BTS 6. The Princess Arrived (part 2)

787 81 128
                                    

Nagulat ang grupo nang himatayin ang dalaga sa harap nila, pero mas nagulat sila dahil si Cody ang nakasambot dito.

Limang segundong natulala ang grupo.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin nyo lang diyan?! Ang bigat niya! Kunin niyo siya kun'di bibitawan ko 'to! Benchhh!"

Nataranta si Bench sa sigaw ni Cody kaya kinuha niya dito ang dalaga. "Anong gagawin natin sakaniya?" Nababahalang tanong ni Bench.

"Dalhin natin siya sa hospital! Bench isakay mo siya sa kotse bilis!" Utos ni Kyle.

Sumunod naman agad si Bench sa utos ni Kyle habang si Jao ay nakaalalay sakaniya.

"Timothy, Terrence maiwan na kayo dito. Cody?" Inaalam ni Kyle kung sasama si Cody.

"Maiwan na lang rin ako dito," sagot ni Cody.

Sumakay na sa kotse ang tatlo. Si Kyle ang driver si Bench at Jao naman ang umaalalay sa walang malay na babae.

"Buhay pa ba siya? Haru jusko! Parang hihimatayin din ako sa babaeng 'to," reklamo ni Jao.

"Humihinga pa siya," sagot ni Bench.

"Tatawagan ko si manager," wika ni Kyle.

~bts~

Samantalang ang tatlong naiwan sa dorm ay tulalang pinagmasdan ang papalayong kotse. Ilang minuto ay may nakapag-react din sakanila.

"Hayts! Anu ba 'yun?! Kinakausap lang naman na 'tin siya ah! Bakit siya hinimatay? Dahil ba sa sobrang gwapo natin kaya siya hinimatay?!?" Bulalas ni Terrence.

"Psh," nilayasan tuloy siya ni Cody. Mas gusto pa nitong matulog kaysa makipag-usap sa nilalang na 'to. "Isara niyo 'yung gate," utos niya sa dalawa  habang naglalakad na papasok sa dorm.

"Ganito na ngang sitwasyon nakuha mo pa ring mag-joke?" naiiling na wika ni Timothy napanguso tuloy si Terrence. "Hays... 'Di ba ang weird nito?" patuloy pa ni Timothy.

"Weird? Nang alin?"

"Nito,"

"Nang alin nga?"

"Nang mga nangyayare!"

"Huh?"

"Hindi kaya pina-prank lang tayo ni manager para sa show? Baka may hidden camera sa paligid, baka naka-film tayo! Hindi kaya? Naalala mo ba 'yung prank sa 'tin sa elevator?"

When the Man Hater Fall (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon