWhere stories live. Discover now