26th: I Want You

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ako po pala si Ami," pagpapakilala ko.

"Magli-live ba kayo?" diretsahang tanong ng ginang.

"Hindi po," mabilis na tanggi ko.

"Parang ganu'n na nga," sagot ni Michael, parang walang balak na magpaliwanag sa babae.

"Buntis ka ba, hija?"

Marahas na umiling ako. "Hindi po." Virgin pa po ako.

"Por que magsasama sa iisang bahay at magli-live in, buntis agad?" sarkastikong balik-tanong ni Michael.

Natameme ang ginang. "Sorry, Michael."

Ibininaba ni Michael ang kubyertos at iritableng tiningnan ang mommy niya. "'Wag mo nang tanungin nang tanungin ang girlfriend ko, naiilang siya. Hindi siya nagiging komportable."

Hindi na nagsalita pa ang ginang. Matapos niyang mag-ayos sa hapagkainan ay iniwan na niya kami.

"Bakit umalis 'yung mama mo? Nagtampo yata siya."

"Wala 'yon. 'Wag mo nang pansinin. Hindi talaga kami n'un sabay kumain."

Ngayon ko lang naalala at napansin na parang ang lamig ng pakikitungo nilang mag-ina sa isa 't-isa. Alam ko, hindi lang ito tungkol kanina na nasaktan ako ng ginang kaya nagalit si Michael. Parang may iba pang dahilan.

"Bakit ka pinalayas ng parents mo?"

Natigilan ako sa biglaang tanong na iyon ni Michael sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Tumikhim siya. "Sorry, bad timing yata 'yung pagtatanong ko."

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako nagsalita. "Okay lang, Michael." Humugot muna ako ng hininga at lakas ng loob bago ko ipaliwanag ang lahat. Dapat lang na malaman niya. Hindi na kailangang palagpasin pa. "Matagal nang magulo ang pamilya namin. Ang pinakadahilan n'on ay si papa. Simula kasi noong nagsama sila ni mama, wala siyang ginawa para makatulong sa gastusin sa bahay. Wala siyang trabaho, umaasa lang siya kay mama. Nagsusugal pa ang..." de puta. "walang kwenta kong ama at ang lakas pa ng loob na magloko. Kung meron man siyang naipapasok na pera sa bahay, sa pag-aaral ko, sa araw-araw na pangkain namin, minsan lang. Pinagmamalaki pa niyang galing sa mga baklang pineperahan niya. Heto namang si mama, ang martyr. Ayaw makipaghiwalay kahit pinagbubuhatan na siya ng kamay.

"Hanggang sa hindi na ako nakapagtimpi, sinagot-sagot ko siya. Bastos na kung bastos. Basta pinamukha ko sa kanya kung anong klase siyang ama at asawa. Kung anong klase siyang tao. Wala siyang kwenta. Peste siya. 'Yung kumag, hindi man lang nakonsensya. Ako pa 'yung minasama, nagawa pang manumbat. Kaya pinapalayas ko na siya noon na tutal, wala naman siyang binibigay para sa renta sa bahay. Ako na ang nagtataboy sa lalaking 'yun na hindi magawa ni mama pero itong si mama, ako 'yung pinalayas imbis na si papa.

"Nalaman ni Hina ang kalagayan ko kaya tinulungan niya ako 't pinatuloy sa bahay nila. Kaya lang kasi... 'yung mommy ni Hina, may ano..." Hindi ko alam kung anong salita ang gagamitin ko para ilarawan ang taong tinutukoy ko.

"May bipolar?" prangkang dugtong ni Michael.

Tumango ako. Malamang, siguro alam niya rin since matagal din ang naging relasyon nila ni Hina. "Kaya hindi ko natiis sa bahay nila. Umalis ako kahit wala na akong ibang mapupuntahan, sa kamalas-malasan pa, nanakawan pa ako, kakarampot na nga lang ang tirang pera ko. Noon ako naabutan ni Spencer na walang-wala kaya hindi ko na siya natanggihan nang alukin niya akong patirahin sa condo niya."

Sa hinaba ng mga sinabi ko hindi ko na binanggit pa ang pinakapinag-ugatan niyon. Iyong paghatid sa akin ni Spencer sa bahay na pinagsimulan ng sagutan nami 't pagsusumbatan nila mama at papa.

Hinawakan ni Michael ang kamay ko. "Sorry, ang hirap pala ng pinagdaaan mo. Simula ngayon hindi ka na mamomroblema kapag kasama mo ako."

Halos maluha akong ngumiti kay Michael. Sa kabila nang labis na pagkalugmok ko, mayroong taong sasagip sa akin mula sa masaklap na kinalalagyan ko. "Salamat."

"ANO'NG ginagawa mo rito?" bulalas ko pagkakita kay Spencer.

Natigil ako sa pagpupunas ng mesang pinag-iwanan ng customer nang dumating siya 't walang sabi-sabing umupo sa silya. Prente pa siyang napadekuwatro sa pwesto niya. Sa kadalasang pagpunta niya rito, kulang na lang ay maging at home siya sa restaurant.

"I 'm gonna eat," maikling sagot niya. Kinuha niya ang book menu at nagtingin-tingin doon.

"Bakit dito?" naiirita pa ring tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Why? Why not? Don't I have rights to eat here?"

"Bakit ka nga nandito?" Ayaw kong mag-assume pero alam kong may iba pang dahilan bukod sa usual na siyang kumakain dito.

May bumanaag na pagsuyo sa mga mata niyang tumitig sa akin. Mayamaya ay napangisi siya. "I missed your pasalubong that you steal from your work everytime you come home."

Napairap ako.

Sumeryosong muli ang mukha niya. "I also missed you..."

Tumaas ang isang kilay ko. "Wow, ha. Kahapon lang ako umalis sa inyo."

"Wala kasing maglilinis ng condo ko. It 's messy again."

"Burara ka talaga. Nawala lang ako saglit. Anong kalokohan na naman kaya ang ginawa mo? Nagdala ka na naman ng babae, 'no? 'Tapos nagkalat na naman kayo? Naku, ipalinis mo na lang sa iba 'yung bahay mo. Mayaman ka naman, eh, may pambayad ka ng tagalinis. Wala na akong obligasyon sa 'yo."

"Actually, nasanay na kasi akong kasama ka sa bahay. Suddenly, bigla kang umalis. I have to adjust tuloy."

"Saglit lang naman akong tumira sa condo mo, 'no!"

"Yes, saglit lang. Pero parang gusto ko pa sanang patagalin."

Iniba ko na lang ang usapan. "O, siya. Ano 'ng order mo?

"Ikaw."

"Ano nga?!"

"Pwede ba kitang i-table?"

Inikot ko ang mata ko. "Restaurant 'to, hindi bar."

"I know. At hindi kasama sa binebenta ang babae. Tinatawag 'yun na human trafficking."

Natigilan ako. Parang nangyari na itong conversation namin.

"Can I take you out? I wanna take you home."

Hindi ako nakasagot.

"I 'm willing to pay just to have you. Even it costs millions."

"Ikaw na mayaman!"

"I just need companion. Someone to be with."

"Bakit hindi 'yung babae mo? Si Hina."

"I want you."

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon