Chapter 1

129K 1.8K 149
                                    

Giselle's


"Aaaahhhhh!!" Bigla akong nagising ng may sumigaw sa 'di kalayuan. Ang lakas dahilan para mabilis pa sa alas kwatro na tumalon ako sa kama at tumayo sa gilid.

"May sunog?! Saan ang sunog?!" Sigaw ko ng 'di mapakali. I just woke up at naaalimpungatan 'ata ako. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko sa pagkabigla.

"Waaaaa! Ikaw?!" Napatingin ako sa gilid at bumungad sa paningin ko ang isang babaeng naka upo sa kama na nakahubad pero binalot naman nito ang katawan gamit ang comforter at nakatakip ang mga mata gamit ang isang kamay.

Nagulat at namalayan ko na nakahubad din pala ako sa harap niya kaya dali dali kong hinila ang comforter para takpan ang katawan ko. "Akin na yan!" Sigaw ko habang ang isang kamay ay pilit na tinatakpan ang katawan ko. Pero hindi naman siya nagpatalo at hinigpitan ang kapit ng comforter nito sa kanya.

"Akin na sabi yan!" Hinila hila ko padin ang comforter ko. Syempre akin 'to eh.

"Hindi pwede! Akin 'to!" Palaban na sigaw niya. Wow ha? Lumalaban.

"Comforter mo ba 'to ha? Akin to. Akin!" Sigaw ko din.

"Ayoko! Sisigaw ako dito pag 'di mo yan binitawan!" Pagbanta niya at patuloy padin ang paghila.

Kumalas na lang ako sa hilahan at bumalik sa kama. Kinuha ko ang unan at iyon ang ginawang pangtakip sa hubad kong katawan.

"An--nong ginawa natin? Bakit ka nakahubad at ba--bakit ako nakahubad? Anong ginagawa ko dito." Tanong niya na nagka utal utal at mangiyak ngiyak na.

"I should be the one asking you! You're in my room!" Ma-awtoridad kong sagot. Akala niya ha.

Hindi na niya napigilan at umiyak na siya. "Ma-may nangyari ba satin?" Tanong niya habang nakayukong umiiyak.

"Malamang! Pareho tayong nakahubad eh!" Eh ano pa nga ba? Alangan naman natulog lang kami na nakahubad?

She must be another girl I fvcked with. But looking at her, hindi naman siya kagandahan. Pinatulan ko ba talaga 'to?!

Ay teka! Ano nga ba kasi ang nangyari?

Hinawakan ng dalawang kamay ko ang ulo ko at pilit inaalala ang nangyari kagabi habang humihikbi pa din siya sa gilid. Ahh okay. Naalala ko na. Just another random girl I slept with.

"Walang hiya ka, leche ka! Panagutan mo 'to!" Sigaw ng babaeng ni hindi ko halos kilala. Seryoso? Gusto niyang panagutan ko siya?

"Wait! What did you just say?" Gulat na tanong ko. Nababaliw na ba siya?

"Bakit mo kasi ginawa 'to?! Ibibigay ko lang sana 'to sa taong mahal ko." Nagtaas na siya ng boses. Ang sakit sa taenga. Leche na babae 'to.

"Well I'm sorry okay?! But nangyari na. Wala na akong magagawa." Kibit balikat ko sa kanya. Hello? Wala ba siyang ka ide-idea tungkol sa one night stand?

"Ano? Yan lang sagot mo? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasohan ng rape!" Pagbanta ulit niya.

"Well yes. So I guess I'll see you in court then?" Confident kong sagot. As if naman kakasuhan talaga ako.

Umalis na ako sa kama at kinuha mga damit ko na nakalatag sa sahig at nagbihis. Napansin ko nalang din she did the same.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng umupo siya sa baba ng kama yakap ang tuhod niya at umiyak ng umiyak. Parang bata.

Tumigil ako at hinarap siya. "I'm sorry, okay? I was drunk and you too. I don't think mangyayari yun kung pinigilan moko." Huminga ako ng malalim at nilapitan siya. "As far as I can remember hindi moko pinigilan so I assumed gusto mo din. Umungol ka pa nga eh."

Nagkamali 'ata ako sa sinabi ko at isang napakalakas na sampal ang nakuha ko.

"What was that for?!" Napahawak ako sa pisngi ko at kunot noo ko siyang tiningnan. Ang sakit ng sampal niya, grabe.

"Bastos! Isusumbong kita sa Ate mo!" Tumayo siya at nagmamadaling lumabas ng kwarto pero bago pa yun ay binunggo muna niya ako. Muntik pa akong matumba.

Sinundan ko siya agad kahit ang sakit sakit pa ng pisngi ko sa sampal. "As if naman close kayo ng Ate ko. Sige subukan mo lang!" Sabi ko.

Hinarap niya ako at pinunasan niya yung pisngi niya na may luha. "Makikita mo." Parang pabulong niyang sabi at tsaka umalis na. Sinara pa yung pinto ng napakalakas.

Ang tanga tanga mo Giselle! Ba't pinatulan mo pa yun. Hindi naman kagandahan.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now