BTS 3. BTS World

1K 139 97
                                    

Matapos ang rehearsal bakas na sa grupo ang pagod.

"Phew, salamat makakapagpahinga na rin," bagsak balikat na usal ni Cody.

"Namimiss ko nang kama ko," maktol ni Jao.

"Parang gusto kong kumain ngayon ng kimbap," untag ni Terrence.

"Guys sandali lang may gustong sabihin sa 'tin si Alex," anunsyo nang leader nilang si Kyle. Kaya kahit pagod ang lahat ay nagkumpulan muna ang mga ito para pakinggan ang sasabihin ni Alex.

"Anong sasabihin mo kuya Alex? Na wala na tayong stock ng kimbap sa ref?" Pagjo-joke ni Terrence naging comedy tuloy ang ambiance.

"Loko ka talaga," napapatawang untag ni Timothy.

"Nagugutom na kasi ako eh," wikang muli ni Terrence.

"Ahm hindi 'yon," pagsisimula ni Alex. "Kasi pansamantala hindi ako sa dorm uuwi. Dun muna ako sa bahay namin. Request kasi ni mama na umuwi muna ako, hm pinayagan naman ako ni manager."

"Swerte," komento ni Jao at Bench.

"Mga ilang araw ka naman sainyo kuya Alex?" Tanong ni Timothy.

"1 month,"

"Ibig sabihin wala kaming taga-luto at taga-linis sa loob ng 1 month?" Nag-aalalang maktol ni Terrence.

"Yan lang ba talagang habol nyo sa 'kin?" Natatawang reklamo ni Alex.

"Joke lang 'yun. Syempre mami-miss ka namin," bawi ni Terrence.

"Magkikita-kita naman tayo sa show at rehearsal," nakangiting wika ni Alex.

"Sige bro enjoy your stay and time with your family," wika ng leader nilang si Kyle.

***

Pauwi na ang grupo sa dorm sakay ng kanilang service van.

"Tahimik ka?" puna ni Bench sa kaibigan nitong si Timothy, na-curious si Terrence kaya nakinig din ito sa usapan ng mga kaibigan.

"Nami-miss ko na rin kasing pamilya ko. Buti pa si kuya Alex pinayagan ni manager umuwi," paliwanag ng emosyonal na si Timothy.

"Eh malayo naman kasi 'yung lugar mo. Ngayon pa na hectic ang schedule natin? Miss ko na nga rin sila mama eh. Pero makikita din natin sila kaya matulog ka nalang," untag ni Bench kay Timothy, saka silang naidlip ni Terrence maliban Kay Timothy.

"Hello?"

Napatingin si Timothy sa leader nilang si Kyle na kasalukuyang sumasagot ng tawag.

"Yes manager katatapos lang ng rehearsal pauwi na kami ngayon sa dorm. Bukas? Okay okay po. Sasabihin ko sakanila," in-off na nito ang phone. "Guys tumawag si manager. Bukas daw pupunta siya ng dorm may announcement daw siyang sasabihin," announce ni Kyle sa lahat.

"Ano kayang sasabihin ni manager?" Inaantok na tanong ni Jao.

"Baka new shows offer," sagot ni Cody kahit nakapikit at bagsak na ang katawan nito sa sandalan ng upuan.

"Walang sinabi," sagot ni Kyle. Bumalik na sa pagtulog ang lahat maliban kay Timothy na inabala ang sarili sa pagba-browse ng cellphone.

When the Man Hater Fall (BTS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora